~Blake's Point of View…~
“WELCOME TO NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT”
NAGLALAKAD siya sa hallway ng airport habang hila-hila ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang itim na suitcase. Nakatutok ang kanyang atensiyon sa cellphone na hawak naman ng kanyang kanang kamay.
“Maligayang pagbabalik, Sir Blake!” bati sa kanya ng kanilang family driver na inatasan niya para sumundo sa kanya.
“Salamat sa pagsundo, Rex. Kanina ka pa ba?”
“Mga 5 minuto pa lang, Sir.” sagot nito sa kanya. Kinuha nito ang kanyang suitcase at pinasok sa loob ng sasakyan.
Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik siyang nakaupo at nakatingin sa bintana. Nag-isip siya ng malalim kung ano ang unang hakbang na gagawin niya mamayang gabi sa paghaharap nilang dalawa ni Trixie. Sumasagi sa kanyang isipan na lasingin niya ito at siya na ang magpresinta sa mga kaibigan na maghahatid pauwi kay Trixie. Pero ang totoo plano niyang iuwi ito sa mansion ng kanyang mga magulang mamaya.
PAGDATING niya sa mansion ay sinalubong siya ng matalik na kaibigan ng kanyang ina na si Manuela. Ito ang nagsisilbing katiwala dito sa mansion, ito rin ang nag-aruga sa kanya noong mga panahon na nasa Amerika ang kanyang mga magulang.
“Welcome home, Nak…” masiglang bati nito sa kanya.
“I miss you, Nanay Manuela.” Niyapos niya ito ng mahigpit.
"Bakit ka pala napauwi?" tanong nito.
"May kailangan lang po akong ayusin, Nay. Isa pa biglaang nagresign ang PA ko kaya kailangan kong pumasok sa kompanya." magalang na sagot niya.
Tumango-tango naman ito kanya.
“Nay, akyat lang po ako sa taas para makapagbihis. May dumating ba na mga parcel para sa akin?” tanong niya.
“Nasa sala sa may second floor.” sagot nito.
“Salamat, Nay. Magpapahinga lang ako sa taas may jetlag pa kasi ako. Kung makatulog man ako, ‘wag niyo na lang po akong gisingin may lakad kasi ako mamayang gabi."
"Sige, Nak." tugon ng kanyang Nanay Manuela.
KINAGABIHAN…
NASA madilim na bahagi siya ng parking area ng club ni Evan. Sinadya niya munang magtago roon at nagbilin na lang kay Evan na itext siya kapag naroon na ang lahat sa loob ng VIP room na nakareserved para sa kanila.
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa paghaharap nilang dalawa ni Trixie. Maliban kay Trixie, inihanda niya narin ang sarili sa magiging reaksiyon ng mga kaibigan. Batid niyang wala pang pinagsabihan si Trixie tungkol sa nangyari. Kung meron man, edi sana may natanggap na siyang tawag o text man lang.
Napapitlag siya nang magvibrate ang kanyang cellphone na nasa dashboard ng kanyang sasakyan.
“Dude, okay na ba?” tanong niya.
“Ayos na, Dude. Nandito na sila.” sagot ni Evan. Pumasok pa ito sa loob ng CR para hindi ito marinig na may kausap.
“Thanks, Dude! Maaasahan ka talaga sa mga ganitong bagay.”
“Ako pa, Dude. Bilisan mo na.” sabay baba ni Evan ng cellphone nito.
Ini-start niya kanyang kotse para ilipat sa maliwanag at maayos na parking space sa tapat ng club. Nataon naman na paalis ang kulay orange na kotse na nakapark sa tabi ng sasakyan ni Lea kaya inantay niya iyon na makaalis para doon na magpark.
NANG masiguradong nailock na niya ang kanyang sasakyan ay bumaba na siya para pumasok sa loob. Nilingon niya pa ang limang itim na toyota vios sedan na pantay-pantay at maayos ang pagkakaparada. Sabay-sabay nilang magkakaibigan iyon na binili bilang friendship goals nila sa tulong ni Christian na asawa ni Samantha at kapatid ni Vince.
Sports car sana ang binabalak nilang bilhin. Subalit, isang linggo bago ang nakatakdang pagbili, sinumpong ng pagkakuripot si Lea. Ang sports car sana na matagal na nilang pinag-iponan at plinanong bilhin naging drawing dahil sa kaibigan nilang doktorang bungangera.
