Chapter 14

2016 Words
Magdamag siyang umiyak. Parang naulit lang ang nangyari. Pero ang kaibahan lang ngayon, hindi na siya nag-eskandalo. It's just that, she just ruined a very nice and supposed to be a happy birthday party of her friend. "Sophia!" Alam niya at ramdam niya ang sinserong pagdamay ni Almira sa kaniya. Hindi nito alam ang tungkol sa ginawa niyang pagpapa-interview. "Who's Larry Andrade?" Biglang sabat naman ni Seventeen, mukhang wala itong alam sa nakaraan ni Alfonso. Or...? What is she up to? "Seventeen..." pinandilatan ng mata ni Almira si Seventeen. Nagtaas ng kilay si Seventeen. "Sorry naman. Nagtatanong lang. I-google ko nalang." Anito sabay dutdut sa cellphone nito. Then she saw Emmie. Tahimik lang ito. Pero siya na ang tumayo at nilapitan ito. "I'm sorry if I caused trouble again. I...I just don't expect na mapapanood niyo ngayon din..." humikbi siya. "...I'm sorry I hurt you again..." "Sophia...no. Hindi ganun..." Umiling siya. "I am always the b***h here. Imbes na nagsasaya ka ngayon ay heto at may eksena na naman ako. I'm really sorry. Again, I am asking for your forgiveness." Aniya at mabilis na siyang tumakbo palabas. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng mga kaibigan. Hindi na rin niya napansin ang biglang pagtigil ng pag-awit ni Alfonso. Masakit ang ulong bumangon si Sophia. Kahit na medyo hindi maganda ang pakiramdam niya ay hindi pwedeng hindi siya pumasok. Alam na niya ang magiging sitwasyon sa boutique. The news had spread like a virus. Wala na siyang pakialam pa sa sasabihin ng mga tao. Gusto niya lang kumawala sa nakaraan. Hindi siya si Larry. Anak siya ng pagkakasala ni Larry pero anak din siya ng mommy niya. And that is the most important for her right now. Nagulat pa siya nang makita niya si Alfonso na nakaupo sa sofa. Parang ang puso niya ay sandaling umalis sa kinalalagyan nito. "Ho-how did you get in here?" Wala siyang natatandaang binigyan niya ito ng spare key para makapasok sa bahay niya. Kagabi pa ito tawag ng tawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot. He's the reason why she did that interview. She was hurting. Alam niyang nasaktan niya ng labis si Alfonso dahil sa paglilihim niya sa tunay niyang pagkatao. Pero mas masasaktan niya ito kung magtatagal pa ang lihim niya. Tumayo ito at nilapitan siya. Hindi siya lumayo o umatras dito. She just stood there. "Why did you leave like that? Ano'ng problema? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Alam mo bang alalang-alala ako? Na akala ko ay may kung ano ng nangyari? I went to your Mom and ask if you're there but she just gave me the key of your house." Nagtaka siya sa mga tanong nito. Dapat ay galit na ito sa kaniya. Pero bakit kung magsalita ito ay parang wala itong alam sa nangyari? Bakit parang ang trato nito sa kaniya ay tulad pa din ng dati? Umangat ang kamay nito at naramdaman nalang niya ang pagpalis nito sa luhang naglandas na pala sa kaniyang mukha. Ni hindi na niya namalayan pa iyon. "Sophia...talk to me, please? Don't just run away from me." Malambing nitong sambit. Hinawakan nito ang baba niya at inangat para magtama ang tingin nila. Kitang-kita niya ang pagsusumamo sa mga mata nito. "Do we have a problem? Is this about your dare again?" Biglang natigil ang paghikbi niya sa huling sinabi nito. Dare? "What dare?" Takang tanong niya kahit na alam niya ang tinutukoy nitong dare. Alam nito ang tungkol sa dare? "I heard your friends talking about it before Emmie's Party starts. I thought they were joking but I asked the boys if your friends started to approach them again and they said yes. So what I heard was true. Is this relationship we had was because of that dare again?" Hindi nito nabanggit ang tungkol sa interview? Hindi sinabi ng mga kaibigan niya? "I refuse to do that dare." Aniya. Nanghihina pa din siya. "Really? Then why are you not answering my calls? And why did you leave like that?" Huminga siya ng malalim. "It's not about the dare. You see, I even ignore you before because I don't want to do that dare again. Pero ang kulit mo kasi...lapit ka ng lapit..." Niyakap na siya ni Alfonso. "I'm sorry if I pressured you." Anito at hinalikan ang buhok niya. Kumalas siya dito. Nagkatitigan sila pero walang nagsalita. She took her phone and typed in the news about her. Nang makita niya iyon ay inabot niya ang cellphone kay Alfonso. "You're free to leave after you watch that. At tatanggapin ko ang galit mo." Nagtataka man ito ay kinuha pa rin nito ang cellphone at pi-nlay ang video. It was her recorded interview. The one her friends watched. She saw him glanced at her when she was saying about Larry Andrade. Nakita din niya ang pagtagis ng bagang nito. He's angry of course. Hearing the name of the person who killed your mother. Kahit siguro siya ay magagalit. It breaks her heart more seeing him like this. Pinipilit nitong kontrolin ang emosyon nito. "I'm sorry, I didn't tell you the truth..." tumutulo na ang luha niya. She can't help it. Hindi ito nagsalita kahit na tapos na nitong mapanood ang kaniyang interview. Nanatili lang itong nakatitig sa cellphone. Mas lalong nanikip ang dibdib niya. Nilapitan niya ito. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang kamay nitong may hawak ng cellphone. And that's the time he looked at her. His eyes. Kitang-kita niya ang magkahalong galit at lungkot. "I'm sorry, Alfonso." Halos walang boses na sambit niya. "This is the real reason why you're avoiding me." Hindi iyon tanong kundi realisasyon nito. Tumango siya. "Even Papa knows this. Kaya niya gustong makipaghiwalay ako sayo." Yumuko siya pero hindi niya binitiwan ang kamay nito. She wants to feel him once more, for the laat time. Kahit ngayon na lang. Pagkatapos ay hindi na niya ito guguluhin pa. "You kept it for how many years now?" Doon siya muling nag-angat ng tingin kay Alfonso. "Alfonso..." "Mahal kita, Sophia. But I don't know how it will work now. I don't know...yet..." Mas lalong sumakit ang puso niya. Sabi niya lalaban siya. Pero heto at bumibigay na siya. She prepared herself for this pero iba pa rin pala kapag kaharap na niya si Alfonso at ito na mismo ang magsabi sa kaniya. Hindi katulad ng ginawa niyang iniwasan na agad niya ito. "You know how much I love you. But the trust we had is not enough. You lied to me. Sinarili mo ang problema. Na kahit nasasaktan ka na, tinitiis mo pa din para sa akin. I can't imagine how hurt you are while seeing me happy with you!" Lalong sumikip ang puso ni Sophia. How can this man say these words? Dapat ay nagagalit ito sa kaniya dahil siya ang anak ng taong kumitil sa buhay ng Mama nito. Pero bakit ganito? "Alfonso...okay lang. Okay lang sa akin na magalit ka. Tatanggapin ko. See? This is the reason I don't want to get involve in you. But you are persistent. And... I can't control my heart anymore. Binigyan ko ng konting panahon ang sarili ko para maging masaya naman ako kahit sandali lang. Even if I know I don't deserve to be happy with you." "Yeah, you're right! You don't deserve to be happy. And I don't too!" Kita niya na ang galit sa mga mata nito. Nasasaktan siya. Gusto niya itong yakapin. Ibsan kahit na kaunti ang nararamdaman nitong galit at lungkot pero hindi niya magawa. "I'm sorry, Alfonso." "Yeah! You have to be sorry." Iyon ang huling pangungusap nito bago siya iniwan. Ito ang tama. Mahal nila ang isa't-isa pero hindi sila ang para sa isa't-isa. Tunay ngang sa mga pelikula at nobela lang may happy ending. Dahil ang love story nila ni Alfonso ay hindi kailanman magkakaroon ng happy ending. Una palang ay alam na niya ang patutunguhan ng relasyon nila. Tanggap na niya. Pero bakit? Bakit sobrang sakit ng puso niya? Bakit parang hindi niya kaya? Nanghihina ang buong katawan niya na halos hindi na niya maramdaman ang