Habang naglalakad siya sa may hallway para bumalik sa may kwarto niya para maglinis ay napapalingon-lingon siya sa paligid. Teka nga Alexa, hinahanap mo ba ang dalawa? Tanong ng kabilang isip niya. Pero mabilis naman siyang napapilig. Bakit ko naman ang mga iyon hahanapin? Sagot ng kabilang isip niya at binilisan na lamang ang paglalakad patungo sa may kwarto niya. Dahil wala naman kalat at dumi sa loob ay naging mabilis lang ang pagwawalis niya. Naisipan na lamang niyang silipin ang mga damit na nasa may tokador at medyo napangiwi siya dahil hindi naman iyon ang mga tipo niya ng damit. May mga manggas kasi at medyo mahahabang shorts and gusto niya pero puro mga sleeveless ang naroroon at maiikli pa ang mga ternong shorts nito. Nang matapos tignan ang tokador ay mabilis niyang binuksan