Natigilan siya sa paglalakad nang maalalang si Trixie na lang sa kanilang magkakaibigan ang walang sariling sasakyan. Company car ang ginagamit nito at ni minsan hindi niya pa nakitang gumamit ng sasakyan sa tuwing may personal itong lakad. Nagtataxi ito parati o di kaya'y nagpapasundo kay Vince kapag may party o night out silang magbabarkada.
"Bukas Trix may sariling sasakyan ka na." nasa isip niya.
INAYOS niya ang kanyang itim na leather jacket nang nasa tapat na siya ng VIP room at malakas niyang itinulak ang pinto. Nakita niya sa mukha ng mga kaibigan ang gulat nang makita siya.
"Dude!" bulalas ni Dylan. Tumayo pa ito para lapitan siya.
"Suprise! Bakit parang nakakita kayo ng multo? Ako lang 'to." Hinila siya ni Dylan at pinaupo sa U type leather sofa.
"Akala ko nasa Amerika ka." si Lea.
"Well, nabored ako doon kaya naisipan kong umuwi na lang." wika niya. Hinagilap niya ng tingin si Trixie ngunit hindi niya ito makita.
"Who are you looking for?" puna ni Kathy sa kanya.
"Where is Trix?" hindi niya napigilan ang sariling magtanong.
"She's on leave for two weeks." si Dylan ang sumagot.
Nanlumo siya sa narinig. Talagang inaasahan niyang makikita niya si Trixie ngayong gabi subalit hindi pumayag ang tadhana.
"Bakit mo naman siya hinahanap, Dude?" kunot-noong tanong ni Vince. "'Di ba't mortal na magkaaway kayo ni Trix."
"May aaminin ako, guys." mahinahon niyang boses. Natahimik naman at patingin sa kanya ang mga kaibigan.
"Noong gabi ng birthday celebration ni Alexandra..." paninimula niya. Kinuha niya ang basong may lamang alak na para sa kanya at sinaid iyon.
"O, ano? Ituloy mo na Blake." naiinis na boses ni Lea.
"Aminin ko. Napikon ako kay Trix dahil minaliit niya ang p*********i ko, kaya sinundan ko siya pag-uwi niya sa bungalow house. At--"
"At? Ano?" si Kathy.
"At nagalaw ko siya! May nangyari sam---"
Hindi na niya nagawang matapos ang sasabihin dahil sapol siya ng kamao ni Vince na tumama sa kanyang panga. Dumugo ang kanyang ibabang labi dahil nakagat niya dahil sa lakas ng pagkakasuntok nito.
"G*go ka! Walang kang kwentang kaibigan! Dahil lang minaliit ang pagkakalakí mo, nagawa mong manira ng buhay ng isang babae!" galit na sigaw ni Vince habang dinuduro siya. Hawak na ito ni Evan ngayon at pilit na pinapakalma.
Hindi na siya sumagot. Pinaghandaan na niya ang magiging reaksyon ng mga kaibigan. Batid niyang sa ginawa niya posibleng may isang sasabog sa galit pero ang inaasahan niya si Lea iyon o di kaya ay Kathy, hindi si Vince.
"Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga ako nagkamali ng kutob. Napakag*go mo, Blake. Sobra! Sarap mong tadyakan sa bayag! Ano'ng pumasok sa kukote mong líntik ka, bakit mo nagawa iyon kay Trixie?" nanggigil sa galit na saad ni Lea.
Tumayo si Kathy. "Calm down, Lee. Ikaw rin, Vince. Umupo kayo rito ng kalmado, pag-usapan natin ito ng maayos. Wala na tayong magagawa dahil nangyari na."
"I agree with my wife. Nandito si Blake, nagtapat siya sa'tin. And I think malinis naman ang intensiyon niya at pananagutan niya ang ginawa niya kay Trix. Sa tingin ko may kinalaman si Blake kaya nagleave si Trixie." wika ni Dylan.
Bago lumapit sa kinaroroonan nila si Vince. Pinagitnaan siya ni Kathy at ni Dylan. Samantalang, pinaupo naman ni Lea si Vince sa tabi nito na nanginginig parin sa galit.
"Ano ba ang plano mo, Dude?" kalmadong tanong sa kanya ni Dylan.
"The main reason I came back was because I could no longer contact her. Nag-aalala na ako sa kanya." aniya.
"And then?" tanong naman ni Lea.
"Nagresign na rin si Veronica at balak kong ipalit si Trixie. Kung okay lang sa'yo, Dude." pakiusap niya kay Dylan.
Tumango naman ito. "Wala namang problema sa akin. Nandiyan naman si Maurice."
"No! Gagawin mo lang parausan si Trixie doon sa kompanya mo!" sabat ni Vince.
"I love her!" diretsahang sambit niya. Sandaling katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng VIP room dahil sa sinabi niya.
"Alam niyo kailangan ni Blake 'yung tulong natin. Kung may awa tayo for Trixie, tulungan natin si Blake. Inaalala ko kasi rito, paano na lang kung mabuntis si Trixie. Naranasan ko kasi ang hirap na mabuntis at nanganak na wala sa tabi ko ang ama ng pinagbubuntis ko. Sobrang napakahirap kahit pa all out ang support ni Ate Samantha at Kuya Christian sa akin. Paano na lang kung mangyari 'yon kay Trixie? May pinapaaral pa iyon..." pahayag ni Kathy.
Bumuntong hininga si Lea. "Ayusin mo 'yan, Blake! Ako ang unang lalapitan ni Trixie kapag nabuntis mo. Ayoko nang maulit 'yung ginawa namin kay Kathy, ayoko ng magtago ng babaeng buntis!"
"Ganito na lang... Gawan ko ng paraan na makauwi si Trixie. Huwag kang mag-alala Dude, sa lunes mismo doon na siya mag-oopisina sa kompanya mo. Tayo naman, magkunwari na lang na walang alam." natatawang turan ni Dylan.
"Sige!" sang-ayon nila ngunit hindi nagsalita si Vince.
"Ingatan mo si Trixie, Dude." maya-maya sambit ni Vince.
"Mahal mo ba siya?" tanong niya kay Vince.
"Yes! Mahal ko siya bilang kaibigan, hanggang doon lang." sagot ni Vince.
Tumango siya rito.
"Vince, pakigamot na rin ng sugat sa labi ni Blake." utos ni Lea.
Tumalima naman ito agad at pagbalik may dala-dala na itong ice bag na puno ng yelo. Inabot ni Vince iyon sa kanya.
TILA nabunutan siya ng tinik nang marinig iyon sa mga kaibigan. Si Trixie na lang ang problema niya ngayon, kung papaano ito haharapin.
"Alam niyo guys, hindi si Blake ang dapat sisihin sa nangyari kay Trix." wika ni Evan.
"Sino?" tanong ni Vince.
Binatukan ni Evan si Lea. "Ito kasi ang pasimuno ng lahat. Kung tumahimik lang sana ang bungangerang ito no'ng gabing iyon, hindi nagbiro si Trixie at wala sanang nangyari."
"Sige, sisihin niyo ako. Hindi kayo invited sa binyag ng anak ko." wika ni Lea.
"Anak?" ulit ni Kathy.
Nakita niyang tumayo si Dylan at lumapit kay Lea.
"Aray!" daing ni Lea.
Patakbo naman itong bumalik sa kinauupuan at yumakap sa asawa nito.
"Líntik ka, Monteverde! Bakit mo ako kinurot? G*go bumaon iyong kuko mo sa balat ko." Hinihipan pa nito ang braso.
"Baka lang kasi nanaginip ka ng gising." natatawang saad ni Dylan.
"May legally adopted child na kami ng asawa ko. And next week magpapabinyag na kami." masayang wika ni Lea.
"Wow! Congratulations, Lee! I'm so happy for you." Niyakap ni Kathy si Lea.
"Ninong and Ninang kayo ha." nakangiting wika ni Lea.
"Soon, I think ako na mag-aanak." singit niya.
"Vince, Evan, what are you waiting for? Kailan kayong dalawa mag-asawa?" tanong ni Lea.
"Hindi pa kami handa na magpatali!" sabay na sagot ni Evan at Vince. Napunong muli ng malalakas na tawanan ang silid dahil sa isinagot ng dalawa.
~End of Blake's Point of View…~