NAKAUPO siya sa upuan kaharap ang kanyang office table. Mahigit bente minutos na ang nakalipas mula nang halikan siya Blake, subalit lasap niya parin ang tamis ng malalambot at mamula-mulang labi nito. Pakiramdam niya nakadikit parin iyon hanggang ngayon. Kagat-labi siyang napailing. Binuklat niya ang folder na naglalaman ng kanyang kontrata at pinirmahan niya iyon. Makailang beses niyang nahuli si Blake na nakatitig sa kanya at ganoon din ito sa kanya. Mistula silang naglalaro ng bulagaan, subalit pilit pinagtatagpo ang kanilang mga mata. “S-SIR?” Napahinto si Blake sa ginagawa at tinakpan nito ang ballpen na hawak bago binitawan. Kasalukuyan itong may mga pinipirmahang mga dokumento nang lapitan niya para ibigay ang kontratang kakatapos niya lang pirmahan. Bumaling si Blake sa gaw

