MAGTATANGHALI na subalit wala pa si Blake sa opisina nito. Tumawag si Blake kanina at ipinaalam sa kaniya na may biglaan itong lakad. Hindi niya alam kung ano at saan dahil hindi naman siya nag-usisa. Ilang sandali pa ay may tumulak ng pinto at bumukas iyon. Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan nang bumungad ang kanina niya pa hinihintay. Nagsalubong ang kanilang mga mata at agad siyang natulala nang masilayan niya sa malapitan ang mukha nito. Kagaya niya ay bagong gupit rin si Blake at mas lalong napaka-neat nitong tingnan ngayon. Guwapong-guwapo siya ngayon kay Blake, lalo na't nakasuot ito ngayon ng black suit with red necktie na tumerno pa sa suot niya ngayon. Subalit sa bagong look ni Blake ay may bigla siyang naalala. Habang titig na titig siya sa mukha ni Blake ay naalala niya si

