BANDANG alas dies ng umaga natanaw nilang dumating ang mga magulang ni Blake. Lulan ng itim na magarang sasakyan na huminto sa tapat ng malaking pinto na pangunahing pasukan ng malaking mansion. Inantay muna nilang ganap na makapasok ang mommy at daddy ni Blake sa loob bago sila tumayo mula sa pagkakaupo doon sa ugat ng mangga. "Kinakabahan ako..." nasabi niya sa harapan ng mga kaibigan. Halatang-halata sa tono ng boses niya na hindi siya mapakali. "Diosmiyo naman! Ipapakilala ka lang Trix, hindi ka naman bibitayin." madaldal na wika ni Lea. Oo nga, hindi naman siya bibitayin ngunit kinakabahan parin siya sa magiging reaksiyon ng mga magulang ni Blake kapag magkita sila. Nandoon 'yung takot niya na baka hindi siya magugustuhan. Na baka isipin ng mga ito na pera lang ang habol niya sa

