KANINA pa sila tapos kumain ngunit tila wala silang balak tumayo upang lisanin ang hapag-kainan. Nag-eenjoy silang magkwentuhan habang kumakain ng hinog na mangga na dala ng maybahay ng katiwala nila Blake sa farm. Nagpapasalamat na rin siya kahit papaano dahil tungkol sa mangosteen at santol ang kanilang pinag-uusapan. Lahat sila ay nakikisali sa usapan maliban lang kay Lea na tahimik lang itong nakaupo habang sarap na sarap kumain ng mangga. Himala na nakalimot itong mang-asar. Maya-maya pa ay tumayo si Lea at tinungo ang lababo. Naghugas ito ng kamay at pangiti-ngiti itong bumalik sa upuan. "Blake, may screwdriver and nutdriver ka ba?" tanong ni Lea. Nakita niyang kumunot ang noo ni Blake sa itinanong ni Lea. Maging sila ay ganoon din ang reaksiyon. "Bakit ka naman naghahanap ng s

