bc

The Governor's Forbidden Offer- SPG

book_age18+
101
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
opposites attract
drama
small town
like
intro-logo
Blurb

Nang mamatay ang ama ni Alexa Rose Miguel ay tila namatay na rin ang kalahati ng pagkatao niya. Kaya nang may dumating na mga lalaki at gustong bilhin ang maliit na lupang kinatitirikan ng bahay kubo nila ay hindi sila pumayag dahil ito lamang ang natitirang ala-alang naipundar noon ng tatay niya nang nabubuhay pa ito. Pero paglipas ng isang buwan ay bigla siyang nagulat nang pumayag ang nanay niya na ipagbili ito pero may isa itong kundisyon, kailangan siyang pakasalan ng taong gustong bumili ng lupa nila. At ito ay walang iba kung hindi si Clyde Hudson, ang pinakabata, gwapo at masungit na Gobernador ng kanilang baryo. Kampante siyang hindi papayag ang gobernador pero nagulat siya nang wala pang isang araw ay dumating doon ang isang lalaki at sinabing magpapakasal daw ang gobernador sa kan'ya. Pero ano ang dahilan nito para magpakasal sa isang simple at mahirap na tulad niya kapalit ng maliit na lupang alam niyang wala naman halaga para rito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Pasensiya ka na Alexa, pero ang haba-haba na kasi ng listahan niyo rito." Malungkot siyang napatango dahil sa sinabi ni Aling Dolor nang subukan niyang mangutang ng isang kilong bigas at isang lata ng sardinas dito dahil alam niyang kanina pa nagugutom ang nanay niya. "Okay lang po, Aling Dolor. Naiintindihan ko po." At pilit siyang ngumiti bago mabilis na tumalikod at laglag ang mga balikat na umuwi ng bahay nila. Bigla na naman siyang nakaramdam ng awa nang makita niyang nakahiga sa may kawayan nilang upuan ang nanay niya. Nagpapahinga ito dahil hindi ito pwedeng magbuhat ng mabigat o mapagod dahil may sakit itong asthma. Magmula kasi nang mamatay ang Tatay Artemio niya ay naiwan na sa kan'ya ang responsibilidad. Maliit lamang ang lupang kinatitirikan ng bahay kubo nila. Walang masyadong gamit at wala ring tubig dahil nakiki-igib pa siya sa may kabilang bahay para lang may gamitin. Nagtitiyaga lamang siya sa pakikipaglabada o pagsa-sideline sa pagtitinda-tinda sa may palengke. Dahil wala naman siyang choice at hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang highschool lamang ang natapos niya at sadyang napakahirap ngayong kumuha ng trabaho sa mga katulad niyang hindi nakapagtapos ng kolehiyo. Habang naglalakad-lakad siya ay hindi niya inaasahang makasalubong si Rina. Isa sa mga itinuturing niyang kaibigan niya rito sa baryo nila. "Rina," hiyang tawag niya rito. "Oh, Alexa. Anong atin?" Nakangiting tanong nito sa kan'ya. "Nakakahiya man pero baka may alam kang pwedeng trabahong pwede kong pasukan?" tanong niya rito. Bigla naman itong napakunot-noo at tila nag-iisip. Nang ilang sandali pa ay bigla itong mapangiti. "Oo, meron akong alam." Habang nakangiti pa rin ito sa kan'ya. "Talaga? Sige, kahit na anong trabaho ay papasukin ko," sagot niya. "May pagtitipon kasi sa isang resort dito sa may kabilang kanto. Baka gusto mong umekstra bilang waitress?" "Talaga?! Oo naman. Kahit pa tiga punas lang ng mga lamesa ay papatulan ko!" excited na sabi niya rito. "Oh siya sige, limang daang piso ang bayad mula alas singko ng hapon hanggang sa matapos ang party. Bukas ay dumiretso ka na lamang doon at ako na ang bahalang magsabi sa tito ko." "Nako! Ang laki naman niyan. Pero baka pwede na ako kaagad bumali kahit na isang daan lang? Hindi pa kasi kumakain ang nanay ko," nahihiyang dagdag pa niya. Napangiti naman ito sa kan'ya. "Oh eto. Kahit huwag mo ng bayaran. Tulong ko na lamang iyn sa inyo ng nanay mo dahil mabait ka naman at magkaibigan naman tayo." Sabay abot sa kan'ya ng tatlong daang piso. Sa sobrang tuwa niya ay napayakap siya rito. "Huwag kang mag-alala, hindi ako magiging pabigat sa pagtitipon bukas." Masayang sabi niya rito. Kinabukasan ay ipinagluto na niya kaagad ng pagkain ang nanay niya bago siya umalis para sumid-line. Alas kwatro pa lamang ay naroroon na siya sa lugar na pagdadausan ng party. "Uy, Alexa! Ang aga mo naman?" tanong sa kan'ya ni Rina nang makita siya nito. "Oo, gusto ko kasing makatulong para hindi naman sayang ang ibabayad niyo sa akin mamaya," masayang sabi niya rito. "Napakasipag mo talaga." At inakay na siya nito sa may gilid. "Ito nga palang mga baso ay pwede mo ng ayusin sa mga lamesa," sabi nito sa kan'ya. Mabilis naman siyang tumango. "Pero bago iyan ay magpalit ka muna ng damit ha? Para mas maayos tayong tignan mamaya." Sabay abot nito sa kan'ya ng isang plastic na sa tingin niya ay naglalaman ng mga damit. Kaagad naman niyang kinuha iyon at nagpasalamat. Mabilis siyang nagpunta sa may banyo at hindi na binasa ang nakasulat doon at nakalimutan pang isara ang pintuan. Mabilis niyang tinignan ang laman ng plastic at nakita niya ang itim na polo shirt na may pangalan ng business ng tito ni Rina. May kasama rin itong itim na skirt. Una niyang itinali ang buhok niya pagkatapos ay mabilis na tinanggal ang tshirt na suot niya at hinubad. Pero hindi pa niya ito naisususot nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Mabilis naman siyang napasigaw nang makita niyang lalaki ito. "Ahhhh! Manyak! Bakit nandito ka sa pambabaeng palikuran?" seryosong sabi niya at mabilis na itong tinulak kahit na ang totoo ay hindi naman niya nakita ang buong itsura nito dahil na rin sa gulat niya dahil tinakpan niya ang sarili niya. Mabilis niyang isinara ang pintuan habang kumakabog-kabog pa ang puso niya. "Ano ba namang klase ang lalaking iyon, hindi marunong magbasa," kausap pa niya sa sarili. Nang matapos siyang magbihis ay mabilis na rin siyang lumabas. Pero napakunot ang noo niya dahil dalawang lalaki ang tila naghihintay sa paglabas niya. Bakit ba sa pambabae-- Bigla naman nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa may pintuan ng banyo. -HE- Bigla naman ay parang namula ang buong mukha niya dahil sa kahihiyan. Sana ay hindi siya nakilala ng lalaki kanina. Nang makabalik ay mabilis na niyang inayos ang mga dapat niyang gawin at mabilis na kinalimutan ang pagkapahiyang nangyari kanina dahil marami pa siyang dapat na gaein. Halos alas siyete na iyon ng gabi nang magsimula nang magdatingan ang mga tao. Umiinom siya noon ng tubig sa may gilid nang lapitan siya ni Rina. "Napagod ka ba, Alexa?" "Ah? Hindi naman, nauhaw lang. May iuutos ka ba?" "Wala naman. Magpahinga ka na muna riyan sandali. Teka sandali, nakita mo na ba si Gov.?" Nakangising tanong ni Rina sa kan'ya. Mabilis naman siyang natigilan at napakunot ang noo. "Hindi pa, at ang isa pa ay hindi ko naman alam kung ano ang itsura nito," sagot niya rito. Totoo kasing hindi niya alam ang itsura nito dahil wala naman siyang cellphone at higit sa lahat ay wala rin silang tv. "Halika at ituturo ko siya sa iyo. Siya kasi ang gusto kong mapangasawa." Nakangising sabi nito sa kan'ya. Pero nang ituro ito ni Rina sa kan'ya ay nakatalikod ito at talagang napakalayo kaya hindi niya ito magawang makita. "Hey you, can you throw this?" bigla ay sabi ng isang mataray na babae. Bigla naman silang napahinto ni Rina at napatingin sa isang babaeng nakasuot ng isang red na mahabang dress. Mabilis naman na inilagay nito sa may kamay niya ang isang tissue at mabilis na itong umalis. Mabilis naman na napataas ang isang kilay ni Rina rito. "Ang ganda naman niya," parang wala sa sariling sabi niya rito. Ngayon lang kasi siya nakakita ng isang babaeng kasing ganda nito. "Ump! Maganda nga, ubod naman ng arte. Akala mo naman ay talagang girlfriend ni gov e ang bali-balita ay magkaibigan lang daw ang mga iyon sa kama," seryosong sabi ni Rina sa kan'ya. "Anong magkaibigan sa kama?" takang tanong niya. "Ano pa edi fvck buddy. Wala naman sineseryosong babae iyang si gov e. Pero kapag ako ang napangasawa niya ay hindi na ito titingin pa sa iba." Nakangiting sabi ni Rina sa kan'ya. Siya naman ay mabilis na napatingin sa lugar kung saan itinuro ni Rina kanina ang lalaking nakatalikod. Bakit pakiramdam niya ay may enerhiyang humihila sa pagkatao niya kahit na likod pa lamang naman ang nakikita niya rito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook