NAKADUNGAW siya sa terasa habang hawak-hawak ang tasa na may lamang kape. Alas tres pa lang ng hapon ay nakauwi na siya sa kanyang inuupahang apartment. Inihatid siya ni Blake dahil nagpupumilit na siyang umuwi. Hindi kasi siya makapaghinga ng maayos sa loob ng office bedroom ni Blake dahil naiilang siya at iniisip niya rin ang kanyang tambak na labahan. Ilang araw na lang lilipat na siya sa condo ni Blake at ayaw niya naman mangyaring mga labahan ang ililipat niya roon. Nag-suggest rin si Blake na para hindi siya mahihirapan at mapagod maglipat ng kanyang mga gamit ay mas mabuting simulan niya na bukas kahit paunti-unti. Sa tingin niya parang maganda nga ang suhestiyon ni Blake dahil kung sa kabilang highway siya dadaan at sasadyain niya, madadaanan niya ang condo unit nito bago pumasok

