HUMINTO sa harapan niya ang kulay itim na van ni Evan. Siya ang pinakahuling dinaanan ng mga ito dahil pumasok pa siya sa trabaho. Tinapos niya lahat ng gagawin at naging abala siya kanina dahil wala si Blake. Kahapon pa si Blake wala sa opisina nito dahil sinundo nito ang mga magulang na umuwi galing Amerika. Ngayon na ang ika-65th birthday ng daddy ni Blake at papunta na sila roon. Gabi ang selebrasyon at mag-aalas sais pa lang ang oras sa kaniyang relo. Sabi ni Blake mga isa at kalahating oras lang ang biyahe kapag private na sasakyan ang gagamitin. Bumaba si Evan na nasa front seat nakaupo. Tinted ang sasakyan kaya hindi niya makita kung sino ang driver, pero malamang si Vince o si Dylan. Bumukas ang pinto ng van at bumaba si Dylan. Si Evan na ang naglagay ng kaniyang gamit sa likod

