"Miss dela Cuerva! What's happening there?" nakataas ang kilay na sita kay Sophie ng kanilang adviser. Kung mataray ito ay tuso naman siya. Gusto ba nitong mawalan ng trabaho at hindi na muling makapagturo pa?
"Chatting?" painosenteng sambit niya sabay ngisi. Lalong nangunot ang noo nito.
"During my class?" kumunot naman ang noo niya at humarap sa guro. Pinandilatan niya ito, animo ay siya pa ang mas matanda sa guro.
"Miss, if you want me to listen during your class, make sense!!!" then she rolled her eyes.
Napanganga ito at maging ang kaniyang mga kaklase dahil kilala talaga ang adviser nila sa pagiging terror.
"Might as well, I should leave this subject. It's so boring, you know?" maarteng wika niya at isinukbit na ang bag bago nagmartsa palabas ng kanilang room. Wala siyang dapat na ipag-alala kung ibabagsak man siya nito o hindi dahil Director ng eskwelahan nila ang kaniyang Daddy. Alam niyang mali ang kaniyang mga ginagawa, pero may dahilan siya kung bakit niya ito ginagawa.
Habang naglalakad sa aisle ng eskwelahan patungo sa tambayan nila ni Almira ay narinig niyang may tumawag sa kaniyang pangalan. Nang lumingon siya ay hindi niya ito kilala pero familiar ang mukha nito. Kinunutan niya ito ng noo ngunit ngumiti lamang ito sa kaniya at naglahad pa ng kamay nang makalapit sa kaniya.
"Mihara Bolivares, nasa labas ako ng room niyo kanina n'ong nasita ka ni Ms. Andico." Tiningnan niya ito ng mabuti. That's why she looks familiar. Tsismosa? Hmmm, mukhang may kakaiba sa babae pero, mukha namang makakasundo niya, nakita niya rin kasi ang tindig at kung gaano ito ka-confident sa suot nitong damit kahit pa uniporme ito ng kanilang eskwelahan.
"Do I need to introduce myself to you?" mapangmatang aniya dito. Imbes naman na mainis ito sa kaniya ay ngumiti pa muli ito at umiling.
"No need. Sikat ka na dito bago ka pa mag-transfer." sambit nito. She's right. She's a transferee. Hindi naman sa ayaw niya ang eskwelahan niya dati, gusto nga niya doon dahil siya ang reyna ngunit mas gusto niyang dito sa St. Louis Academy na lamang mag-aral dahil nga daddy niya ang director dito at iyon ang nais niya, ang mapansin nito at ipakitang nag-e-exist naman siya sa mundo, na mayroon din itong anak na kailangan ang kalinga ng isang ama. She transferred to become noticed by her Dad. Hindi niya kasi maintindihan ang Daddy niya kung bakit hindi niya ito kailanman maramdaman bilang kaniyang ama. Napapaisip tuloy siya kung, isa ba talaga siyang Dela Cuerva? What if, ampon nga lang siya? And that's what she wants to know. Nagpapaka-bully siya para mapansin siya ng Daddy niya at para masabi nito sa kaniya kung bakit ito ganoon sa kaniya.
"So what are you up to?" hindi na siya nagtaka, ang paglapit na nga lamang nito ay nangangahulugan na kilala na siya nito.
"Just making friends with you."
"Scholar ka dito?" tanong niya imbes na matuwa, amoy na amoy niya kasi ang isang ito. Alam niya kung ano ang gusto nito.
"May criteria ba bago pumasa para maging kaibigan mo?" she's bright, at gusto niya ng mga babaeng palaban pero may poise pa din.
"Mayron, kailangan lang na maging mayaman ka at maganda tulad ko." Walang pag-aalinlangang saad niya. That's true. Alam niya ang ugali ng mga taong ang nais lamang ay ang kasikatan.
"Kung ganoon ay pwede ako." Sagot nito na ikinakunot ng kaniyang noo. Is she telling the truth? Whatever, she needs a company right now. Mukhang busy pa ang kaibigang si Almira. The owner's daughter. Na kaibigan na niya at tanging nakakaalam ng problema niya sa kaniyang Daddy.
Nagkibit-balikat na lamang siya sa sinabi ni Mihara. Iiwan na nga sana niya ito pero natigilan siya nang binanggit nito ang pangalan ng kaniyang kaibigang si Almira.
"Magkikita din kayo ni Almira?"
"You're her friend?" hindi makapaniwalang tanong niya. Not that, Almira doesn't know how to make friends, magaling nga ito, siya lang naman itong malditang tunay dahil may pusong mamon din ang kaibigan.
"Uhuh, sabay na tayo, huh?" pagkuwan ay nauna na itong naglakad at tinungo ang daan kung saan siya patungo.
Madaming kung anu-anong ikinu-kwento itong si Mihara sa kaniya tungkol sa kasikatan niya dito sa St. Louis kahit na nasa kabilang eskwelahan pa siya noong first year. Pinupuri din siya nito. Well, naniniwala naman siya sa mga pinagsasabi nito ngunit parang may iba pa rin dito.
Naputol lamang ang pag-uusap nila nang dumating na si Almira. Nakipag-beso pa ito sa kaniya at ganoon din kay Mihara. So, magkaibigan na nga sila ni Mihara. May mga kasama pala si Almira na hindi niya napansin noong una. Isa-isa nitong ipinakilala ang mga kasama, sina Riobelle, Cassandra and Seventeen.
They are all beautiful. Tinotoo nga ni Almira ang balak nitong bubuo ng grupo ng mga kababaihan na siyang hahangaan at titilian ng mga kalalakihan. Even girls would dream to be like them.
"We will be called "El Fashionista"." Pahayag ni Almira. Natutuwa siya dahil may magiging kakampi na siya sa mga gagawin niya. But on the other hand, will she make her Dad notice her this time? Lahat na nagawa niya. Ano'ng mga kabulastugan pa ang hindi niya nagagawa at para tuluyan na siyang pansinin ng ama niya?
Ipinaliwanag ni Almira ang role ng kanilang grupo sa eskwelahan. Even the rules and regulations. At kung may gusto mang sumali sa kanilang grupo ay dapat mayroon din criteria para tanggapin sa grupo. They all agree to what Almira wants. Ngayon, masaya siya sa kaibigan dahil nagagawa na nito ang kung anuman ang makakapagpasaya dito. Sana lang ay pareho silang magtagumpay sa mga misyon nila sa kanilang mga magulang.
Nang magkahiwa-hiwalay na sila at nagkaniya-kaniya ng uwi sa mga bahay-bahay ay nakita na naman niya ang kaniyang kapit-bahay na kasama ang anak ng Congressman ng kanilang probinsiya. "Babae pa talaga ang pumupunta sa bahay ng lalaki? How pathetic," naiiling na lamang na sambit ni Sophia sa kaniyang sarili bago bumaba sa kotse at tumuloy sa loob ng kanilang bahay. Doon ay nadatnan niya ang kaniyang ina na nasa harap ng TV. Nanonood ito. Nang makita siya ay malapad ang ngiting tumayo ito at niyakap siya saka hinalikan sa pisngi.
"How's your day, baby?"
"So far, I'm not yet bored. And, I'm with Almira naman kaya okay lang. Hindi ko nga lang napuntahan si Dad. Busy yata." Malungkot na sambit niya. Napabuntong-hininga ang kaniyang Mommy.
"Hey, don't be sad. He's just busy. Try mo mamaya pagkauwi niya." Pampalubag-loob na sambit ng mommy niya ngunit alam niyang pati ang mommy niya ay hindi sigurado sa sinabi kung papansinin siya ng kaniyang ama. Nagkibit na lamang siya ng balikat.
"Sa kwarto lang po ako." Analang niya at muling humalik sa ina bago tuluyang pumanhik sa kaniyang silid.
Hindi pa man siya nakakapagbihis ay nag-ring na ang kaniyang cellphone. Nakita niyang si Almira ang tumatawag.
"We're official!" halos mabitawan ni Sophia ang cellphone dahil sa sigaw ng kaniyang kaibigan. Hinamig na muna niya ang sarili bago muling inilapit ang aparato sa tainga.
"Wait! That fast? Oh, well. Fine. Ikaw na talaga. May nararamdaman akong kakaiba sa iba nating kasama, but...anyway, baka paranoid lang ako dahil hindi ako sanay. Alam mo naman na dati ko ng nakasama ang mga taong ang gusto lang, eh kasikatan ko," sinabayan niya iyon ng tawa na ikinatawa din ni Almira sa kabilang linya.
"Don't worry, I'll make sure no one will take that crown from you." Biro naman ng kaibigan.
"Kaya ko na iyon, Almira. No need for back up, you know me. I'll get what I want." That's the truth, she can get what she wants. Pero ang kailangan niya ay hindi niya makuha.
Tuluyan na ngang sumikat ng husto ang El Fashionista. Lahat napapalingon kapag sabay-sabay silang naglalakad sa kahit saan mang lugar ng eskwelahan. Friday is wash day. Kaniya-kaniya silang suot ng kanilang mga mamahaling outfit which made them more trending. Naka-white turtle neck dress siya na tinernuhan ng gladiator sandals. Lahat napapalingon sa kaniya habang patungo siya sa El Fashionista Haven, mukhang naroon na ang kaniyang mga kasama. Whatever. Wala siyang pakialam kung huli na siya dahil hindi naman sila pare-pareho ng klase.
Para siyang kasali sa Miss Universe sa paraan ng kaniyang paglalakad ngunit napamura na lamang siya nang isang babae ang bigla nalang bumangga sa kaniya. Hindi na sana niya pag-aaksayahan ng oras ang babae kung hindi lang may hawak itong pintura na kulay pula at natapon iyon sa puting-puti niyang damit.
"Damn it! You...don't you know how much it cost?" kitang-kita niya ang takot sa mukha ng babae na napayuko na lang. There, dapat lang na matakot sila dahil wala siyang sinasanto kahit na sino.
"Sorry, sorry...papalitan ko nalang..."
"What?! Of course you can't. You're just an scholar here. Kaya mo? Sigurado ka?" patuloy niya. Nakita niya ding marami na ang nakiki-usyoso. Tama, baka sakaling sa harapan ng mga ito ay lumabas na ang kaniyang ama. Maging ang kaniyang mga kaibigan ay naroon na ngunit alam naman nilang kaya niya ang kaniyang sarili at nakangiti lang ang mga ito sa kaniya.
"Sophia Nieva..." kahit na bihira lang niyang marinig ang boses na iyon ay kabisado niya. Hindi siya nahihiya o natatakot. Actually, she's happy. Mantakin mo, kailangan lang pala ay mang-api muna siya ng tao bago siya paglaanan ng oras ng kaniyang ama. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at ngumiti ng matamis sa ama. Seryoso ang ama nitong nakatitig sa kaniya pagkatapos ay bumaling sa babaeng ipinahiya niya. Nang ibalik nito ang tingin sa kaniya ay umiling ito at muling sumeryoso ang mukha. "To my office..." pagkasabi nito iyon ay tumalikod na ito at umalis. Mas lalo siyang natuwa dahil doon.
Pero bago pa niya sinundan ito ay kinuha niya ang bitbit ng babaeng pintura at ibinuhos ang lahat ng natitirang laman niyon dito. Oo, bully siya. Sino ang magsasabing hindi siya bully at mabait siyang bata?
She was grounded for one week because of the incident. Nalungkot ang kaniyang mga kaibigan pero sinabi niyang okay lang. Mababagot nga lang siya dahil wala siyang mabu-bully sa loob ng kanilang bahay maliban sa kaniyang yaya at iba pang mga katulong. Matapos ang isang linggo ay balik siya muli at taas noong naglakad sa pathway patungo ng El Fashionista Haven.
