TAHIMIK silang nagsimulang kumain. Panay ang subo niya subalit hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi at tinanong ni Lea. May kutob na talaga siya na may alam na ang kanyang mga kaibigan tungkol sa nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Blake. Hindi lang ang mga ito nagpapahalata. "Pero sino naman ang nagsabi sa kanila? Si Blake kaya? Napakaimposible naman yata na mangyari iyon. Sa dinami-dami ng pandidiring salita na binitawan ni Blake tungkol sa'kin at makailang ulit nitong sinabi sa kanila at sa harapan ko mismo na hindi ang kagaya ko ang babaeng magugustuhan niya. Kung ginawa niya 'yun para lang siyang sumuka at nilunok niya ulit 'yun." "Is there something bothering you?" tanong sa kanya ni Blake. Napatingin na naman ang tatlo sa kanya. "Wala naman." tugon niya. Iwinaglit niya ang