kaniyang mga paa kaya naman tuluyan na siyang bumagsak. Nagising si Sophia na nasa tabi niya ang kaniyang Mommy bumangon siya at mabilis na yumakap dito. She didn't cry. Naiiyak na niya ang lahat at hinding-hindi na siya muling iiyak pa. She needs to move on. Alam niyang mahihirapan ang mga kaibigan niyang tanggapin ang katotohanan sa pagkatao niya pero hihintayin niya ang araw na matatangap siya ng mga ito. Kung dati ay napatawad na siya ng mga ito, magagawa muli ng mga itong patawarin siya. "When is your flight?" Tanong ng mommy niya habang hinahagod ang kaniyang likod. Nagsabi siya dito na nakapagpa-book na siya ng kaniyang flight papuntang France. Para hindi niya masyadong isipin ang mga nangyari ay tinanggap na niya ang matagal ng offer sa kaniya doon. Kumalas siya sa mommy niya at umayos ng upo. "The day after tomorrow." Sagot niya dito. "Do you really have to do this? I am not against the offer. But...you will be alone there. Wala din doon si Almira. Paano kung magkasakit ka..." Normal na mag-alala ang Mommy niya pero ito lang ang alam niyang paraan para maiwala ang isip sa mga nangyari. Kahit man lang sa buong araw ay maging busy ang isip niya at hindi kung ano-ano ang pumapasok dito na baka ikabaliw pa niya. "I have to, My. I can't just be here. After everything. Mahal na mahal ko po si Alfonso pero alam kong hindi ko po siya dapat mahalin at hinding-hindi ko siya dapat na mahalin. It only hurt us both. If I stay here, baka bigla nalang akong mabaliw kaya mas okay na ito, My." Matagal bago siya iniwan ng kaniyang Mommy. Kahit papaano ay napanatag ang puso niya pero naroon pa rin ang bigat. Hindi naman agad-agad ay maiwawala niya sa puso at isip niya si Alfonso. She loved him. Bago pa niya malaman ang totoo ay may puwang na sa puso niya si Alfonso. Minahal na niya ito. Kung ano-ano ang pinagkaabalahan niya bago siya tumulak papuntang France. She even draw the El Fashionista ladies with their fabulous dresses. Hinatid siya ng Mommy at Daddy niya sa airport. Pinaalis niya agad ang mga ito dahil sabi niya ay baka hindi siya tumuloy 'pag nagtagal pa sila doon. She might end up cancelling her flight. Nakumbinsi naman niya ang mga ito. While she was sipping her coffee dahil ilang minuto pa naman bago ang kaniyang boarding ay biglang may kung anong sumundot sa likuran niya. Nang lingunin niya ay isang cute na cute na batang babae. Hindi siya nito nginitian kaya hindi rin siya ngumiti. Kinunutan pa niya ito ng noo. Kung maldita ito ay mas maldita siya. Papatulan niya talaga ito. "You're pretty. But, you're not happy." Anito na mas lalong nagpakunot ng noo niya. Lokong bata ito, ah. Magsasalita na nga sana siya nang may dumalo ditong isang babae. Maganda at nginitian siya. "Naku, Miss. Sorry. Kinukulit ka ba ng anak ko? Pasensiya na." Anito at kinarga na ang anak. Isinama nito sa grupong nagtatawanan. Mukhang isang buong pamilya na magbabakasyon. Nang ibabalik na niya ang atensiyon sa kaniyang kape ay biglang may nahagip ang kaniyang paningin. O namamalik-mata lang siya? Tumayo pa siya. Hindi ganoon kadami ang tao kaya kita niya ang lalaking nakatayo sa dulo ng upuan. Sabi niya ay wala na siyang luha. Pero ano itong nagbabadya sa kaniyang mga mata? "A-Alfonso..." Halos hindi madinig ang pagbigkas niya sa pangalan nito. What is he doing here? Hindi siya lumapit dito. Pinagmasdan lang niya ito. Mukhang wala din itong balak na lapitan siya. Hanggang sa marinig niya na ang pagtawag sa kaniyang flight number ay pareho lang silang nakatitig sa isa't-isa. Gusto niyang tumakbo palapit dito at yakapin ito pero pinigil niya ang sarili. She needs to do what is planned and what is right. Hindi puwedeng sarili lang niya ang iniisip niya. Yumuko siya. Mabilis siyang tumalikod at umalis. She needs to move on. She will learn how to forget her feelings for him. She will...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD