KINABUKASAN... NAGISING siya sa ingay ng traysikel at mga tao sa labas. Nang makita niya ang oras sa kanyang alarm clock ay nataranta siya na animo'y may bombang sasabog anumang oras dahil pasado alas otso na ng umaga. Hindi man lang siya nagising sa tunog ng kanyang alarm clock kaninang alas kwatro. Late na siya kaya nawalan na siya ng ganang pumasok. Parang gusto na lang niya itext si Blake na hindi siya makakapasok ngayong araw. Pero paano niya naman ito matetext dahil nakapatay parin ang kanyang cellphone at wala talaga siyang balak buksan iyon dahil naipangako na niya sa sariling after two weeks niya iyon bubuksan. Kaya hangga't wala pang dalawang linggo mananatili iyong nakapatay. Sa huli na pagpasyahan niya ring pumasok na lang. Mag-iisip na lang siya ng kanyang sasabihing dahila

