PAREHO silang abala ni Blake sa kanya-kanyang laptop kaya't nabalot ng katahimikan ang kabuuan ng opisina ni Blake. "Nagtext si Lea, night out naman daw tayo sa saturday." basag ni Blake sa katahimikan. Marahil gustong bumawi ni Lea dahil sa dami ng bisita nito kahapon sa reception ng binyag ng anak nito ay nawalan na ito ng oras makipagbonding sa kanila. Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga lang sila at sabay-sabay nilang magkakaibigan na nilisan ang reception area pagpatak ng alas dos. Hindi sila uminom kahapon dahil iniisip nilang magkakaibigan ang trabaho kinabukasan. "Saan daw?" tanong niya. "Wala pang sinabi eh." sagot nito. "Kaso sa next weekend birthday ng daddy ko." "Nitong weekend?" paglilinaw niya. Umiling si Blake. "Sa susunod pa. Sa farm ng grandparents ko gaganapin.

