CHAPTER 18

1606 Words

MAHIGIT tatlong oras nang magkahiwalay ang mga labi at katawan nilang dalawa ngunit tila ramdam niya parin ang init ng labi ni Blake na nakalapat sa kanyang labi. Pati na ang mga ngipin nitong kumakagat sa pang-ibabang labi niya na nagpapawala sa kanyang katinuan. Napakabait ni Blake sa kanya simula pa kahapon. Kung ganitong Blake lang ang palagi niyang makakaharap ay hindi siya magdadalawang isip na isama ito sa pangarap niyang kinabukasan. Kung sakaling totoo ang sinabi ni Blake sa kanya na mahal siya nito, handa rin naman siyang suklian iyon. Mag-iinarte pa ba siya gayong hindi naman siya lugi kay Blake. Ang kagaya nito 'yung tipo ng lalaki na pinapangarap ng maraming kababaihan. Kaya hindi pwedeng sasayangin niya lang dahil para lang siyang nagtapon ng isang kawaling adobo sa kanal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD