Chapter 2

1085 Words
Halos alas tres na nang madaling araw nang ganap na matapos ang party. Tumulong pa kasi siya sa paglilinis ng mga gamit at paghahakot. Tuwang-tuwa nga siya nang abutan siya ng isang libo ni Rina at bigyan pa ng mga tirang pagkain galing sa party. Excited siyang umuwi para tignan ang nanay niya nang mapansin niyang wala ito sa mag kwarto nito. Mabilis naman siyang nagpunta sa may banyo para tignan ito roon pero wala rin ito. Mabilis siyang lumabas sa may likuran kung saan merong maliit na papag doon at nakita niya ang nanay niyang nakaupo roon habang hawak-hawak nito ang ulo nito. Mabilis naman niya itong dinaluhan. "Nay! Ano pong nangyayari sa inyo?!" kinakabahang tanong niya rito. Pero mabilis itong napakunot-noo. "S-Sino ka? Bakit mo ako hinahawakan?" Bigla naman nanlaki ang mga mata niya at mabilis napabitiw dito habang nakabuka ang bibig. "Nay, ako po ito si Alexa-" Naputol ang sasabihin niya nang bigla na naman nitong hawakan ang magkabila nitong sentido at napadaing. "Aray!" Mabilis naman niya itong nahawakan pagkatapos ay bigla itong natigilan at mabilis na napatingin sa kan'ya. "Alexa?" bigla ay sabi nito. "Kanina ka pa ba riyan?" bigla ay sabi nito dahilan para lalo siyang malito. Nag-uulyanin na ba ang nanay niya? Pero napakabata pa nito para makaranas ng ganoon. "Uhm, hindi po nay, kadarating ko lamang po," sagot niya rito. Mabilis naman itong ngumiti sa kan'ya pagkatapos ay mabilis na tumayo at hinawakan siya sa isang braso. "Halika na anak, umaga na, para makapagpahinga ka na." Nakangiting sabi nito sa kan'ya. Nang makapasok sila sa loob ng kubo nila ay inihatid niya ito sa maliit nitong kwarto. "Ikaw ang dapat magpahinga nay, dapat po ay hindi niyo na ako hinintay. Matulog na po kayo." At marahan na niya itong hinalikan sa may noo. "Salamat sa lahat ng pagsasakripisyo mo para sa akin anak, nahihiya na nga ako sa iyo at ni hindi man lamang kita magawang matulungan," malungkot na sabi nito sa kan'ya. "Nay, ano po ba kayo? Ayos lang po iyon. Tayong dalawa na lamang po ang magdadamayan at ang isa pap o, ipinangako ko kay tatay na hindi ko kayo pababayaan kahit anong mangyari." At ngumiti siya rito. Mabilis naman na ngumiti sa kan'ya ang nanay niya at marahan siyang niyakap ng mahigpit. Ilang sandali pa ay humiwalay na rin siya rito para makapagpahinga na ito. Lumabas na siya sa may sala para ayusin ang higaan niya roon. Wala naman kasi siyang kwarto at sa may sala lang natutulog at naglalagay lamang ng lumang kulambo para maging proteksiyon sa mga lamok. Kahit hindi naman sila mayaman ay maipagmamalaki niya na inaalagaan niya ang balat niya sa mga insekto at napapanatili rin niya ang kurbada ng katawan niya. Nang ganap na mahiga ay napatitig siya sa may lumang bubong nila na maraming tulo sa tuwing umuulan. Nangangarap siya na balang araw ay maihahaon niya sa kahirapan ang nanay niya at mapaparanas niya rito ang maginhawang buhay na hindi naranasan ng tatay niya. Sa totoo lang ay lumaki siya na silang tatlo lang ang magkakasama. Nagtataka nga siya kung bakit ni isa ay wala man lamang kamag-anak na ipinakilala sa kan'ya ang mga magulang niya. Pero ang sabi ng mga ito ay lumipat lang daw sila rito sa may baryo nang tatlogn taong gulang pa lamang siya. Malalim siyang napabuntong-hininga nang maalala ang tatay niya. Mula kasi nang mamatay ito ay naging napakahirap sa kanila ang lahat. Idagdag pa na may sakit pa ang nanay niya kaya hindi ito pwedeng mapagod. Dahil sa dami ng iniisip at pinagsamang pagod ay hindi na niya namalayang unti-unti na pala siyang nakatulog. Kinabukasan ay nagising siya sa tilaok ng mga manok. Kahit mabigat pa ang mga talukap ng mga mata niya ay pinilit niya pa rin na makabangon para ipagluto ng pagkain ang nanay niya. Nang silipin niya ang lumang orasan nila ay alas syete na pala ng umaga. Kaagad naman niyang tinignan sa may kwarto ang nanay niya pero wala na ito roon. Nang lumabas siya ay kita niya itong nagwawalis sa may bakuran nila. "Nay, ako na po ang gagawa niyan. Baka mapagod lang po kayo." Sabi niya rito nang ganap na makalapit at akmang kukuhanin na ang walis dito nang mabilis nito iyong iniiwas. "Anak, hayaan mo na ako rito. Isa pa, parang exercise ko na lamang ito. Naiinip na kasi ako rito sa bahay dahil wala naman ako ginagawa," sagot nito. Marahan naman siyang tumango at malungkot na napangiti. "Hayaan mo nay, kapag nagkaroon ako ng maraming raket ay ibibili ko kayo ng tv para naman hindi na kayo mainip." "Anak, huwag mo na akong alalahanin. Ang mabuti pa ay mag-ipon ka na lang para sa pag-aaral mo. Ang gusto ko kasi ay makabalik ka sa pag-aaral mo dahil wala naman akong maiiwang mana sa iyo kapag namatay ako," sagot nito sa kan'ya dahilan para lalo siyang malungkot. Isipin pa lamang kasi niyang pati ang nanay niya ay mawawala na rin ay parang hindi na niya kakayanin. Kapag nawala pa ito ay totoong mag-isa na lamang siya rito sa mundo. Pero hindi pa man siya nakakasagot ay nagulat siya nang may biglang dumating na limang lalaki na nakasuot ng pare-parehong damit na kulay itim. Mabilis naman siyang nakalapit sa nanay niya at nahawakan ito sa may isang braso. "Magandang umaga ho. Kayo ho ba si Ginang Susana Miguel?" sabi ng isang matangkad na lalaki sa nanay niya. "Magandang umaga rin naman. A-Ako nga, may kailangan ba kayo?" tila nalilito rin na tanong ng nanay niya. "Ako ho si Faustino, may kailangan ho kasi kami sa inyo," sagot ulit ng lalaki. "Teka ho, ano po bang kailangan niyo? Meron po bang naiwang pagkakautang ang itay ko sa inyo?" bigla ay tanong niya sa lalaki na sa tingin niya ay nasa tatlongpung taong gulang pa lamang. Matangkad ito at gwapo. Pero bigla siyang nakaramdam ng takot sa mga ito nang mapatingin siya sa may bewang nito. Hindi siya pwedeng magkamali. May dala ang mga itong baril. Tila napansin yata nito na napatitig siya sa may baril nito kaya bigla itong ngumiti sa kan'ya. "Huwag kang mag-alala miss, walang pagkakautang ang tatay mo at huwag kayong matakot dahil nandito lamang kami para iparating sa inyo ang iniuutos ng boss namin," seryoso naman sabi nito. "Boss niyo? At ano naman ang kailangan niya sa amin?" "Gustong bilhin ni boss ang maliit niyong lupa sa halagang isang daan at limampung libong piso," diretsang sabi nito dahilan para manlaki ang mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD