Chapter 4

1240 Words
Nakatulala lamang siya sa isang malaking puting kahon na dumating kani-kanina lamang. Ni ayaw niya itong buksan dahil sa totoo lamang ay hindi naman siya excited na makita ang laman niyon. Bukas na ang kasal niya at pakiramdam niya ay para siyang bibitayin. "Alexa anak, hindi mo man lamang ba bubuksan ang kahong ipinadala ng mapapangasawa mo?" seryosong sabi ng nanay niya sa kan'ya. "Hindi na ho inay, wala naman pong magbabago kahit na ano pa ang itsura ng damit na iyan," walang ganang sagot niya rito. Marahan lamang itong tumango sa kan'ya pagkatapos ay mabilis na rin itong umalis habang siya ay malalim na napahugot ng hininga. Kinagabihan ay hindi siya kaagad nakatulog kaya tulog pa siya nang dumating na sina Faustino para sunduin siya. "Anak, hindi ka pa pala nakabihis? Nandiyan na sina Tino at magbibiyahe pa tayo," baling sa kan'ya ng inay niya. "Sandali lang ho inay." Walang ganang sagot niya at mabilis na pumasok sa may banyo. Sinadya niyang hindi maligo at mag-ayos, ni hindi nga siya naglagay ng kahit anong palamuti sa may mukha niya. Sinadya niya iyin para magbago ang isip ng lalaking pakasalan siya. Halos limang minuto lamang siyang nagbihis at tapos na siya. Sinuot lamang kasi niya ang isang cream white elegant dress na laman ng kahon kahapon kasama ng isang puting sandals na may takong. Mabilis na rin siyang sumakay sa may sasakyan at hindi na niya hinintay pa na pagbuksan siya ng pintuan ng mga lalaki. Habang nasa may sasakyan ay gusto niyang masuka. Hindi kasi siya sanay sa amoy ng kulob na sasakyan. Halos isang oras niyang pinipigilan ang sika niya nang bigla na siyang masuka sa loob at malagyan ang mamahaling damit niya. "Naku po, anak. Ayos ka lamang ba?" Alalang tanong ng inay niya at mabilis niyang pinunasan ang damit niya. Gusto niyang isigaw na hindi siya okay pero pinigilan niya ang sarili. "Julio, buksan mo ang bintana ng sasakyan," utos ni Faustino sa driver nakatabi nito. Nang malanghap ang simoy ng hangin ay bgila siyang nahimasmasan. Pero nang tignan niya ang damit ay marumi na ito at nababakas doon na nabasa ito. Ilang sandali pa ay huminto na rin ang sinasakyan nila sa isang gusali. "Binibining Alexa, limang minuto na lamang po at magsisimula na ang seremonya. Magpalit muna po kayo ng damit." At mabilis na iniabot nito sa kan'ya ang isang paperbag. Pero hindi niya ito pinansin aty dire-diretso na siyang bumaba. Wala na siyang pakialam kung anong sasabihin at iisipin ng lalaki sa kan'ya. Mas gugustuhin nga niya kung bigla na lamang magbabago ang isip nito at umurong sa kasal nila. Nang pumasok siya sa may gusali ay kasunod niya ang nanay niya. Pero bigla siyang napakunot noo dahil hindi iyon ang lugar na inaakala niyang daratnan niya. Ang iniisip kasi niya ay marami itong mga palamuti kagaya ng puting mga rosas at pulang mahabang aisle. "Isang simple at pribadong kasal lamang po ang gusto ni boss," bigla ay sabi ni Faustino na hindi niya namalayang sumulpot na sa may likuran niya. Nang tignan niya ang harapan ay tatlong lalaking nag-uusap usap lamang ang naroroon habang nakatalikod ang mga ito mula sa kanila. "Halina ho kayo at hinihintay na nila kayo." Mabilis naman siyang napatingin nang biglang pisilin ng nanay niya ang isang kamay niya at bigyan siya nito ng isang pilit na ngiti. "Patawarin mo ako anak, at salamat dahil pumayag ka." Matagal muna niya itong tinitigan bago gumanti ng pisil sa may palad nito na nakahawak sa may palad niya. "Oh, narito na pala ang bride mo," bigla ay anunsiyi ng isang lalaki nang mapansin siya nito. Mabilis naman na humarap ang isa pang lalaki at bigla ay parang gusto niyang kilabutan nang makita niya ang lalaki na napangiti nang makita siya. Maputi na mga buhok nito at kulubot na rin ang balit nito. Nakasuot ito ng isang puting polo habang nakatuck-in ito sa isang itim slacks. Parang gustong manginig ng mga tuhod niya dahil mas matanda pa ito sa tatay niya at papasa na ito bilang lolo niya. Halos tatlong hakbang na lamang at makakalapit na siya sa mga ito nang bigla siyang napahinto. "Sorry nay, pero hindi ko ho kaya." At mabilis na siyang napatalikod. Hahakbang na sana siya nang bigla siyang makarinig nang isang baritonong tinig. "Just stop right there." Mabilis naman siyang natigilan. Tila narinig na niya ang boses nito sa kung saan. Bago pa siya makalingon ay may isang malakas na kamay na ang humila sa kan'ya papunta sa may harapan at biglang nanlaki ang mga mata niya nang magkaharap sila ng lalaking may hawak sa isang braso niya. "I-Ikaw?" nanginginig ang boses na sabi niya rito. "Just start the ceremony judge. I have a lot of schedules. People are waiting for me," sa halip ay sagot nito sa matandang lalaking nakita niya kanina. Habang nagaganap ang pagkakasal sa kanila ay hindi siya makapaniwala. Ito ang lalaking nakasagutan niya sa may banyo nang gabi ng party. "And now, Governor Clyde Hudson, you may now kiss your bride Alexa Rose Miguel Hudson," bigla ay sabi ng judge dahilan para lalong manlaki ang mga mata niya. Governor? Kung ganoon, ito ang naririnig niyang sikat na gobernador ng bayan nila? Pero paanong nangyari iyon? Paanong nangyaring ang gwapong binata na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan ay asawa na niya ngayon? Isang mabilis na halik lamang sa may pisngi ang iginawad nito sa kan'ya. "Faustino will bring you to my home, and make sure to take a bath because you are stinking." At bago pa siya tuluyang makasagot ay mabilis na siya nitong nilampasan. Mabilis naman siyang napalingon nang makita niyang nagkasalubing ang nanay niya at ang lalaki. "Ikaw pala ang napangasawa ng anak ko, ako nga pala si Susana Miguel." At nakangiting inilahad nito ang kamay. Pero tumango lamang ang lalaki at mabilis na nilampasan ang nanay niya dahilan para magngitngit siya sa galit. Halos ilang minuto pa lamang silang ikinakasal pero mukhang pagsisisihan na niya ang ginawa niya. Ganito pala ang gobernador na hinahangaan ng maraming tao? "Mrs. Hudson, halina ho kayo at ihahatid ko na ho kayo." Sabi ni Fausatino sa kan'ya bago siya nito alalayan. "Teka lang at tatawagin ko lamang ang inay ko-" "Pasensiya na ho kayo pero hindi po siya pwedeng makatuntong sa bahay ni boss," bigla ay putol nito sa sasabihin niya. "Ha? Anong ibig mong sabihin? Hindi ba natin kasama si inay sa bahay? Dahil sa pagkakatanda ko ay binili na ng boss mo ang lupat at bahay namin. Wala nang mapupuntahan ang inay, hindi pwedeng-" "Si Gov na po ang bahala roon. Halina ho kayo." At mabilis na siya nitong hinawakan sa may isang siko. Hindi niya napaghandaan ang ganitong pangyayari. Ang buong akala kasi niya ay kasama niya ang nanay niya sa lilipatan niyang bahay. Hindi pa siya handang mawalay dito dahil alam niyang mahina ito. May sakit ito. Kailangan pa siya nito. "Nay." At mabilis niyang nahila ang braso at tumakbo papunta sa nanay niya. "Inay, ayoko ho kayong iwan." At mabilis na naglandas ang mga luha niya. Pero bahagya lamang ngumiti ang nanay niya at alam niyang pinipilit lang nitong maging matatag. "Okay lang ako anak, huwag kang mag-alala, kinuha ko ang numero ni Tino. Tatawag-tawagan kita kahit makitawag lamang ako. Huwag mo akong alalahanin anak, okay lang ako. Mahal na mahal kita." At mabilis siya nitong niyakap ng mahigpit kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD