"Alexa, tapos ka na ba sa mga pinagawa ni boss sa iyo?" tanong ni Faustino sa kan'ya. "Ah oo eto at natapos ko na kagabi." "Sige at ihahatid ko na sa opisina niya." At akmang tatalikod na ito nang bigla niya itong hawakan sa may isang braso. "Pwede ba akong sumama?" pakiusap niya rito. "Ha? Huwag na, sandali lang naman ako at uuwi rin," tanggi nito sa kan'ya. "Sige na naman Faustino, hindi naman ako bababa ng sasakyan. Maghihintay lang ako sa labas pangako. Gusto ko lang naman makakita ng ibang tao sa labas," seryosong sabi niya rito. Saglit lamang siya nitong tinitigan pagkatapos ay marahan na rin na tumango. "Sige, pero huwag mo na itong sasabihin kay sir." "Oo naman!" masayang sabi niya. Mabilis na rin silang umalis habang kumakaway pa sa kan'ya sina Leni at Lorna. Masayang-masa

