"SOPHIA!"
Nilingon ni Sophia ang taong tumawag sa kaniyang pangalan. Ang pinsan niyang si Elsa. Ito ang kasama niyang nagtayo ng ngayon ay sikat ng boutique na ipinangalan pa niya sa El Fashionista. Kahit na nagkahiwa-hiwalay sila ay pilit niya pa ring itinatak sa sarili na minsan ay may mga taong kumampi at natuwa sa kaniya.
"Bukas na ang alis namin papuntang Canada. Ikaw na ang bahala dito, iiwan ko ang investment ko dahil may tiwala ako sa kakayahan mo bilang isang Fashion Designer." Anito. Yes, after 7 years heto na ang pinaghirapan niyang pangarap. Sino ang mag-aakala na ang dating bully at malditang si Sophia Nieva Dela Cuerva ay isa ng sikat na Fashion designer ngayon? May mga celebrities na din kasing nagpapagawa sa kaniya ng mga damit at nakagawa na rin siya ng mga Fashion Show abroad.
"Don't worry. Ako ang bahala. Hindi ka magsisisi." Ngumiti siya ng matamis sa pinsan. Nagkuwentuhan pa sila ng ilang sandali bago nagpaalam ang pinsan at mag-aayos pa daw ito ng ibang gamit na dadalhin.
Nang mapag-isa ay binuksan niya ang kaniyang laptop. Napangiti siya nang mapagmasdan ang kaniyang mga designs. Ito ang gusto niya noon pa man. Pero may kulang pa rin. She opened the browser at binuksan ang kaniyang f*******: account. Dati pa niyang hinahanap ang account ni Almira ngunit mukhang naka-block siya rito. Her friend was really mad at her.
Ngunit nagulat siya nang makitang mayroong isang friend request. Nang tingnan niya ito ay si Mihara. What on earth na ang taong palagi niyang nakakabangga sa grupo ang siya pang unang mag-a-add sa kaniya? Pagka-pindot niya ng accept button ay agad na may lumitaw sa inbox niya. Akala niya ay nag-message agad si Mihara ngunit isa lamang palang confirmation na magkaibigan na sila ni Mihara sa sss at pwede na siyang mag-send ng Personal message dito.
Nagdalawang-isip pa siya kung magme-message nga siya dito o hindi ngunit hindi pa man siya nakakapagtipa ng kaniyang sasabihin dito ay may mensahe na galing dito.
Mihara: Damn, ang galing mo talaga. Akalain mong sikat na sikat ka na world wide? Ano balita?
Sophia: Buhay ka pa pala? Kalat sa social media ang pangalan ko kaya bakit mo pa tinatanong kung ano ang balita? Ikaw ang kamusta?
Mihara: Hindi ka pa rin nagbabago, bully ka pa rin at mayabang...lol. Anyways, in-add kita kasi walang may lakas ng loob na kausapin ka at lahat galit sayo. Birthday ng anghel, sama ka. Sa Charmant Grill sa The Fort.
Hindi siya agad nakasagot. Kahit ang kaibigang si Almira ay galit sa kaniya dahil sa nangyari noong High School Prom. Sikat na itong modelo at alam niyang naririnig din nito ang tungkol sa kaniya ngunit dahil na rin sa pride nito ay ayaw pa rin siya nitong kausapin. Ano ba'ng mali sa ginawa niya? Gusto lang naman niyang magpakatotoo ang mga kaibigan niya. Hindi niya kailanman ginusto ang taong mapagpanggap tulad na lamang ng ama niya.
Mihara: seen zone?
Napakurap siya, bakit pa ba niya binabalikan ang nakaraan? Heto na nga at may lumunok na ng pride para lang muling mabuo ang kanilang grupo. Pero siya? Handa na ba siyang makita muli ang mga ito? Bahala na, titingnan niya kung kaya ng schedule niya.
Mihara: Grabe, ikaw na talaga ang reyna. Hanggang ngayon, prima donna ka pa din? Ano? Sumama ka. Sinabi ko na kina Almira na sasama ka at kahit na anong mangyari, sisiguruhin kong makakarating ka.
Sophia: Fine. I'll clear my schedule. Give me your number.
Mihara: Angdaming arte papayag din naman pala. 0927-xxxx-xxx
Sophia: Ciao!!!
Mihara: lol
She just rolled her eyes. Hindi na niya pinatulan pa si Mihara at nag-log out na lamang. Fine, ito na rin siguro ang tamang panahon para makipag-ayos sa dating mga kaibigan. Siya lang naman yata ang walang update tungkol sa kaniyang mga kaibigan. Oo, nasira ang El Fashionista dahil doon ngunit sila pa rin ang itinuturin niyang kaibigan. Iba kasi ang samahan nila.
"LOVE of your life again?" nilingon ni Alfonso ang kaniyang secretary na siyang madalas na nakakahuli sa kaniya kapag ini-stalk niya ang mga whereabouts ni Sophia. Madalas kasi niyang i-stalk ang sss account ni Sophia. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ang bully at malditang babaeng kilala niya ay pagkakainteresan niyang i-stalk kung ano na nga ba ang nangyari dito pagkalipas ng ilang taon.
"Nah, she's not the love of my life. Ni hindi nga kami nagkasundo n'on, eh." Aniya ngunit nakangiti. Makahulugan naman na ngumiti sa kaniya si Jenny. Well, iyon ang alam ng marami. That they were never close to each other even if they were neighbors.
"Sabi mo, Sir, eh. Ito nga po pala iyong hinihingi niyo sa Accounting Department." Iniwan nito sa kaniyang mesa ang mga folders.
"Thank you." Iyon lang at iniwan na siya nito.
Napapailing na lamang siya at ipinagpatuloy na lamang ang trabaho. Ngunit kusang lumilitaw sa kaniyang isipan ang imahe ni Sophia. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? It's just a dare, but something happened to him when he saw her cry after that night. Matapos ng kanilang prom night at matapos silang hatulan ng kanilang eskwelahan ng parusa.
PAUWI na sana si Alfonso matapos ang mahabang sermon ng kanilang principal, adviser at kasama na din ng kanilang guidance counselor maging ang ama ni Sophia na sobrang galit na galit sa dalaga, nang may bulto ng tao siyang napansin sa gilid ng parking lot. Madilim doon ngunit dahil sa damit nitong kumikinang kapag tumatama ang kaunting ilaw na nagmumula sa mga sasakyang paalis ay nakita niya ito.
Bahagya siyang lumapit dito nang mapagtantong babae ito. At napakunot-noo siya nang malaman kung sino. Is she crazy? Sa kaartehan nito, hindi ba ito natatakot na mag-isa lang sa isang madilim na lugar? Mamaya ay kung ano pa ang mangyari dito kung may iba mang makakita.
Dahan-dahan siyang lumapit dito. Alam niyang napansin nito ang presensiya niya dahil bigla itong natigil sa kung ano man ang ginagawa nito. Pero base sa kaniyang nakikita, hindi man niya lubos maisip ay umiiyak ito. She deserved it! Naisip pa niya. Ngunit may kung anong bagay na humaplos sa puso niya na animo ay ramdam niya kung ano ang nararamdaman ni Sophia. 'Even a lioness know how to cry.'
Nang makalapit siya ay siya namang pagharap sa kaniya ni Sophia. s**t! Paano niya nalaman na si Sophia nga ito? Well, dahil siguro sa damit na suot nito? O dahil kabisado na niya ang hubog ng katawan nito...Wait! Ba't napunta sa katawan niya? Sita ng isip niya.
"What are you doing here?" malamig ang boses na tanong nito. Hindi ang usual na Sophia na kilala niya.
"I should be the one asking you that. Hindi ba at ang sundo mo ay wala rito? Ano ang ginagawa mo dito?" kitang-kita niya sa mga mata nito ang bakas ng pag-iyak. Napansin yata nito ang pagtitig niya sa mga mata nito kaya ito nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"Wala ka na doon." Imbes na mainis sa ugali nito ay napangiti siya. What on earth is he doing there anyway? Pabayaan nalang niya ito doon para wala na siyang problema pero may kung ano sa kaniya na nagsasabing dahil naroon na rin lang naman siya at siya ang nakakita dito ay obligasyon na niya ito.
"Para ka pa ring bata umasta. C'mon, sabay na tayo sa labas. Sasabay na din ako sayo, wala kasi akong sundo, eh." Binuntutan pa niya iyon ng pagak na tawa para gawing magaan ang pag-uusap nila. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa ni Sophia sa kaniya pagkatapos.
"I know you're celebrating inside dahil hindi kami nagtagumpay. Pero 'wag kayong pakasisiguro dahil hindi pa ako sumusuko." Iyon lang at nagmartsa na ito palayo sa kaniya matapos siyang sabuyan ng hawak pala nitong isang baso ng tubig. Nasa paper cup ito na malamang ay kanina pa nito hawak at hindi man lamang niya napansin. Naka-focus ka kasi sa mukha niya. Tukso ng isip niya. Looks can be deceiving ika nga nila. Kapag hindi kasi nagsasalita si Sophia ay animo isa itong maamong tupang hindi makabasag-pinggan ngunit kabaligtaran pala nito iyon.
Pinunasan niya ang mukhang basang-basa bago nilisan ang lugar. Bakit hindi niya magawang mainis dito gayong dati pa ay ayaw na ayaw na niya sa babae dahil nga sa ugali nito? 'Di nga? Ayaw na ayaw ba talaga? Ngunit bakit ngayon ay tinatraydor siya ng isang bahagi sa katawan niya at nagiging malambot na siya dito?
"Alfonso!" nilingon niya ang tumawag sa kaniyang pangalan. Palabas na siya ng lobby ng building kung saan naroon ang kaniyang opisina. He is now the owner of Javellana Architectural Firm. Pero kahit na busy siya sa pagpapatakbo ng firm ay nananatili siyang miyembro ng The Gboys. Yes, The Gboys na ang pangalan ng dating El Gwapitos.
It was Franco Montero. Napatingin siya sa kaniyang wrist watch. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang maaga pa para sa gig nila. "May kailangan ka? Maaga pa."
Natawa naman sa kaniya ang kaibigan at inakbayan siya. "Malapit na birthday ni Emmie. May balita ka kung saan gaganapin? 'Di ba hindi naman kayo nawalan ng contact? Every year niyayaya ka niya sa birthday niya at ini-indiyan mo ang mga gig natin? Ngayon? Absent ka na naman ba? Malaki ang celebration na inaayos sa bar ngayon." Yeah right. Hindi nga sila nawalan ng contact ni Emmie pero pawang pagkakaibigan na lamang ang namamagitan sa kanila ng dating kasintahan. He tried to save their relationship, pero hindi na talaga maaari dahil hindi na sa kaniya tumitibok ang puso ni Emmie. At iyon ay hindi niya inasahan. Ngunit mas hindi niya inakala na sa huli, hindi na niya mararamdaman ang dating damdaming iniaalay niya para sa dalaga. Isa na lang siyang kaibigan ngayon na kung kailangan ay naroon siya para dumamay at pagaanin ang loob nito.
"Wala pang nababanggit na anumang detalye si Emmie tungkol sa birthday niya." Iyon lang ang nasabi niya dahil wala naman talaga. Nagtataka nga siya dahil isang linggo na siyang hindi kinokontak ni Emmie.
Halata sa mukha ni Franco na hindi ito naniniwala sa sinabi niya. "Oh, I see. Magugulat nalang siguro kami kung di ka makapunta sa gig natin dahil mismong sa birthday ni Emmie 'yon," aalis na sana ito nang timigil at parang may naalala. "By the way, may ire-rekomenda ako para maging kapalit mo basta magsabi ka lang." sabi nito bago tuluyang umalis.
"Sophie!" halos mabingi siya sa tili ng baklang assistant niya.
"Tama na, hindi nakakatuwa." Masungit na sambit niya na hindi man lang inabalang lingunin ito kaya naman ito na mismo ang humarang sa harapan niya. May papel itong iwinagayway sa harap niya. Halatang masayang-masaya ito. Kumunot naman ang kaniyang noo. "And?"
"Ahhhhh! We got the deal!" tumili muli ito at ngayon ay nauunawaan na niya ang ibig nitong ipahiwatig. That deal. Iyong ilang buwan na nilang nililigawang may-ari ng loteng gusto niyang pagpatayuan ng kaniyang another branch of boutique. Nakagat na lamang niya ang kaniyang labi.
"So let's call it a celebration?" aniya na pinipigilan ang sarili na mapatili.
"Sure, madame." Anito at kumekembot na pinuntahan ang iba pang tauhan. Strikta siya pagdating sa trabaho pero kung may mga ganitong pagkakataong nangyayari ay hindi naman siya madamot. Wala siyang pakialam sa pera. Simula nang malaman niya ang tunay niyang pagkatao ay natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa at hindi naghihintay ng tulong mula sa kaniyang ama.
Oh, hindi ngayon ang panahon para magdrama. Dapat ay magsaya siya dahil madadagdagan na naman ang properties niya at dahil iyon sa sipag at tiyaga niya. Dahil iyon sa tulong ng mga kasama niya.
Gusto ng mga tauhan ni Sophia na sa isang bar and restaurant nalang gawin ang kanilang celebration kaya naman ay pumayag na rin siya. Besides, it's for them. Hinayaan lamang niya ang mga ito na magsaya. Niyaya siya ng mga ito na sumayaw sa dancefloor pero nagpaiwan lang siya sa puwesto nila. Wala siya sa mood ngayon. Ewan niya kung bakit dahil dati naman ay ito ang buhay niya. Hindi siya mabubuhay nang walang night life. Pero sa ngayon, mas priority na niya ang kaniyang career.
Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay upang tawagin ang waiter na napadaan sa harap niya. Kumuha siya ng isang shot at tinungga agad ito. Masakit na gumuhit ito sa lalamunan niya. Ah, hindi na nga yata siya sanay. Natawa siya sa sarili. Really? Pero bigla siyang natigilan nang marinig ang boses ng kumakanta. Naka-live band pala ang bar ngayon. That soothing voice. Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon. Nang mapadako ang kaniyang paningin sa mismong pinagmumulan ng tinig na iyon ay muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya. Nakatingin din kasi ito sa kaniya. Bigla tuloy bumilis ang t***k ng kaniyang puso. It was, what? 5 or 6 years? Pero bakit ganoon pa rin ang nararamdaman ng puso niya 'pag nakikita ito? Kailan ba nagsimulang maging abnormal ang t***k ng puso niya kapag nakikita si Alfonso? O baka naman dahil lasing lang siya?
Naalala niya noon, isang taon makalipas ang eskandalong nagawa ng El Fashionista sa eskwelahan nila na halata namang siya ang pasimuno ay muli silang nagkita ni Alfonso.
"Na-miss mo ako?" nakangiti si Sophia sa halatang gulat na gulat na si Alfonso. Papunta siya sa opisina ng Daddy niya nang mamataan niya ang bulto ng binata.
"Sophia..." halata sa itsura nito ang pakagulat ngunit sandali lang naman dahil sumeryoso na ito agad. Nginitian niya ito ng sarkastiko.
"You know what, natuwa ako noon nang mag-break kayo ni "Angel Emmie" dahil hindi ka na dumadaldal. Pero mas nakakairita ka naman ngayon dahil naging stalker ka na," nakita niya ang pagkunot ng noo nito. Halatang hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi. Tumayo ito ng tuwid at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito. What the! Ba't ang guwapo ni Alfonso? Nagpadagdag pa sa kaguwapuhan nito nang binasa nito ang labi nito gamit ang sarili nitong laway. Ba't parang gusto tuloy niyang muling matikman ang halik nito? Ah! Nababaliw ka na, Sophia. May mas mahalaga kang gagawin kesa ang makipag-flirt sa lalaking 'yan. Sita naman ng isip niya.
"Stalker? I should be the one asking you that. Are you stalking me?" napaismid siya sa sinabi ni Alfonso. Nabaliktad pa yata ang sitwasyon. Pero siyempre ay hindi siya magpapatalo dito.
"Huwag mo akong binabaliktad. I saw you following me," depensa niya. Pero alam niyang gumagawa na lang siya ng kwento dahil halata naman na nagkataon lang na nasa iisang lugar sila. Tatalikod na sana siya nang makita niya ang sarkastikong ngiti ni Alfonso.
"I like you, Sophia." Imbes na matuwa sa narinig ay natawa siya. Dahil alam niya ang ibig nitong sabihin. Pinagti-trip'an siya nito. Hindi man halata sa itsura nitong seryoso ay alam niya. Humakbang pa ito palapit sa kaniya kaya naman ay umatras siya.
"Hindi ako basta-basta nadadala sa mga kalokohan mo. Kung anuman ang trip mo sa buhay ngayon, bahala ka na." singhal niya dito pero hindi natinag ang binata at mas lalo pa siyang nilapitan pero umatras siya at iniharang pa ang kaniyang kamay. Ngunit hinawakan lang nito ang kaniyang kamay at doon ay marahas niyang binawi ang kaniya dahil kakaibang pakiramdam ang naramdaman niya na hindi niya maipaliwanag. "Pwede ba, tama na? May mas importanteng bagay pa akong dapat ayusin kaya sige na. Umuwi ka na." tatalikuran na sana niya ito nang bigla siya nitong hilahin sa braso dahilan kung bakit nawalan siya ng balanse.
Akala niya ay mauuwi iyon sa halikan tulad ng mga napapanood niya sa mga pelikula pero hindi. Nabitawan din kasi siya ni Alfonso kaya ang siste---nadapa siya. Pero nakita niya ang pag-aalala nito nang alalayan siya nitong makatayo. "Sorry. Are you alright?" somehow, naiinis siya sa sarili niya dahil bakit hindi niya mahagilap sa puso niya ang pagka-inis sa lalaki ngayon? Kasalanan nito kung bakit siya nadapa at mukhang nagkagasgas pa yata ang makinis niyang balat.
Nang hahawakan na niya ang kaniyang tuhod ay siya namang pagdampi ng palad ni Alfonso sa balat niya. Parang may kumiliti sa kaniya dahil doon. Hindi niya maintindihan ang damdaming iyon na naramdaman niya. Kakaiba kasi. Parang ngayon lang yata niya iyon naramdaman. "I'm fine," aniya at tumayo na pero inalalayan pa rin siya nito. "I can take care of myself. I'm..." napatanga siya. Hindi niya inaasahan na gagawin ni Alfonso iyon.
Mas lalo tuloy bumilis ang t***k ng puso niya. Masarap palang makulong sa mga bisig nito.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay halos manghina siya. Hinawakan naman ni Alfonso ang kaniyang kamay. "I'm confused. I...I'm sorry," anito at naiwan na siyang nakanganga nalang. What was that? Confused? He's confused of what?