MAAGA siyang gumising para sa unang araw ng kanyang trabaho sa kompanya ni Blake. Nakaupo siya nga ngayon sa terasa ng kanyang apartment at humihigop ng mainit na kape.
Hindi siya nakatulog ng maayos buong gabi. Iniisip niya ang magiging kahihinatnan ng pagkikita nilang muli ni Blake matapos ang nangyari sa Isla Monteverde. Habang maaga pa, binabalak na niyang umatras. Pero ang malaking katanungan sa kanyang isipan ay ang kung mayroon ba siyang ibang magagawa.
Kung makakahanap ba siya kaagad ng panibagong trabaho sa loob lang ng isang linggo kapag sakaling umatras siya. Paano kung hindi? Paano kung mamalasin siya? Kakasya ba ang ipon niya gayong kailangan niya pang magpadala sa kanyang ina para sa kasal ng kanyang kapatid.
“Ito ba ‘yung tinatawag na ‘no choice’?” iyan na lang ang nasabi niya. Nasa punto siya ngayon ng kanyang buhay na may kailangan siyang suungin at tanggapin.
“Ate! Ate!” tawag sa kanya ni Claire. Ang dalagitang mag-isang umuupa sa kabilang unit.
“Claire! Kumusta ka?”
“Ayos lang, ate. Nakauwi ka na pala.” ani ni Claire habang nagsusuklay ng basang buhok nito. Nakabihis na ito ng kanyang uniporme.
Tumango siya. “Kahapon lang.”
“Ate, mauna na po ako sa’yo.” maya-maya’y paalam ni Claire.
“Sige, Claire. Ingat ka.” Mula sa kanyang kinaroroonan tanaw niya si Claire sa baba. Kumakaway pa ito sa kanya habang nag-aabang ng masasakayang traysikel papunta sa fast food chain kung saan ito nagpapart-time job.
Bitbit ang kanyang tasa na pinakapehan, pumanhik na siya sa loob ng kanyang unit.
KUMAKABOG ang kanyang dibdib habang papasok sa entrance ng kompanya ni Blake. Late na siya ng mahigit sampung minuto dahil natagalan siyang maligo sanhi ng mahinang buhos ng tubig sa gripo ng kanyang banyo. Dumagdag pa ang tumirik na bus na humambalang sa daan na nagdulot ng matinding trapik.
“Good morning, ma’am!” bati ng guard. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Marahil nanibago ito dahil slacks ang suot niya ngayon at hindi skirt.
“G-Good m-morning.” nahihiyang bati niya.
Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng nakayuko. Binilisan niya ang paglakad patungo sa elevator nang makitang nagtinginan at nagbubulongan ang mga empleyadong naroon habang hindi maalis ang tingin sa kanya.
“OMG! Siya ba ang papalit kay Veronica? Ang kapal naman ng mukha niya, noh! Pagkatapos ng ginawa niyang eksena rito may mukha pa siyang ihaharap kay Sir Blake.” anang babaeng sa kapal ng pulang lipstick, tila ngumuya ito ng buto ng atsuete.
Alam niyang sinadya iyong iparinig sa kanya subalit hindi niya pinansin.
Ilang hakbang na lang ay mararating na niya ang elevator.
“Aray!” daing niya nang may malakas na kamay ang humawak sa kanyang braso. Muntik pa siyang mawalan ng balanse at mapamura sa pagkabigla.
“Blake…” mahinang sambit niya nang makita kung sino ang humawak sa kanyang braso. Naglalakad siyang walang lingon kaya’t hindi niya namalayan na nakasunod ito sa kanya.
“Alam mo na ba kung anong floor ang opisina mo dito?” tanong ni Blake sa kanya.
“Ah… Ehh…”
Natawa ito ng mahina. “Ask, so you don’t get lost.”
Natikom niya ang kanyang bibig subalit matapang niyang sinalubong ang mga titig ni Blake.
“AY!” Napasigaw siya nang hilain siya nito pabalik sa mga empleyadong kanyang nilagpasan. Anumang pilit na pagpupumiglas ang gawin niya ay walang silbi. Napakahigpit ng pagkakahawak ni Blake sa kanyang braso.
Nang makaharap na niya ang babaeng nagparinig, saka palang siya binitawan nito. Sa tingin niya namumula na ang kanyang braso. Hindi niya lang makita dahil abot hanggang pulsuhan ang sout niyang blazer na ipinatong niya sa puting sleeveless.
“Apologize to her!” madiin na utos ni Blake sa babaeng nagparinig sa kanya.
“I’m sorry!” hingi nito ng paumahin ngunit sa pabalang na tono.
“Sa susunod tatanggalin ko na ang mga tsismosang nagtatrabaho sa kompanyang ito!” maawtoridad nitong sabi. Pagkuwa’y bumaling muli ito ng tingin sa kanya. “Follow me, Ms. Santibañez.”
Nanatili siyang na nakatayo. Tiningnan niya lang si Blake na naglalakad patungo sa elevator.
Biglang may kumalabit sa kanyang balikat.
“Ms. Trixie, sumunod ka na kay Sir Blake. Mainit pa naman ang ulo.” matinis na boses ng isang babae.
“Sorry! Excuse me!” Natataranta siyang lumakad at humabol kay Blake.
NAKAYUKO siyang pumasok sa loob ng elevator. Nakikita niya sa gilid ng kanyang mata na nakatingin si Blake sa kanya.
Pagkasara ng elevator dahan-dahan siyang umurong para lumayo ang agwat nilang dalawa.
“How are you, Trix?” basag ni Blake sa katahimikan.
“I’m fine.” walang gana niyang sagot. Nakatutok ang kanyang buong atensiyon sa red dot matrix display ng elevator.
“Ako? Hindi mo man lang ba tatanungin kung kumusta na ako?” malumanay nitong boses.
Hinarap niya ito ng buong tapang.
“What for, Blake? I just want to clarify this to you, I agreed to work here because I need it for my family. ‘Yan lang ang tanging dahilan, wala ng iba. Trabaho lang, walang personalan.” matapang niyang pahayag.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
“I want you to know, wala akong balak tumakas at pananagutan ko ang ginawa ko sa’yo.” Malamlam ang mga mata nitong nagsasalita.
Ngumiti siya ng mapait at tinanggal niya ang kamay ni Blake sa kanyang balikat.
“Saka mo na sabihin ‘yan kapag nakita mo na akong mukhang nakalunok ng buong pakwan!”
Isinandal siya ni Blake at pinisil nito ang kanyang baba. Nahintakutan siya nang makitang umigting ang panga nito.
“I’m trying to be kind to you... So stop being rude, Trix!”
Tumunog ang elevator. At nang magbukas iyon, naunang humakbang si Blake palabas. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na parang tuta.
MALAMIG at napakabangong samyo ng hangin na nanggagaling sa aircon ang sumalubong sa kanila nang sabay na itulak ni Blake ang double door type na pinto ng opisina nito. Hindi niya mapigilan ang mapamangha nang masilayan niya sa unang pagkataon ang opisina nito. Napakaluwag at maaliwalas ang kabuuan.
Nakatawag ng kanyang pansin ang nakasulat sa name plate ni Blake na nasa ibabaw ng office desk nito katabi ang marble pen holder.
“NATHANIEL BLAKE Z. MILLER? Two words pala ang pangalan ng kumag na ‘to!”
“Have a seat.” alok nito.
Inilapag niya ang kanyang hand bag sa bakanteng upuan na naroon. Si Blake naman ay umupo sa swivel chair nito.
“Here’s your contract! Read that on your desk and let me know if you’re done signing it!” Iginiya siya ni Blake sa kanyang desk na nasa loob rin ng opisina nito.
Habang binabasa niya ang kanyang kontrata hindi niya mapigilan ang sarili na sulyapan ito paminsan-minsan. Lihim siyang napangiti nang maalala na kahawig ni Blake ang turkish actor na si Aytaç Sasmaz na bida sa isang romance-comedy series na Baht Oyunu.
“Sh*t! Brent, Blake and Aytaç para kayong triplets na pinaghiwalay.”
“Okay ka lang, Ms. Santibañez?” boses ni Blake na nagpanumbalik sa kanyang lumilipad na isipan.
“Ahmm… Okay lang ako, s-sir!” maagap niyang sagot at binaling niyang muli ang tingin sa binabasang kontrata.
NAPAANGAT siya ng mukha nang matapos niyang basahin ang kanyang kontrata. Kung ngayong araw niya lang nakilala si Blake, wala na siyang masasabi pa sa kontrata. Pero dahil may nangyari na sa kanilang dalawa at ayaw na niyang mangyari ulit iyon. May isang nakalagay sa kontrata na nais niyang linawin.
“Sir?” mahinang tawag niya.
Tumingin naman ito.sa kanya. “Come here.”
Tumayo siya at naglakad papalapit kay Blake bitbit ang kanyang kontrata.
“Is there something wrong with the contract?” tanong ni Blake habang nakatitig sa kanya.
Inilapag niya sa harapan nito ang folder na hawak. “Am so grateful that I will be moving to a place, closer to your company. Pero bakit naman sa condo mo? Can you make it clear to me?”
“Ano ba ang gusto mong marinig, Ms. Santibañez?”
“Kung magsasama ba tayong dalawa doon sa condo mo!” naiiritang sambit niya.
Tumawa ng malakas si Blake.
“Sigurista!” pabulong na sambit ni Blake.
“What did you say?”
“Nothing! Anyway, hindi na ako umuuwi sa condo unit ko. Kaya ikaw na lang muna ang tumira doon para hindi ka na mahirapan dahil malapit lang 'yun dito.”
“Tapos ano? Ano’ng binabalak mong gawin? Papasukin mo ako doon habang tulog? Gagapangin gano’n?”
Nakita niyang biglang tumayo si Blake.
Lumapit ito sa kanya at ngayo’y ramdam niya ito sa kanyang likuran. Nanindig ang balahibo niya nang maramdaman ang palad nitong minamasahe ang kanyang batok.
“’Yan ba ang nasa isip mo? Kung may binabalak man ako na gawin sa’yo, hindi ko na aantayin pang makalipat ka sa condo ko.”
“What did you mean?”
“Nakikita mo ba ang pinto na ‘yan?” Itinuro nito ang nakasarang pinto na inakala niyang cr. “Ngayon mismo kayang-kaya kitang kaladkarin papasok sa loob ng kwartong ‘yan. Kung gugustuhin kong pagsawaan ang katawan mo, magagawa ko ‘yan nang wala kang kalaban-laban.”
Nanginig ang kanyang katawan sa sinabi nito at sa nalaman na may kwarto sa loob ng opisina nito.
“Ano ba ‘tong pinasok ko? Sir Dylan, akala ko ba hindi ako dito mapapahamak?”
Pumunta si Blake sa kanyang harapan. Lumuhod pa ito para magpantay ang kanilang mukha at hiwakan ang kanyang dalawang kamay.
“Why are you trembling? Calm down, Trix. I’m not gonna do that because... I love you! And I miss you so much…”
Tila may kumurot sa kanyang puso nang marinig iyon mula kay Blake.
Walang kibo silang nagkatitigan nang matagal. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Blake sa kanyang noo pababa sa kanyang ilong. Para siyang nahipnotismo sa ginagawa nito na hindi niya magawang tumutol.
Napaungol siya ng sakupin ni Blake ang kanyang mga labi. Ramdam niya ang pagkasabik ni Blake sa bawat pagsipsip nito ng kanyang pang-ibabang labi. Hindi niya namalayan na sinasabayan na rin niya ang bawat paggalaw ng labi nito.
“Blake…” habol-hininga na sambit niya.
Tumayo si Blake buhat sa pagkakaluhod nito. Niyakap siya ng mahigpit habang hinahaplos nito ang kanyang buhok.
“Sign the contract and be my Personal Assistant starting today.” wika ni Blake nang maghiwalay ang kanilang katawan.