BOOK 2 CHAPTER 20

1339 Words
“Miss Ruth!” pagtatawag ni Randy habang tumatawid s’ya sa daanan. “Meron daw pong mga units na pinapa-listing ang ibang mga may-ari, Miss Ruth,” balita ni Randy habang hinihingal. Napangiti naman si Ruth nang marinig ito. “Maari po ba nating makita ‘yung unit ngayon?” “Opo. Dahil ang ilan po sa mga may-ari ng mga pinapa-lease na mga units ay dito na rin po nakatira.” Mas lalo namang napangiti si Ruth nang marinig ito. Mabilis naman silang tumawid at padagan na nagtungo sa loob ng condominium building. Pagkapasok sa loob, dumiretso si Randy sa reception area at nilapitan ang kan’yang pinagtanungan kanina. Nasa tabi lang sila Ruth naghihintay sa kahihinatnan ng pakikipag-usap ni Randy sa babaeng receptionist. May tinatawagan ito habang nag-uusap sila ni Randy. “Ate, bakit po tayo nandito?” ‘Di na napigilan ni Ren na magtanong. Kanina pa kasi s’ya nagtataka kung bakit pumasok pa sila rito sa condo eh tapos naman na ang transaction nila sa review center. Nakangiting lumingon ang ate sa nakababatang kapatid. “Ito lang ang tanging malapit na lugar kung saan pwede kang pansamantalang tumira habang nagri-review ka bunso,” saad ni Ruth. Biglang napanganga at nalungkot si Ren sa kan’yang narinig. Lumabas ito nang walang pasabi at pagkatapos ay sinundan naman s’ya ni Ruth. “Ren! Ren!” Nasa labas na sila ng condo. Dagliang naramdaman ng bunsong kapatid ang panghihina ng kan’yang tuhod kaya naman napaupo na lang ito sa may mababang planbox sa may sidewalk. “Okay ka lang ba, bunso?” pag-aalala ng kapatid. ‘Di sumagot si Ren sa kan’ya bagkus ay bumuntong-hininga lang. “Gusto ko na pong umuwi, ate. Kanina pa po kasi ako lumilibot sa area pong ito. Kahit ipagpaliban ko po muna ang paghahanap ng matutuluyan. Kahit sa makalawa na po ako babalik upang maghanap ng angkop sa gusto ko po,” paliwanag ng kapatid. Ngayon, si Ruth naman ang napabuntong-hininga. ‘Di s’ya sumigaw o nag-eskandalo sa tapat ng building kung saan marami ang dumadaan bagkus ay tumabi lang s’ya sa kapatid at hinaplos ang likuran nito. “Bunso, alam mo ba? Dati nung nagtatrabaho pa ako sa Zeus Hotel and Restau, gusto ko sanang mag-rent sa pinakamalapit na condo building. Panay kasi ang sabi ng mga kasamahan kong receptionists dati na ‘yung condo raw na ‘yun ang pinakamurang condo na alam nila. Kaya ako, palihim na nag-inquire at pumunta upang tignan ‘yung unit,” pagkikwento ng kapatid habang nakatanaw sa mataas na glass building. ‘Di pa rin umiimik si Ren kaya nagpatuloy ang kapatid sa kan’yang pagkikwento. “Nalaman ng mga kasamahan ko ‘yung ginawa ko at pinagtawanan nila ako. ‘Di ko raw kasi afford lalo pa’t na-dismiss sa panunungkulan si papa,” kwento ng nakakatandang kapatid sabay lumunok. “Simula nun, nagbago ang lahat. ‘Yung dati kong mga matatalik na kaibigan sa trabaho, isa-isang lumalayo sa’kin. Unti-unti na rin kasing kumalat ‘yung pekeng balita tungkol sa atin dahil sa bagong punong ehekyutibo.” ‘Di namalayan ni Ruth na tumutulo na pala ang kan’yang luha habang inaalala ang mapait na kahapong kanilang dinanas. “I was just starting sa dream job ko. Kaya lang, sinira nung taong ‘yun,” saad n’ya habang nagpupunas ng luha. ‘Yung limang PSG ay nasa likod ni Ruth. Nagdulot ito upang magtaka ang mga tao at kumuha ng larawan. “Bunso, alam ko dati, kung ‘di lang natanggal sa trabaho si Papa ay gugustuhin n’ya rin akong tumira dun sa building na ‘yun. Napag-usapan din kasi namin ‘yun minsan at ‘di ko makalimutan ang tuwa sa mga mata n’ya nang malamang sobrang taas ng gusto ko para sa sarili ko,” pagpapatuloy ng nakakatandang kapatid. "And now that you're in a situation similar to mine, I urge you to consider carefully whether or not you want to live in this condominium complex," pagkumbinse ng kapatid sa bunso. Bigla namang hinaplos ni Ruth ang tuktok ni Ren dahilan upang mapalingon ito sa kan’ya. “’Di ko man naranasan ang makatira sa condo unit dahil sa sobrang kakapusan ng buhay, ‘di ibig sabihin nun ay dapat mo ring maranasan ang naranasan ko dati, bunso,” nakangiting saad ng ate. “Iba ‘yung sitwasyon ko noon at sitwasyon mo ngayon,” pagpapatuloy ni Ruth. "I can afford a studio unit for you, bunso, inside this condominium complex. And all I ask is that you have an open mind and understand that I'm doing this not only for your safety and convenience but also to realize a dream I once had in your position," napaluha si Ruth nang sabihin n’ya ito. Napayapos naman ang bunsong kapatid sa kan’yang ate. “Don’t worry about anything, bunso. Ako na ang bahala ng lahat. Just do your best during your review and that’s enough for me. I’m not asking anything grand in return.” “Opo, ate,” saad ni Ren. Maya-maya’y lumabas na rin si Randy mula sa loob at hinanap sila Ruth. Nang makita n’ya ito ay agad n’yang sinabi rito na naghihintay na raw sa may reception ang isa sa may ari ng studio unit na pinapa-lease. Mabilis na tumayo ang magkakapatid at nang paakyat na sila ng hagdan papasok sa loob ng building, may napansin si Ruth na aninong nagmamasid sa kanila sa pamamagitan ng glass wall. Agad s’yang napalingon sa kan’yang likuran upang tukuyin ang kinaroroonan nung anino pero bigla itong naglaho. Napalunok na lang si Ruth at agad agad na pinalibutan ng kilabot ang buong katawan. Napansin ito ni Randy kaya mabilis itong tumabi sa kan’yang amo at tinanong dito kung ano ang nakita nito. Nang abala na si Ren na kausap ang receptionist at ang may-ari ng studio unit at nilahad ng dalaga kay Randy ang kan’yang napansin. Agad namang naalarma ang mga PSG dahil dito kaya naiwan ang tatlo sa mga ito sa baba habang ‘yung dalawa lang ang sumama paakyat upang masuri ang studio unit. Pilit na binabalewala ni Ruth ang kaba at takot na kan’yang naramdaman. Ayaw n’yang makita ito mapansin ito ni Ren dahil baka mag-alala lang ito para sa kan’ya. Maayos naman ang studio unit. Fully furnished ito at maaliwalas dahil sa magandang theme ng mga kulay ng pintura sa loob. May balcony rin ito na kung saan ay maaring tumambay si Ren habang nagkakape sa umaga. “Anti-theft Security Smart Lock Door na po ito. At may triple locking system po ito, maari pong fingerprint ang gamitin upang ma-unlock po s’ya o pwede rin pong password at susi,” paliwanag ng may-ari ng unit. ‘Di naman mapigilan nina Ruth at Ren na ma-amaze sa kanilang narinig. May mga sinabi pa ang may-ari ng unit pero tila nabingi na si Ruth dahil sa malakas na pagtibok ng kan’yang puso. Hinayaan n’ya na lang ang kapatid na magdesisyon dahil ito naman ang titira rito. When both parties come into an agreement, the owner of the condo unit immediately prepared a contract. Gumawa lang muna sila ng temporary but still binding na contract dahil gagawin pa ang formal na contract with all the necessary terms and conditions. Nagbayad lang din muna ng reservation fee si Ruth na ten thousand at pagkatapos ay nangakong babalik na lang sa susunod na araw. Pumayag naman ang may-ari dahil matatapos n’ya na rin ang gagawing kontrata. Matapos ang lahat ng ito, napagpasyahan ng magkapatid na ‘wag na munang gumala sa mall at dumiretso na lang ng uwi. Mahirap kasi ang sitwasyong kinakaharap nila at mas mabuti na ‘yung safe sila kesa i-take pa nila ang risk. Baka mapano pa sila. Pinahatid na rin ni Ruth si Ren gamit ang sasakyan ng mga PSG. Sila Randy naman at dalawa sa mga PSG ang sumama kay Ruth pauwi. Habang nasa byahe ay nilahad ni Ruth ang kan’yang napansin kanina at nagulat ang kan’yang mga kasamahan dahil sa dami nila, ‘di nila napansin ang aninong tinutukoy ni Ruth kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD