CHAPTER 9

1601 Words
KASALUKUYAN siyang nakaupo sa sofa na malapit sa bintana. Matiyaga siyang nag-aabang kay Brent dahil napag-usapan nilang dalawa kahapon na dadaanan siya nito at sabay silang kakain ng tanghalian doon sa floating cottage. Ilang sandali ang nakalipas ay nakita niya na itong naglalakad patungo sa kanyang kinaroonan kaya’t sinalubong niya ito. “Hi, Trix!” masiglang bati ni Brent sa kanya. “Antagal mo, Brent. Ang haba na ng leeg ko kakaabang sa’yo.” pabirong sambit niya. “Sorry naman. Sinigurado ko pa kasing maayos na lahat doon sa floating cottage na pinareserve ko.” natatawang hinging paumanhin nito at nagpaliwanag pa. “I’m just kidding! Mga 5 mins. lang naman ako nag-antay.” Humawak siya sa braso ni Brent at inaya na itong maglakad patungo sa floating cottage. “Ang saya-saya mo talagang kasama, you always spread positive vibes. Alam mo, buong buhay ko ikaw lang ang nakasama kong bawat sigundo tumatawa ako.” masayang wika ni Brent. "Mauumay ka rin sa katagalan, Brent. Ay, hindi naman pala tayo magsasama ng matagal. I forgot, babalik ka na pala ng Maynila bukas." "Kung puwede lang sana mag-extend pa ako rito ng isang linggo, gagawin ko. But sad to say hindi na talaga puwede." malungkot na saad ni Brent. "It's okay Brent, I can handle myself here. Bigyan mo na lang ako ng phone number mo later para naman may communication tayo at malay mo puwede tayong magbonding pagbalik ko ng Maynila." Nginitian niya ito ng matamis. "I like that, Trix." Ngumiti rin si Brent sa kanya at napatitig sa kanyang mukha. Natulala na naman siya nang makitang ngumiti si Brent. Naalala niya naman si Blake sa katauhan nito. Naging walang saysay ang dahilan niya kung bakit nagbabakasyon siya rito. Gustuhin man niyang lumimot sa mga nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Blake pero hanggang ngayon hindi niya pa nasisimulan. Naging sariwa parin sa kanya ang lahat nang dahil kay Brent. Naging magkaibigan silang dalawa ni Brent, kung puwede niya lang sana itong iwasan ay ginawa na niya. Subalit hindi niya naman maatim na tanggalan ito ng karapatan na makikipagkaibigan sa kanya sapagkat unang-una mabait naman ito, nererespito siya at higit sa lahat wala itong kinalaman. "Brent, may kapatid ka ba?" Nahihiya man ay lakas loob siyang nagtanong. Nais niyang kompermahin kung kamag-anak ba o hindi, ito ni Blake. Maraming beses ng tinangka niya na tanungin ito ngunit parati na lang hindi matuloy-tuloy. Minsan ay nahihiya siya hanggang sa makalimutan niya na lang. Ayaw niya naman magmukhang mausisa baka kung ano pa ang isipin nito. Mag-iisang linggo niya itong kasa-kasama, subalit tanging pangalan at ang dahilan ng pagbakasyon nito ang tanging alam niya. Ngayon nagkaroon na siya ng lakas ng loob na magtanong. "Meron! Tatlo kaming magkakapatid, dalawang babae at ako lang ang nag-iisang lalaki. Ako rin ang panganay." sagot nito. "Hmmm... Okay." tumango-tango pa siya nang marinig ang sagot nito. "Bakit mo naman naitanong, Trix?" tanong naman ni Brent. "May kakakilala kasi akong kamukha---" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil narating na nila ang lawa. Maingat siyang inalalayan ni Brent habang naglalakad sa kahoy na tulay para makapasok sila sa loob ng native floating cottage. Nakahanda na ang kanilang tanghalian at halos lahat ng nakahain sa kawayang mesa ay seafoods na nakalagay sa native bilao na may sapin na dahon ng saging. Ang mga isda sa resort ay fresh catch galing mismo sa lawa. Samantalang, ang mga alimango at talaba ay sariwang dinideliver galing sa supplier ng resort na nasa karatig bayan. "Bakit napakarami naman ng inorder mo, Brent?" "Hindi ah, akala mo lang 'yan. Tama lang ito sa atin, believe me Trix mauubos natin 'to. 'Wag ka na munang magdiet ngayon." "Sige na nga, total last day mo naman kaya pagbibigyan kita." nakanguso niyang turan. Minabuti nilang kumain ng nakakamay habang masayang nagkukuwentuhan. Nasa kalagitnaan na ng malawak na lawa ang kanilang floating cottage. "Hoy! Mata sa pagkain, 'wag sa mukha ko." sita niya kay Brent nang mahuli niya itong titig na titig sa mukha niya. "You're so beautiful, Trix. An angelic face. Napakatanga naman ng lalaking umiwan sa'yo." Natigilan siya sa pagsubo ng marinig ang sinabi nito. "Huwag mo nang ipaalala, Brent! Sige ka, ikaw mapagbabalingan ng galit ko sa kanya, lalo na't kamukha mo ang lalaking 'yon." pabirong banta niya. "I'm sorry, Trix." Umayos ito ng upo at nagpatuloy sa pagkain. Nginitian niya ito bilang tugon. NAPAGPASYAHAN nilang dalawa na tumambay at magpalipas oras sa floating cottage hanggang sumapit ang takip-silim. Habang naghuhugas ng kamay si Brent, siya naman ay nakaupo sa kawayang sofa habang umiinom ng buko juice. Napapikit siya upang samyuhin ang malamig at sariwang hangin na bahagyang umihip sa kanyang mukha. "Ma'am, baka gusto mo magpamassage. Kasama na ito sa package niyo." ani ng isang babaeng nakasuot ng uniporme na pangmassage therapist. Natuwa siya sa alok ng babae. Natama na kailangan niya ng masahe dahil hanggang ngayon iniinda niya parin ang pananakit ng kanyang buong katawan sa ginawa ni Blake. Subalit, nang maalala niya na hanggang ngayon ay may panaka-nakang blood spot parin sa kanyang panty, tinanggihan niya ito. Pagtalikod ng babae bigla siyang nanghinayang. Napatayo siya at inunat ang kanyang katawan. "Sayang lang! Sarap sanang magpamassage. Bakit pa kasi sinabi ni Mama na bawal magpamasahe kapag may regla. Teka, regla ba to? Hindi naman yata. Lintik! Ahh basta dugo galing sa pépé regla tawag do'n." Nahagip ng tingin niya ang duyan na gawa sa rattan. Pumaroon siya at humiga habang yakap-yakap ang isang maliit na unan. Maya-maya nakarinig siya ng lagitgit ng kawayang sahig dulot ng mga mahihinang yabag na papalapit. "Huwag mong subukang gulatin ako, Brent. Kakaiba ako kapag nagulat, malulutong na mura lumalabas sa bibig ko." aniya habang nakapikit. "Hindi naman kita gugulatin. Dahan-dahan lang akong naglakad para hindi ka magising. Akala ko lang kasi tulog ka na." "Ay, pasensiya ka na." "No problem, Trix. You can sleep if you want, gisingin na lang kita mamaya kapag meryenda time na." Iyan ang huling salitang narinig niya mula kay Brent habang pinipigilan ang pagpikit ng kanyang mata. Hindi na niya iyon nasagot dahil tuluyan ng nilamon ng antok ang kanyang diwa. NAPABALIKWAS siya ng bangon ng magising na nakahiga siya sa malambot na kama at nasa loob na siya ng kanyang silid. Tiningnan niya kanyang relo sa braso at ganoon na lang ang gulat niya nang makitang mag-aalas siete na ng gabi. "Ohh Sh*t! Ganoon ako katagal natulog?" Nasapo niya ang kanyang noo. Tumayo siya at naglakad papasok sa loob ng banyo dahil nangingilo na ang kanyang puson sa tagal ng kanyang pagkakatulog. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin na wala ng patak ng dugo ang kanyang panty. Napanatag ang kanyang loob dahil akala niya makakapagsabi na siya ng totoo kay Lea. Noong isang araw niya pa naiisip na magtanong kung normal ba ang ilang araw niyang spotting at kung ano ang kanyang gagawin para matigil. Itinali niya ang kanyang mahabang buhok habang nakaharap sa salamin na nasa bathroom sink vanity para makapaghilamos at makapagtoothbrush siya ng maayos. "Gising ka na pala." bungad sa kanya ni Brent paglabas niya. "Walang hiya ka, Brent! Sabi mo gigisingin mo ako." "Sorry na. Naawa kasi ako sa'yo mukhang kulang ka sa tulog at halata naman sa eyebags mo kaya hinayaan na lang kita." pahayag nito. "Tapos ano? Nagpakahirap kang buhatin ako papunta rito?" aniya. "Hindi naman ako nahirapan. 'Di ka naman mabigat." Inirapan niya ito. "What do you want for dinner, Trix?" tanong nito. "Ayaw ko ng kumain, hanggang ngayon busog pa ako sa libreng palunch mo." wika niya at umupo sa kama. "Bahala ka... Tomorrow at 5 AM ang alis ko sa resort na'to. Hindi na kita gigisingin para magpaalam." Umupo si Brent sa tabi niya. "Mag-aalarm ako Brent." "Huwag na, Trix. Here is my calling card.. You can call me if ever you need a one call away friend, I promise I'll be there as long as within Metro Manila." Niyakap siya nito ng mahigpit. "Ingat ka, Brent. Thank you!" Tinanggap niya ang calling card nito at gumanti rin ng mahigpit na yakap. "You too, Trix. Huwag mong kalimutan..." "Oo na. Babalik tayo sa Maynila nang nakalimot na at naiwan sa lugar na ito ang lahat ng sakit, galit at pagkabigo." aniya. "Maiwan na kita. See you soon, Trix." paalam sa kanya ni Brent. "Hatid na kita." Hinatid niya ito hanggang sa baba at sinundan ng tingin hanggang sa ganap na itong makalayo. NANG mapag-isa agad siyang bumalik sa kanyang silid. Kinuha niya ang calling card ni Brent na nasa kama at inilagay niya iyon sa drawer ng mini table na nasa gilid ng kama. Napakamot siya sa ulo. Sa hinaba-haba ng oras na naitulog niya kanina buhay na buhay ngayon ang kanyang diwa at hindi na niya alam kung ano ang gagawin para dalawin ng antok. Naisipan niya na lang na magbabad sa bathtub na may maligamgam na tubig habang umiinom ng wine. Bumaba siya para kumuha ng wine at wine glass sa refrigerator. Pagbalik, sinindihan niya ang tatlong scented candles na naroon malapit sa bathtub. In-on niya ang tv na naroon para malibang siya habang nairerelax niya ang kanyang sarili. Inilubog niya ang kanyang hubad na katawan sa maligamgam na tubig ng bathtub. At nagsalin siya ng wine sa wine glass, sinimsim niya iyon para manuot sa kanyang lalamunan ang lasa. Gamit ang remote control naghanap siya ng magandang movie na kanyang panonoorin. "This is it! Magbubuhay mayaman muna ako ngayon. Bahala na abutin ako dito hanggang madaling araw. Susulitin ko 'to, total libre. Cheers!" sambit niyang mag-isa at ibinaling na niya ang atensiyon sa screen ng tv.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD