Chapter 5

1738 Words
Halos lumipas pa ang isang oras bago huminto ang sasakyang kinalululanan niya. Nang silipin niya ang lugar ay isang tahimik na mahabang kalsada lamang ang nakikita niya at iilang naglalakihang mga bahay. Magkakalayo rin ang mga bahay at mukhang hindi rin ang mga ito ganoong magkakakilala. "Mrs. Hudson, halina ho kayo at ililibot vko kayo sa buong mansiyon," anunsiyo ni Faustino sa kan'ya nang ganap na makapasok ang sasakyan. Marahan lamang siyang napatingin sa paligid at hindi siya makapaniwala na kung gaano ito kalaki sa labas ay ganoon din ito sa labas at talagang napakaganda. Gobernador nga ba talaga ang nakatira rito o isang hari? Inalalayan pa siya ng lalaki nang pababa na siya sa may sasakyan. Nang bigla siyang mapahinto. Teka nga pala. mukhang nakalimutan niyang magdala ng mga gamit at damit niya. "Teka lang Tino, mukhang kailangan mo akong ibalik sa may dati naming bahay," alalang sabi niya rito. "Bakit po, Mrs. Hudson? May problema po ba?" takang tanong nito sa kan'ya. "Wala man lamang kasi akong naidala kahit na isang gamit man lamang. Paano ako malili-" "Huwag po kayong mag-alala, nakahanda na po ang lahat ng mga gamit na kakailanganin niyo," sagot nito habang pormal ang mukha nito. Bahagya lamang siyang tumango at hindi na muling nagsalita. Nang ganap na makapasok ay gustong malaglag ng mga panga niya. Punong-puno ng mga mamahaling gamit ang buong kabahayan. Maraming mga babasaging gamit. At napakaputi ng buong paligid. Makintab din ang mga tiles na tinatapakan niya kaya bahagya siyang nahiyang itapak ang paa niya roon. "Pasensiya ka na kung naipasok ko ang sapatos ko." At akmang tatanggalin niya ito nang mabilis siya nitong pigilan. "Naku, hindi niyo na ho kailangan pang tanggalin iyan," pigil nito sa kan'ya. "Ito na po ang magiging bahay niyo kaya malaya kayong gawin ang lahat ng gusto niyo," dagdag pa nito. "Leni at Lorna, pumarito muna kayo sandali," bigla ay tawag nito sa kung saan. Mabilis naman na lumapit ang dalawang babae sa kanila na nakasuot ng uniporme ng pangkatulong. "Bakit, Faustino? Darating na ba ang magiging asawa ni gov? Naku! Sigurado akong napakaganda-" "Siya si Mrs. Alexa Hudson, ang asawa ni Sir Clyde," putol ni Faustino sa sinasabi ng isang maliit na babae. Bigla naman nanlaki ang mga mata nito at mabilis na natakpan ang bibig. "Naku, ma'am, pasensiya na po kayo. Welcome po kayo rito sa mansiyon. Pasensiya na po at hindi ko po kayo nakilala," kinakabahang paliwanag nito. Mabilis naman siyang ngumiti rito. Hindi naman siya nainis sa sinasabi nito dahil maging siya ay hindi pa rin naman makapaniwala na ang isang hamak na katulad lamang niya ang pipiliing pakasalanan ng Gobernador. "Huwag kang humingi ng pasensiya. Naiintindihan ko po." Ngiting sagot niya rito. "Salamat po, ma'am and congratulations po sa kasal niyo ni sir," masayang sabi pa nito. "Opo ma'am, congratulations po," sabi naman ng isa pang babae na mukhang mas matanda dito ng ilang taon. "Mrs. Hudson, halina ho kayo at ililibot ko na kayo rito sa bahay." At iginaya na siya nito. Halos malula siya nang malamang sampo ang kwarto sa bahay na iyon habang tatlo ang sala at apat ang kusina at napakalaki ng lalagyan ng mga sasakyan nila. Meron din maraming puno at halaman sa may likurang bahagi ng bahay pero hindi na iyon ipinakita ni Faustino sa kan'ya dahil tanging si Gov lamang daw ang pwedeng makapunta roon. "Ito po ang damit niyo, Mrs. Hudson, maligo na muna po kayo." Sabay abot sa kan'ya nito ng isang paper bag. Hindi na niya iyon pinagkaabalahang butingtingin sa may harapan nito at nagpasalamat na lamang. Bago ito umalis ay itinuro muna sa kan'ya nito ang isang guest room at doon na muna raw siya maliligo. Nang pumasok siya sa kwarto ay kaagad na nalula ang mga mata niya. Sobrang luwang kasi niyon at may malaki itong kama at malaking television, meron din itong malaking sofa. Nang buksan niya ang banyo ay mas lalo siyang nalula dahil sa ganda nito, meron din doon bathtub na napakalaki. Alam niya ang tawag sa mga ito dahil hindi naman siya ganoong ignorante dahil kahit papaano ay nakapagtapos naman siya ng highschool. Minabuti niyang maligo na ng mabilisan dahil baka biglang dumating si Gov at magalit ito kapag pinaghintay niya. Maging ang mga pampaligong ginamit niya ay sumisigaw ng karangyaan dahil talaga namang sobrang bango ng mga ito. Idagdag pa na hindi naman siya pamilyar sa mga pangalan ng mga iyon. Nang matapos ay mabilis niyang kinuha ang paper bag na binigay sa kan'ya ni Faustino kanina at tinignan. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang isa itong baby blue challis dress na hangggang tuhod lamang. Wala ito ni anumang burda, plain lamang ang damit na iyon at talagang preskong-presko at masarap sa mata. Nang tignan niya ang sarili sa may salamin sa loob ng banyo ay bahagya siyang napangiti dahil sa tingin niya ay gumanda siya ng isang porseyento. Nagsuklay lamang siya at naglagay ng kaunting pulbo bago tuluyang lumabas. Nang makarating sa may sala ay nakita niyang mukhang naghihintay na sa kan'ya si Faustino dahil prente lamang itong nakaupo. Nang makita siya nito ay mabilis itong napatayo pero hindi nakaligtas sa kan'ya ang bahagyang pagkislap ng mga mata nito. "Nakahanda na po ang makakain niyo. Halina po kayo sa may kusina." At mabilis na itong naglakad na sinundan na lamang niya. Nang makita niya ang mga pagkaing nakahapag sa may lamesa ay parang gusto niyang malula. Sobrang dami kasi niyon at parang may fiesta. "Halika at kumain na tayo," alok niya rito. "Salamat po, Mrs. Hudson pero kumain na po kayo. Tawagin niyo na lamang po ako kapag tapos na kayo." At mabilis na rin itong umalis at naiwanan na siyang mag-isa. Ganito ba talaga maging isang mayaman? Napakarami ngang pagkain sa harapan mo pero ni isa ay wala ka naman kasalong kumain. Bigla tuloy siyang natigilan at hindi maiwasang mag-alala para sa nanay niya. Ito kaya? Nakakain na kaya ito? Saan kaya ito uuwi ngayon? Parang bigla tuloy siyang nawalan ng ganang kumain dahil sa naisip. Habang siya ay nasa maayos na lugar at hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa nanay niya. Makalipas ang kalahating oras ay bumalik na si Faustino. Tinignan lamang nito ang plato niya pero hindi ito nagkomento. "Mrs. Hudson, padating na po si Gov dito sa bahay, maghintay na lamang daw po kayo sa may opisina niya rito. Sumunod po kayo." At nagpatiuna na ito sa paglalakad. Sumunod naman siya rito. At ilang sandali lamang ay nakarating na sila sa may opisina nito rito sa bahay. Moderno rin ang ayos nito at mukhang ang sarap-sarp tumambay doon. "Maiwanan ko na muna po kayo rito. Tawagin niyo na lamang po ako kapag may kailangan kayo." At mabilis na rin itong lumabas. Nang makaalis ito ay marahan siyang tumayo at nagtingin-tingin lamang sa buong paligid. Nang tignan niya ang relong nakasabit sa may dingding ay alas dos na pala ng tanghali. Marahan naman siyang umupo nang tila makaramdam siya ng antok. Ilang sandali pa ay hindi na niya napigilang mapaidlip dahil na rin siguro sa haba ng byahe kanina at sa dami ng nangyari sa kan'ya ngayong araw. Dahil sa isang tikhim ay nagising ang diwa niya. Bahagya siyang nagmulat ng tingin at mabilis na napabalikwas nang tayo nang makita niyang seryosong nakatingin sa may harapan niya si Gov. "Kayo po pala, pasensiya na ho kayo at mukhang nakatulog po ako," nahihiyang sabi niya rito. "It seems that you are feeling at home here, aren't you?" seryosong tanong nito sa kan'ya. Bahagya naman siyang napayuko dahil sa sinabi nito. "You may take a seat." At mabilis na itong umupo sa may upuan nitong umiikot. Bahagya naman siyang tumango at umupo sa may bakanteng upuan sa may harapan ng lamesa nito. Nang bahagya niyang silipin ang orasan ay mag-aalas singko na pala ng hapon. Mukhang masarap talaga ang pagkakatulog niya. Nang magkaharap naman silang dalawa ay tumitig lamang ito sa kan'ya pero hindi ito nagsalita. Bahagya naman siyang nakaramdam ng pagkaasiwa kaya nag-iwas siya ng tingin. "Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa, in this house. I want you to know that my words are precious. And wala tayong magiging problema kung lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo," seryosong sabi nito sa kan'ya. Pero hindi roon nakatuon ang atensiyon niya kung hindi sa ibang bagay. "Pwede ko bang malaman kung bakit mo binili ang lupa ng tatay ko?" seryosong tanong niya rito. "Is it still important?" Taas ang isang kilay na tanong nito sa kan'ya. "Kung sa iyo ay hindi iyon mahalaga, para sa akin ay oo. Iyon na lamang ang kaisa-isang alaala ng tatay ko sa amin. At pumayag ka pang magpakasal sa akin. Bakit mo ito ginagawa?" seryoso pa rin na tanong niya rito. "I don't think I am required to answer your nonsense questions. In this house, all you have to do is to follow me and not to question my decisions. Now, I want you to sign this." Sabay abot sa kan'ya ng isang papel. Mabilis naman napakunot ang noo niya habang kinukuha ito. Nang basahin niya ito ay isa itong testamento. "Nakalagay diyan na kahit mag-asawa na tayo ay wala kang karapatan ni isang kusing sa pera at anumang pag-aari ko," seryosong sabi nito sa kanya. Mabilis naman siyang napamaang dahil sa sinabi nito at hindi nakapagsalita. "Why? Is there any problem? I assume, wala ka namang interest sa mga kayamanan ko hindi ba?" Taas pa rin ang isang kilay na tanong nito. Mariin naman niyang naikuyom ang nakatago niyang kamao sa may ilalim ng lamesa. "Or else, mali ang akala ko? Are you after my money?" Akmang magsasalita na siya nang muli itong magsalita. "Kung sa bagay, why would you agree to marry me kung hindi dahil sa pera ko? But I am sorry to dismay you, you will not live here as a queen—" Pero bago pa nito mabilis na matapos ang sasabihin ay mabilis niyang hinablot ang papel at kinuha ang ballpen at mabilis itong pinirmahan pagkatapos ay mabilis na tumayo. "Hindi mo ako kilala. Maaaring mahirap lang ako, pero hindi ko hahabulin ang pera mo." At mabilis na siyang tumalikod patayo at naglakad papunta sa may pintuan. Pero bago pa niya maabot ang doorknob ay may matigas na kamay ang humila sa isang braso niya at mabilis siya nitong hinawakan sa may bewang. "Not so fast, wife." Habang nakatitig ito sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD