Chapter 15

2131 Words
Noong una ay nahirapan si Sophia na pakibagayan ang mga modelong Frances. Ngunit nahuli din niya ang ugali ng mga ito. At gustong-gusto nila ang kaniyang mga gawa. May isa pa ngang nagsabi na may nasuot na daw itong gawa niya noong nasa Pilipinas pa siya. "Sophia, join us tonight, please? It's already one year now but you never accept our invitation. Let's party! You are part of this success!" Si Claude. Ang French-Pinoy na siyang may-ari ng isang sikat na clothing line sa France. Nakilala niya ito sa isang Fashion show niya sa Pinas 3 years ago at inalok siya nito. She has been famous as a model in the Philippines but she started to love being the fashion expert of the models. She wants to see how creative she was. Naging sikat din siya sa larangan ng pagiging fashion designer. Kahit na sikat na siya, tinanggap pa rin niya ang alok ni Claude. Hindi para patunayan na magaling siya kundi para lumayo at makalimot. And yes, it's been a year. Dapat limot na niya. "Fine! I'll just drop by to my house. Sunod ako, promise!" Aniya dito. Ilang beses kasing hindi natuloy ang pagsama niya sa mga ito kahit sinabi niyang oo kaya ang tingin ni Claude ngayon ay hindi ito naniniwala sa sinabi niya. "Really, huh?" Natawa siya. Nadala na din ito sa mga pag-oo niya pero 'di naman siya natutuloy. "Yes! This time it's true. I hope wala ng magiging emergency!" Aniya sabay halakhak. Mariin siya nitong tinitigan. Tila inaanalisa ang kaniyang mukha pero sa huli ay sumusukong sumang-ayon nalang ito. "Don't worry, Claude. I'll just change. Proper outfit should be worn to a party!" Kinindatan pa niya ito. Napangiti naman na si Claude at bumeso na sa kaniya bago siya nito iwan. She sighed. Yes, it's been a year! Pero bakit kapag lagi siyang napapag-isa ay bumabalik pa din ang bigat sa dibdib niya? Oh, how she missed her Mom and Dad. And, Alfonso. Damn! She is still not get over him! Paano ba turuan ang pusong kalimutan ang pag-ibig? Ang ibaling sa iba ang atensyon? Perhaps she needs this party. Ang sabi pa ni Claude ay may mga sikat na Banda sa Pilipinas ang naiimbita na kumanta sa bar na pinupuntahan ng mga ito sa tuwing may mga success silang Fashion show. Well, hindi naman kailangan ay pinoy din ang makasalamuha niya. Just enough for her to forget her unhappy heart. Nang makauwi siya sa kaniyang apartment ay sandali siyang natigilan. Did her landlord enter her room? May nabago sa mga gamit niya. Ngunit hindi pa man siya nakakapag-isip kung ano ay lumitaw na sa paningin niya ang kaniyang Mommy at Daddy. "Oh, My! Mom, Dad. You didn't tell me you're coming!" Surprised and yet very happy to see her parents again. "Hindi talaga ako mapakali na nasa malayo ka. Your Dad said you're a grown up now. Pero para sa akin ikaw pa rin ang baby ko." Natawa siya habang yakap-yakap ang ina. This is better to celebrate their success pero magtatampo na talaga si Claude sa kaniya kapag hindi na naman siya sumipot sa party nito. Pagkatapos niyang yakapin ang mga magulang ay nagpaalam siya sa mga ito. "Ah, Mom, Dad. I want to spend the night with you, but I don't want to disappoint Claude this time. I promised I would go to the party. Sorry po." Ngumiti naman ang Mommy niya. "Don't worry, Sophia. We have plenty of time. Naka-vacation kami ng Daddy mo kaya sige na. You have to attend the party. You are part of it." Nakakaunawang sambit ng Mommy niya. Sandali lang siyang nagbihis. Isang black top at ripped jeans ang suot niya saka niya itinaas ang kaniyang buhok. Ni-retouch nalang din niya ang kaniyang make-up. Nagpaalam siya sa mga magulang bago tumulak sa venue ng party. Kakilala ni Claude ang may-ari ng high end bar and restaurant na pupuntahan niya kaya madalas ang mga itong doon mag-celebrate. Nang makarating siya sa lugar at makita siya ni Claude ay nagtatalon pa ito sa tuwa. "Akala ko talaga hindi ka na pupunta." Anito sa salitang Frances. "Muntik na, but my parents told me to go!" Nanlaki ang mga mata ni Claude. "Oh gosh! Nandito sila? Bakit hindi mo naman sinabi? Maiintindihan ko naman." Kinunutan niya ito ng noo. "Okay na. Ayos lang. At madami na rin akong atraso sayo kaya, magsaya na tayo." Aniya at hinila na ito tungo sa mga kasamahan nila. Masaya ang mga ito na nakasama siya. Talagang iniisip na naman daw ni Claude na hindi siya sisipot ulit kaya naman nagkatawanan sila. Mayamaya pa ay nai-serve na ang mga drinks nila. Napansin nga niya na nag-iiba iba ang mga banda na sumasalang sa entablado para kumanta. May nakita pa siyang sikat na band sa France. Kaya naman natigilan siya nang ang susunod na magpe-perform ay ang bandang The Gboys. Familiar, right? Banda nila Alfonso iyon. Pero baka kapangalan lang ng grupo? Hindi pa rin siya naniniwala hangga't hindi niya nakikita mismo ang mga ito. Bigla siyang tinapik ni Claude. Napatingin siya dito. Kahit na medyo madilim ay kita niya ang kislap ng mga mata nito. Animo'y kilig na kilig. "That's the band I'm talking about. They are all Filipino and the vocalist is super HOT! OMG! It's a destiny! Sumabay pa sa success natin ang pagdalaw nila dito." Halos mangisay na sa kilig si Claude habang sinasabi iyon. She rolled her eyes but she felt something in her heart. Bigla siyang kinabahan. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. "Dama ko sa aking puso Bugso ng damdamin ko Pag-ibig na laan sayo Di nagbago kahit pinaglayo" "OMG! Filipino song! And 'yun solo ni Alfonso!" Tili ni Claude. Hindi ito maintindihan ng iba nilang kasama dahil tagalog talaga ang ginamit nitong salita ngunit si Sophia ay pinilit na ngumiti. Malinaw na ang lahat. Kanina ay ayaw pa niyang tingnan nang pumailanlang ang musika ng banda pero ngayon ay naka-focus na ang mata niya sa mga tumutogtog lalo na sa kumakanta. Maingay pa rin si Claude pero wala na doon ang atensiyon niya. Hanggang sa maibaling na ni Alfonso ang mga mata sa kaniya "OMG! He's staring at me!" Tiling muli ni Claude. "Mahal kita mula sa malayo Ngunit ipaparamdam ko Damhin mo mula sa aking musika Pagmamahal kong di nag-iba." "Really, Alfonso? It's been a year. Why?" Bulong niya. Wala naman nakakarinig dahil maingay. Pero ang mga mata nila'y tila nakapako na sa isa't-isa. Wala mang mga salitang namumutawi, sa mga tingin ay ramdam nila ang damdamin ng isa'-t-isa. "Claude, rest room lang ako." Paalam niya sa kaibigan. Tumango lang ito kaya naman mabilis na siyang umalis doon. Guminhawa ang pakiramdam niya nang medyo makalayo siya sa ingay. Ilang minuto din siyang naglagi sa banyo bago naisipang lumabas. Baka hinahanap na siya nina Claude. Pero natigilan siya paglabas niya. Alfonso is standing outside. Ngayon ay titig na titig sa kaniya. "A-Alfonso!" Pilit siyang ngumiti. Trying to be calm in front of him. Bakit nga ba siya kinakabahan? This is not her. "Sophia!" Halos mapapikit siya sa lambing ng boses nito. It was like he's singing. 'OMG, Sophia! Get hold of yourself!' sita niya sa sarili. "Hindi nga ako namamalik-mata. Your group is here." Kaswal na sambit niya pero sa totoo lang ay halos di siya huminga. Tumango ito at ngumiti. Ugh! His smile! "How are you?" Tanong nito. Binalewala ang sinabi niya. Magsasalita sana siya nang mabangga siya ng lasing na babae papuntang banyo. Tumama ang balikat niya sa hamba ng pintuan kaya napahawak siya dito. Galit pa ang babaeng nakabangga sa kaniya pero hindi siya papayag. "Damn it! Watch your step. You're wasted! Go home!" Inis na sambit niya sa babae na mukhang hindi naman siya pinansin dahil diretso lang ito sa loob ng banyo. Inis na umalis siya doon at diretso sa may bar counter. Nakalimutan na niya na kausap niya si Alfonso. Um-order siya ng shot sa bartender. "And that is Sophia!" Nagulat pa siya nang magsalita si Alfonso sa tabi niya. He's smiling. "Sorry!" Si Alfonso naman ang nagulat sa sinabi niya. Ano ang nakakagulat doon? Then he chuckles. "Hindi ko talaga akalain na ganito ang ginawa sayo ng panahon. It's good but I missed the old Sophia. I don't know why but, I really missed her." Agad bumuhos ang emosyon sa puso ni Sophia pagkarinig sa sinabi nito. Lumunok siya ng ilang beses upang pigilang mas lalong sumaboy ang puso niya. Why here? Why now? Naka-move on na ba ito? Kahit kailan ay hindi na mabubura pa sa isipan niya ang nangyari at kahit kailan, hindi na mapapalitan pa na tatay niya si Larry Andrade. It's her destiny. "Ako pa rin naman ito." Aniya at kinuha na ang shot mula sa bartender. Ngumiti si Alfonso na parang hindi sang-ayon sa sinabi niya. "Palaban ang Sophia na kilala ko. Iyong Sophia na hindi iniisip kung ano ang iisipin ng iba masabi lang ang kung ano ang opinyon niya. Iyon ang dating Sophia. But now, you're different. Ingat ka na sa lahat ng galaw mo." She sarcastically laughed. "Maldita pa rin naman ako. Ginagawa ko pa rin naman ang gusto ko. Sa harap mo lang ako hindi makagalaw ng maayos." Nag-umpisa na naman ang puso niyang manikip. "Sophia..." Ayaw man niya pero traydor ang mga mata niya. Kusa ng tumulo ang luha niya pero pilit pa din niyang itinatago kay Alfonso. "Bakit ganon? Angtagal na pero bakit masakit pa din ang puso ko? Bakit nasasaktan pa rin ako kapag nakikita kita? Kahit nga naiisip lang kita o mabanggit lang ang pangalan mo nasasaktan na ako. Baliw na yata ako." Walang anu-ano'y mahigpit siyang niyakap ni Alfonso. "I'm sorry! Sorry kasi nasasaktan ka. At wala akong magawa para maibsan 'yon. Nasaktan ako sa katotohanan, pero mas nasaktan ako nang ma-realize ko kung gaano ka mas nasasaktan. At wala akong magawa. Gusto kitang pigilan noon na umalis at humingi ng tawad dahil iniwan kita habang baon mo sa puso at isip mo na galit ako." Kumalas siya sa yakap nito pero hindi siya pinakawalan ni Alfonso. "Hindi ako titigil sa kakahingi ng sorry sayo hanggang sa mapatawad mo na ako ng tuluyan. Alam ko, hindi na natin mababago ang kapalaran natin at ang nakaraan. Pero pwede pa natin mabago ang hinaharap. Ikaw at ako, Sophia." Doon tuluyan ng lumuwag ang pagkakayakap nito at bahagya siyang pinakawalan. Ni hindi na nila alintana na nasa public place sila at na sila ay mga celebrity. "Alfonso, hindi ko alam kung kaya ko ang sinasabi mo. Yes, I am a strong woman, as they say. But deep inside, I am wounded. Simula bata, may mga sintimyento na ako sa buhay. Hanggang ngayon. Do you think you can live with that?" Hinawakan ng dalawang palad ni Alfonso ang kaniyang mukha. "You love me, Sophia." Hindi iyon tanong. Muling tumulo ang luha niya. Strong woman my ass. Biglang sambit ng isip niya dahil traydor nga naman ang puso niya pagdating kay Alfonso. "Damn it, Alfonso! Ang yabang mo para sabihing mahal kita? Bakit? Paano ka nakakasiguro? Huh?" "Because I feel it here." Biglang kinuha ni Alfonso ang kamay niya at itinapat iyon sa puso nito. "Dahil ikaw din ang mahal nito." Kung kanina ay hindi siya makatingin dito. Ngayon ay hindi na niya mapigilang hindi titigan ito. Those words. Matagal na niyang pinananabikan na marinig muli ang mga salitang iyon mula kay Alfonso. Hindi na nga niya iyon inasam pa na mangyayari dahil siya na mismo ang lumayo pero heto siya at malinaw na narinig mula dito ang pagmamahal nito para sa kaniya. "Masakit ang nangyari sa nakaraan. Pero hindi natin kontrolado ang tadhana. Hindi natin alam ang mangyayari sa kinabukasan pero pwede nating gawing makabuluhan ang hinaharap kung gagawin natin ng tama ang ngayon. Nang sinabi mo sa akin ang katotohanan. To be honest, I don't know what to do. Pinagdasal ko pa na nananaginip lang ako. Na sana magising na ako sa panaginip ko. Pero hindi. This is the reality and it hurts. Buong buhay ko, sinumpa ko ang pamilya ng taong pumatay sa Mama. Now this is my karma. I am full of vengeance because of what happened in the past---" yumakap na siya dito "I'm sorry! Sorry, Alfonso!" Tuloy-tuloy na dumaloy ang kaniyang luha. Nasasaktan siya para kay Alfonso. Alam niyang mahirap para dito na sariwain ang nangyari sa mama nito pero heto at sinasabi nito sa kaniya. Humigpit ang yakap nito sa kaniya. "Shh! It's not your fault. Biktima lang din tayo ng pagkakataon. At hindi ko hahayaan na dahil sa nakaraan ay hindi na kita pwedeng mahalin. People may gossip about us, but I don't care! Ikaw at ako ang magsasama kaya wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. In time, they will understand."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD