Mabilis niyang binuhat ang babae nang mahimatay ito at kaagad itong inihiga sa may kama nito pagkatapos ay mabilis na nagpatawag ng doktor kay Lorna. Ilang sandali lang ay dumating na rin ang family doctor nila pagkatapos ay sinuri na ang babae. "Nothing to worry about. Overfatigue, stress and dehydration ang dahilan kung bakit siya nahimatay," anunsiyo ng doktor sa kan'ya. "Thank you, doc. I am relief," seryosong sabi niya rito. "No worries, Governor. But can I ask you something?" Bigla naman siyang napakunot noo pero hindi nakapagsalita. "Who is this woman? Sa tagal kong naglilingkod sa iyo at sa ama mo noon ay ngayon ko lamang siya nakita rito," curious na tanong nito sa kan'ya. Mabilis siyang natigilan dahil hindi niya inasahan ang tanong na iyon ng doktor mula sa kan'ya. "I