Nadatnan niya si Almira at ang pinsan nitong si Emmie doon. Kumunot ang kaniyang noo. Ano at narito ang anghel na pinsan ni Almira?
"Oh, thank God you're here. Si Emmie nga pala, sasali na siya sa El Fashionista." Nakangiting sambit ni Almira. What the...pasok ba ang isang ito sa criteria ng El Fashionista? Mahinhin? Akala mo sinauna kung manamit?
"I don't think she will fit in. Pasensiya na kung masasaktan ka sa sasabihin ko, Emmie pero, hindi ka papasa dahil sa pananamit mo palang." Walang kaabog-abog na sabi niya tapos ay tiningnan niya ito mulo ulo hanggang paa. Nakita niya ang pagkagat ng labi ni Emmie. Such a loser. Ito ang nobya ni Alfonso? Madaldal 'yon, ah. Paanong naging sila nito?
"Sophie, don't worry. Ako ang bahala kay Emmie. You'll see her transformation. Come on, friend. Give her a chance, please...for me..." nag-beautiful eyes pa ang kaibigan sa kaniya. Kung hindi lang talaga niya pinagkakatiwalaan si Almira ay hindi niya hahayaan na mahaluan ng kahinhinan ang El Fashionista. Para saan at El Fashionista ang pangalan ng kanilang grupo?
Wala na siyang nagawa kundi ang tumango at tanggapin si Emmie, besides, si Almira naman ang founder ng kanilang grupo.
Nag-away na naman sila ng Daddy niya at nasaktan siya nang sinabi nito sa kaniya na sana ay hindi nalang siya nitong naging anak. Iyon na ang pinakamasakit na natanggap niyang salita mula rito. Para hindi mas lalong uminit ang ulo ay nagpalipas na lamang siya ng oras sa covered court ng kanilang subdivision. Medyo gumagabi na at halos wala ng taong nagdadaan. Mabuti iyon, kaniya ang lugar. Ngunit ang tahimik niyang pag-iisa ay napalitan ng pagkairita nang bigla nalang sumulpot sa harapan niya si Alfonso.
"Tanggalin mo sa El Fashionista si Emmie." Kumunot ang noo niya dito. Hmmm, guwapo rin pala ang isang ito, pero hindi niya type. Masyado kasing madaldal.
"W-what? Inuutusan mo ba ako?"
"Tanggalin mo si Emmie sa El Fashionista or else..."
"Or else what? Tinatakot mo ba ako?" tumayo na siya at hinarap ito. Sa pagtayo niya ay agad niyang naamoy ang bango nito. Nakagat niya tuloy ang kaniyang labi. "Wala ka ng magagawa kung gusto ng "jowa" mong sumali sa amin. At, huwag ka ngang clingy, baka 'yan pa ang maging dahilan ng paghihiwalay niyo, eh."
"Hindi siya kagaya niyo. Hindi siya malanding tulad niyo kaya hindi siya nababagay sa grupo niyo." Wow, kung makapanghusga naman ito akala niya ay napakalinis ng nobya nito.
"At siya? Saan siya bagay? Sayo? Oh come on, ang lalaking akala mo babae sa sobrang daldal? Minsan tumahimik ka naman para hindi masyadong nabubunyag ang pagiging bakla mo."
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Gusto ko lang na hindi mahawa si Emmie sa mga kabulastugan niyo."
She rolled her eyes. Sino ba ito para utusan siya? Kung pwede nga lang ay hindi niya talaga tatanggapin si Emmie. "Nagkamali ka ng kinausap. Girlfriend mo dapat ang kinakausap mo sa bagay na iyan." Pagkasabi niyon ay iniwan na niya ito doon. Walang sense kausap ang mga ganoong lalaki.
Nagdilang anghel siya sa sinabi niya kay Alfonso. Nakipag-break nga si Emmie dito and she's happy. At least wala ng pakialamero sa grupo nila. Ang dahilan, hindi niya alam at wala na siyang balak na alamin pa.
El Fashionista ruled the campus. Sinasamba, hinahangaan, pinapantasya, tinitilian at kinatatakutan sila ng mga ibang estudyante ng St. Louis. Until senior days, kung saan malapit na silang grumaduate ay siya namang pag-usbong ng El Gwapitos – ang bandang nanalo sa Battle of the Band. At ang ikinaiinis niya ay si Alfonso pa ang vocalist. Akalain mo iyon, marunong palang kumanta ang loko. Naging instant sikat ang mga ito at halos hindi na sila ang pinapansin ng mga taga St. Louis. And to gain the spotlight again, they need to prove to El Gwapitos that they were the reigning group of the campus. At para mapatunayan iyon, isang dare ang naisip ni Almira --- Seduce the El Gwapitos. Bunutan ang nangyari dahil sa suhestiyon ni Seventeen at sa kamalas-malasan, si Alfonso pa ang nabunot niya.
"Baka gusto mong makipag-palit kay Emmie?" pang-aasar pa ni Mihara sa kaniya.
"Shut-up." She rolled her eyes on her at tinawanan lang siya nito. Tama ang hinala niya noong una palang na magkakilala sila ni Mihara, isa nga itong scholar. Ngunit dahil na rin sa kanilang reputasyon ay inilihim na lamang nila iyon. May mga iba pa siyang nalaman tungkol sa kaniyang mga kaibigan na siya na lamang ang nakakaalam. Everyone needs the spotlight. Pero sa loob-loob niya, siya lang ba ang totoo sa lahat? Sino pa ang may itinatago? Kung maldita siya, masasabing totoo naman siyang kaibigan. Huwag lang susubukan ang kaniyang tiwala dahil baka magunaw ang mundo sakaling masira iyon.
"Akalain mong may talent ka pala sa pagkanta? Kaya pala madaldal ka dati. Palagi mo bang inaawitan si Emmie noong kayo pa?" nagulat si Alfonso sa biglang pagsulpot ni Sophia sa kaniyang likod. Naroon siya sa court ng kanilang subdivision, bakit ba nawala sa isip niya na tambayan nga pala nito dito?
Tumayo siya at iiwanan na sana ito nang bigla itong kumanta. Natigilan siya at muli itong tiningnan. Nakapikit ito. She had an innocent face, huwag lang itong dumilat at mabubunyag ang tunay nitong katauhan. Biglang siyang nagbawi ng tingin nang magmulat ito at ngumiti sa kaniya.
"Guwapo ka rin pala kapag tinitigan ka. No wonder tinitilian ka ng mga babae sa St. Louis." Lumapit ito sa kaniya. Hindi naman siya natinag, alam niyang tuso si Sophia. Dati pa niyang kilala ito at hindi na siya magtataka kung isa siya sa mga gusto nitong biktimahin, at hindi niya iyon hahayaang mangyari.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Ina-analyze ko lang baka kasi may tabingi sa mukha mo kaya hiniwalayan ka ni Emmie."
"Will you please stop annoying me?"
Natawa ito sa kaniya. "Hindi ka na masyadong madaldal ngayon at may nadagdag sa ugali mo."
Umiling siya, walang mangyayari kung patuloy siyang makikinig sa sinasabi nitong wala namang kabuluhan. Tinalikuran na lamang niya ito. Narinig niya itong tinawag ang kaniyang pangalan ngunit hindi na niya ito pinansin hanggang sa maramdaman nalang niya ang isang bagay na tumama sa ulo niya. Nakita niya ang tsinelas ni Sophia sa semento at matalim niya itong binalingan at umiling na lang. Kahit kailan talaga ay kulang sa pansin ang babaeng ito at palaging dapat ay masunod kung ano ang gusto. Well in that case, hindi niya iyon ibibigay sa dalaga. Muli siyang tumalikod at isa pang muling tsinelas ang tumama sa ulo niya.
"Hindi mo ba talaga ako titigil..." hindi na niya natapos nang nagtatakbo ng lumapit si Sophia sa kaniya at hinalikan siya sa labi.
"You're still seeing him. Si Taruc ang dapat na sini-seduce mo bakit nakikipag-usap ka kay Alfonso?" pinuntahan ni Sophia si Emmie sa powder room. It's their prom at gumawa talaga sila ng paraan para maging partner nila ang El Gwapitos pero heto si Emmie at nakikita niyang kausap si Alfonso. What for?
"Nagkasalubong lang kami, Sophie. Walang ibig sabihin iyon."
"Wala? Sayo siguro wala, pero sa kaniya meron. Hindi mo ba napapansin? Kung ikaw naka-move on na, eh siya?"
"Ano ba'ng ipinupunto mo, Sophie? Na nilalandi ko si Alfonso? He's all yours if you want. Huwag mong sabihing nahuhulog ka na sa kaniya?"
"What?! Of course not. Huwag mong baliktarin ang usapan..." natigil siya nang talikuran siya ni Emmie. "Hey, kinakausap kita kaya huwag mo akong tatalikuran." Sigaw niya dahil nasa labas na sila at medyo maingay na.
"Tama na, Sophie. Alam kong dati pa naman ay hindi mo na ako gusto. Naiintindihan naman kita..."
"Tigilan mo na ang pagiging mabait dahil alam kong nagkukunwari ka lang din tulad ng iba nating ka-grupo."
"Sophia!" lumapit sa kanila si Almira. "Stop it!"
"Ang alin? Bakit ba? Mas magiging maayos kung malalaman nilang lahat na ang mga kasali sa El Fashionista ay puro mga FAKE. Almira come on, ako lang ang totoo sa kanila pero mas kinakampihan mo sila. Sino ba ang unang naging kaibigan mo? Sino ba ang mas matagal mo ng kasama? 'Di ba ako naman? Bakit sila ang pinapaboran mo ngayon?"
"Sophie, don't bring it up again! You're just making it worst!"
"Oh yeah..." she smirked, nakita niyang lumapit sa kanila sina Riobelle, Cassy at Seventeen, hmm, ba't wala si Mihara? Nagtago na? Maging sina Taruc, Alfonso, Romzen, Ford at Evan ay naroon. "Ikaw Rio, sabihin mo sa lahat dito kung sino ka talaga. At ikaw Seventeen, hindi ba may kung anong pakay ka sa isa sa mga miyembro ng El fasahionista? Come on, sabihin niyo na!" sigaw niya at doon nagsidatingan ang mga officers ng eskwelahan kasama na ang Daddy niya na sobrang disappointed na naman sa kaniya.
Napagalitan sila, pati tuloy ang El Gwapitos ay nadamay sa kalokohan nila. Nabunyag ang Dare nila at naparusahan pa. What the hell?
"Hobby mo ba talaga ang manira ng relasyon? Pati pagkakaibigan niyo ay nasira dahil lang sa kakitiran ng utak mo?" nilingon ni Sophia si Alfonso. Nagwawalis siya sa may kahabaan ng kalye sa kanilang bayan, iyon ang parusa nila at kasama niya si Alfonso.
"Masaya ka na? 'Di ba iyon naman ang gusto niyo kaya niyo binuo ang El Gwapitos?"
"Minsan isipin mo rin ang nararamdaman ng iba, hindi puro sarili mo nalang."
Tinitigan niya ito. "Do I need your opinion? Kung iniisip mo na may gusto na ako sayo dahil sa Dare na iyon, nagkakamali ka. At isinusumpa ko, you will be the one who will fall into my arms."
He smirked. Hindi niya alam kung bakit bumilis ang pintig ng kaniyang puso dahil lang sa simpleng pagngiti nito. "I dare you to change. At 'pag nagawa mong magbago, may chance pa na magustuhan kita at may chance na manalo ka sa 'DARE' niyong magkakaibigan." Iyon lang at iniwan na siya nito. Bakit nakaramdam siya ng sakit? Ano 'yon?