Dama niyang para itong itinuid sa kinatatayuan nito kaya mabilis na rin siyang tumigil at marahang humiwalay rito pagkatapos ay mabilis na nagtuluan ang mga luha sa mga mata niya. "Pasensiya ka na. Oo nga pala, nakalimutan kong hindi nga pala ako si Ysabel. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi na ako magtatangkang halikan ka kahit kailan." At mabilis na niyang isinara ang pintuan niya at doon napasandal habang walang patid ang luha sa mga mata niya. Kailangan na niyang tanggapin na kahit kailangan ay hindi talaga siya nito magugustuhan. Kinabukasan ay medyo masakit pa ang ulo niya dahil halos ilang oras din siyang umiiyak. Naninibago rin siya kina Lorna at Leni dahil tahimik lang ang mga itong nakamasid sa kan'ya at tila ayaw nilang magsalita. Alam kasi niyang halatang-halata ang pama

