Chapter 3

1574 Words
"Ano? Pasensiya na pero hindi namin ipinagbibili ang lupa namin," mabilis na sagot niya rito. "Kayang-kaya pa ho iyang dagdagan ng boss namin kung kinakailangan," mabilis din na sagot nito. "Kuya, wala po kaming balak na ibenta itong lupa na ito kahit naghihirap na kami. Ito na lamang ang kaisa-isang ala-ala ng tatay ko. Kaya pwede na po kayong umalis," mariing sagot niya rito. "Tama ang anak ko iho, hindi namin ipagbibili ang lupang ito. At ang isa pa, napakaliit lamang nito at malayo sa kabihasnan," sagot naman ng nanay niya. "Basta kung magbago po ang isip niyo ay nandito lang po kami." At may iniabot itong maliit na papel sa kan'ya. Pero hindi niya ito iniabot at umiling. "Hindi na magbabago ang isip namin. Maaari na kayong makaalis." At mabilis na niyang inakay papasok ang nanay niya sa maliit nilang kubo. "Sino kaya ang gustong bumili ng maliit nating lupa?" tanong ng nanay niya sa kan'ya nang makaupo sila sa may maliit na sala. "Hindi ko ho alam inay, nakakapagtaka naman na ito pa ang lupang napili niya. Bukod na sa liblib ito ay napakaliit pa," sagot niya rito. "Maaari mong magamit ang perang iyon sa iyong pag-aaral anak," bigla ay sabi ng nanay niya na siyang ikinalaki ng mga mata niya. "Nay?! Ayoko ho, hindi ho natin ibebenta itong lupa, ito na lamang ho ang ala-ala ni tatay sa atin," mariing sabi niya rito. Marahan lamang na tumango ang nanay niya pagkatapos ay hindi na rin ito muli pang nagsalita. Lumipas pa ang isang linggo at patuloy ang pagbabalik-balik ng mga lalaking gustong bumili ng lupa nila pero bigo ang mga ito dahil desidido na silang huwag ibenta ang lupa. Pero sa araw-araw na iyon ay palagi na lamang niyang nakikita ang nanay niya na panaka-naka ang pagsulyap sa kan'ya, pagkatapos ay nakikita niya ito sa may labas na tila ang lalim ng iniisip nito. Pauwi na siya galing sa pagsa-sideline sa may palengke nang maabutan niya ang isang itim na sasakyan sa may harapan ng kubo nila. Nang pumasok siya sa may kawayan nilang gate ay sakto namang paglabas ng isang pamilyar na lalaki. Natatandaan niyang Faustino ang pangalan nito. "Hindi ba kayo napapagod sa pagbalik-balik dito? Tumigil nakayo dahil hindi na maghabago-" "Salamat po Mrs. Miguel, huwag po kayong mag-alala at makakarating po sa boss ko ang ipinasasabi niyo." Bigla naman naputol ang sinasabi niya nang marinig ang sinabing iyon ni Faustino bago ito tuluyang umalis kasama ng iba pang mga lalaki. Mabilis naman siyang napalingon sa may pintuan kung saan gulat na nakatayo ang nanay niya habang nakatingin sa kan'ya. Bago pa siya tuluyang makapagsalita ay mabilis na itong nakatalikod at pumasok sa loob ng kubo nila. "Nay, ano hong ibig sabihin niyon?" tanong niya rito nang ganap niya itong masundan sa may kwarto nito. "Wala iyon, anak. Kumain ka na at ipaghahanda na kita ng pagkain." At mabilis na siya nitong nilampasan bago pa siya makapagsalita. Nang sundan niya ito sa maliit nilang hapagkainan ay mukhang tuliro ito dahilan para mahulog pa nito ang stainless nilang plato dahilan para makagawa ito ng ingay. Mabilis naman niya itong pinulot pagkatapos ay tumitig sa nanay niya. "Nay, ano ho bang nangyayari sa inyo? May problema po ba?" Malalim naman itong humugot ng hininga bago siya sinagot. "Pumapayag na akong ipagbili ang lupang ito." Tila bomba naman iyong sumabog dahilan para manlaki ang mga mata niya. "Nay? Bakit naman ho kayo nagbibiro ng ganyan?" At pilit siyang ngumiti rito at akmang hahawakan ito sa may isang braso nang mabilis itong umiwas. "Hindi ako nagbibiro. Pumayag na akong ibenta ito kapalit ng isang kondisyon ko sa kanila," paliwanag pa nito. Bigla naman napakunot ang noo niya. "Kondisyon? Ano naman-" "Kailangan kang pakasalan ng boss nila," mabilis na sagot nito. Pakiramdam niya ay lalong dumoble ang panlalaki ng mga mata niya. Nagbibiro ba ito? Wala tuloy siyang ibang nagawa kung hindi ang mapangiti na lamang dito. Dahil sa totoo lang ay hindi naman siya naniniwalang magagawa iyon ng nanay niya sa kan'ya. "Nay, huwag na ho ninyo akong asarin dahil hindi naman ho ako maniniwala na magagawa ninyo iyon sa akin." At mabilis na niya itong hinawakan sa isang palad pero mabilis at malakas nito iyong nahila mula sa kan'ya. "Alam mong sa mga ganitong bagay ay hindi ako marunong magbiro. Totoo ang sinasabi ko Alexa, kung gusto niya talang bilhin ang lupang ito ay kailangan ka niyang pakasalan," mariing sabi nito. Bigla naman tumulo ang mga luhang kanina pa nasa may gilid ng mga mata niya. Kita kasi niya ang determinasyon sa mata ng nanay niya. "Nay.. p-paano niyo hing nagawa sa akin ang ganito? Ni hindi niyo man lamang ako tinanong kung-" "Balang araw ay maiintindihan mo rin ako." At mabilis na siya nitong tinalikuran na parang walang nangyari. Nang gabing iyon ay minabuti na lamang niyang mahiga sa mya papag niya at tumingin sa may bubong ng maliit nilang kubo. Hindi niya maiwasang mag-isip at mangamba. Paano niya pakakasalan ang isang lalaking hindi naman niya kakilala at lalong-lalo pang hindi pa naman niya nakikita? Paano na lamang kung sobrang tanda na pala nito? Paano kung masama itong tao? Paano kung saktan siya nito at saktan? Paano kung gawin lamang siya nitong parausan katulad sa mga kwentong nababasa lamang niya noong highschool siya? Pero mabilis niyang naipilig ang mga mata niya. Alam niyang hindi iyon mangyayari dahil unang-una sa lahat. Kung ang laalking iyon ang bumubili ng maliit nilang lupa ay siguradong mayaman iyon at hinding-hindi siya nito magugugstuhan dahil isang simpleng babae lamang siya. Mas marami pang mas magagandang babaeng mayayaman ang mabibingwit nito. Dahil sa naisip ay tila nakahinga siya ng maluwag. Tama Alexa, hinding-hindi ka magugustuhan ng lalaking iyon. Kinabukasan nang magising siya ay nadatnan na naman niya ang mga lalaking nasa may labas nila at nagkakape pa ang mga ito. Nang mapalingon siya sa may likuran niya ay may dala pang isang plastik ng tinapay ang nanay niya. "Tino, hijo, mas masarap kung isasawsaw ninyo sa kape itong tinapay." Nakangiti at masayang sabi ng nanay niya. Nang mapansin naman siya nang lalaki ay mabilis itong tumayo at yumuko sa kan'ya. "Magandang umapo po, Binibining Alexa," bati nito sa kan'ya. Bahagya lamang siyang tumango rito pagkatapos ay bumaling sa nanay niya. "Nay-" Pero mabilis niyong pinutol ang dapat na sasabihin niya. "Nandito siya Faustino para ipaalam sa atin na pumapayag ang boss nila sa kondisyong ibinigay ko," seryosong sabi nito. Mabilis naman na nanlaki ang mga mata niya at walang ano mang salita ang gustong kumawala sa may bibig niya. "Ipinasasabi rin hi niya na sa may ikalawang linggo na ho ang kasal at huwag kayong mag-alala dahil siya na ang bahala sa lahat. Ipasusundo na lamang ho niya kayo sa mismogn araw ng kasal," dagdag pa ng lalaki. "Teka lang. Sino ba ang nagsabing magpapakasal ako?" Kunot-noong sabi niya rito pagkatapos ay mabilis na bumaling sa nanay niya. "Nay, ayoko ho!" At bago pa makapagsalita ang nanay niya ay mabilis na siyang nakatakbo. Hindi niya alam kung saan siya dinadala ng mga paa niya. Basta ang gusto lamang niya ay makalayo lang siya sa lugar na iyon. Nang makaramdam ng pagod ay mabilis siyang huminto at sapo ang dibdib niya sa sobrang bilis ng t***k ng dibdib niya. Marahan siyang napaupo sa may malaking batong naroroon at napatingin sa may langit. "Tay, bakit po ba nangyayari ito ngayon?" mahinang bulong niya. Pagkatapos ay mabilis na napayuko dahilan para maglaglagan ang mga luha sa mga mata niya. Pagkaraan ng halos ilang minuto ay napagpasiyahan na niyang umuwi. Kakausapin niya ang inay niya. Kung kinakailangan ay magmakaawa siya rito ay gagawin niya. Nang makarating siya sa may bahay niya ay wala na ang mga lalaki kanina. Nadatnan na lamang niya ang nanay niyang mukhang malalim ang iniisip at tulala ito habang nakaupo sa may kawayang upuan nila. Mabilis niya itong niyakap sa may likuran dahilan para bahagya itong magulat. "Nay, nakikiusap po ako sa inyo. Ayaw ko hing magpakasal." At nagsimula na namang maglaglagan ang mga luha sa mga mata niya. Pero mabilis na tinaggal ng inay niya ang mga kamay niya na nakayakap sa mya braso nito at mabilis itong humarap sa kan'ya. "Nakapagdesisyon na ako," mariing sabi nito at kitang-kita niya ang seryosong mga mata nito na nakatitig sa mga mata niya. "Nay, ako ho ay hindi pa. Ayoko hing magpakasal sa taong hindi ko naman kakilala at hindi ko pa nakikita. Ang gusto ko ay magpapakasal ako sa lalaking mahal-" "Makinig ka sa akin Alexa, hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko. Ginagawa ko ito para sa iyo. Anak, ayaw kong mabuhay ka na puro na lamang hirap. Gusto ko ay marananasan mo ang mga bagay na alam kong malabo ko nang maibigay sa iyo. Maniwala ka sa akin, para sa iyo rin ito," mahabang sabi nito. Pero mabilis siyang umiling dito at dahan-dahang lumuhod. "Nakikiusap ho ako sa inyo. Ayoko pong magpakasal. Sanay na ako sa hirap, hindi naman ho ako nagrereklamo. Kahit magdildil lamang ho tayo ng asin ay papayag ako. Huwag po kayong mag-alala, magsusumikap ako-" "Nakapagdesisyon na ako Alexa, hindi na magbabago ang isip ko." "Pero, nay-" "Kapag hindi mo ako sinunod ay malaya ka nang umalis sa bahay na ito at gawin ang gusto mo. Ituring mo na rin na patay na ako." Mariing sabi nito dahilan para matigilan siya at lalong maglandas ang mga luha sa nanlalaking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD