Kung kahapon ay parang excited na excited siya ay kabaligtaran naman ito ngayon dahil pakiramdam niya ay wala siyang gana. Parang napipilitan laamng si Clyde na ipasyal siya dahil sa loob ng ilang oras nilang pamamasyal ay wala naman itong kibo at panay lamang ito nakasimangot. Ni hindi nga ito magsasalita kung hindi lamang imortante ang sasabihin nito. Kaya pakiramdam niya ay hindi rin ito masaya sa ginagawa nila kaya nagpasya na siyang umuwi na lamang. "Umuwi na tayo," seryosong sabi niya rito habang nangmamaneho ito. "Why?" At talagang nagtanong ka pa. Sagot ng isip niya pero minabuti niyang huwag na laamng iyong isatinig dito dahil baka mag-away pa sila nito. "Pagod na kasi ako at gusto ko na lamang magpahinga," pagkakaila niya rito. "Okay," maikling sagot nito. Nang makarating

