TINANGGAL niya ang kanyang seatbelt nang huminto ang sasakyan sa tapat ng main entrance door ng building. "Sir, salamat sa paghatid. Ingat ka." malumanay niyang sabi. "You too, ingat ka mamaya sa pag-uwi." tugon naman ni Blake sa kanya. Lumabas siya ng sasakyan at isinara niya ang pinto ng marahan. Bago pumasok sa loob ay nilingon niya pa si Blake na noo'y kausap na ang guwardiyang nakadestino sa security booth na nasa gate. "Good afternoon." Magalang siyang bumati sa guwardiyang nakatayo sa main entrance door. Dire-diretso siyang naglakad ng tuwid papunta sa elevator. May makakasabay siyang babae sa elevator kaya't ngumiti siya nang makaharap ito. Nahihiya siyang makipag-usap dahil baka hindi naman siya nito papansinin. "Hi, Ms. Trixie!" Pinansin siya ng babaeng nasa kanyang likuran

