Mr. Arrogant

1685 Words
[Fiona's POV] Papunta ako ngayon sa Principal's office. Pinapatawag kasi ako ng principal namin, may sasabihin daw siya. Kumatok muna ako bago pumasok, syempre mabait na bata ako. "Come in." Pumasok naman agad ako at nakita ko si Principal na nakaupo sa desk niya at nagcocomputer. "Bakit niyo po ako pinatawag?" "Kasi, I want you and the SCO of Southridge to have a meeting. Well, nakausap ko na yung principal nila and pumayag siya, so magkikita kayo sa may starbucks diyan sa may crossing. You know that place?" Tumango naman ako bilang sagot sakanya "Okay, good. So yun lang naman ang sasabihin ko. You can go now." Lumabas na ako sa office niya at pagkalabas na pagkalabas ko ay hindi ko maiwasan ang hindi mainis! Paano ba naman kasi! Ang president nila ay yung Dexter na yun! Sobrang mayabang! Nakakainis! Iniimagine ko palang na makikita ko siya mamaya ay naiinis na ako. Sinuntok ko naman yung hangin, kasi naiinis na talaga ako. "Huy, okay ka lang?" napatingin naman ako dun si nagsalita. Si Laureen pala. "Okay lang naman, pero mamaya pupunta ako sa may starbucks diyan, imimeet ko kasi yung president ng southridge." "You mean Dexter? Yung sobrang yabang na lalaking yun?" tanong niya sakin "Yeah. Nakakainis diba?!" "I know what you feel, pero wala na tayong magagawa, ikaw ang president, at siya rin naman ang president ng SCO nila, so that's it. Face it." Mabilis na natapos ang oras ng araw na yun. Hindi ko alam pero gusto kong hilahin pabalik. Pwede bang hindi ko nalang siputin?! Pero kung hindi ko sisiputin mapapahiya naman ang school namin, eh pano kung siya ang hindi sumipot?! Eh di ako naman ang mukang napag-iwanan. Pero kung hindi man siya sumipot bad impression na agad yun sa school nila. O sige, alam ko namang hindi siya sisipot eh. "Goodluck sakin." sabi ko sa sarili ko bago ako umalis at pumunta sa may starbucks Pagkadating ko doon ay hinanap agad ng mata ko kung nandun na ba yung Dexter na yun pero good thing dahil wala pa siya. Umupo na ako dun sa may vacant table na nakita ko. Hay! Sana hindi na siya pumunta paaaa! Or wag na kami magmeet kahit kailan! Umorder na muna ako ng frap, kasi baka naman isipin dito eh tumambay lang ako. Pagkatapos kong mag-order ay umupo na muna ulit ako. Maya maya ay tinawag na rin ang pangalan ko kaya pumunta na ako dun sa counter at kinuha iyon. Mga 20 mins na rin simula ng nandito ako. Siguro nga hindi na siya pupunta. Edi masaya diba? HAHAHA! Uubusin ko nalang tong inorder ko then aalis na ako. Sasabihin ko nalang na hindi siya dumating sa agreed time at ang tagal kong nag-intay pero hindi siya dumating. Busy ako sa pagpaplano kung pano ko sasabihin ang hindi pagsipot nung Dexter na yun ng biglang magsalita. "Kanina ka pa?" Napatingin ako dun sa nagsalita. Bakit pa siya pumunta? Hindi ko naman siya kailangan dito. "Bakit ka pa pumunta?" "Because our principal told me to meet you here. If I have a choice I would not be here." "Wow! Ikaw na nga late ikaw pa ganyan." "So kanina ka pa rito? You're excited to see me I guess." nagsmirk pa siya sakin after niyang sabihin yun WOW ah! Akala kung sinong gwapo! Okay fine, gwapo siya pero masama naman ang ugali. "Kapal naman ng muka." "So, what's the plan?" "Umorder ka na muna." "I'm done placing my order. Let's talk about the battle of the bands." "Hindi ka ba marunong magtagalog? Kailangan bang nag-ienglish?" "Sorry, hindi ka pala marunong magsalita ng english." Wow talaga! Ang yabang talaga ng lalaking to! Sasapakin ko na to eh. "Marunong ako mag-english for your info. Wag mo ako maliitin." sarap niya talaga bangasan! Hindi naman kasi kailangan mag-english tapos mag-ienglish "So, what's the plan?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina "Hindi ko alam, wala akong ganang kausapin ka." "Me either, don't worry." ABA'T! Sinusubok niya ba talaga ako?! "Alam mo pikon na pikon na ako sayo. Manahimik ka diyan!" "Then tell yourself to shut up. Hindi mo ba pansin na nakatingin na sila satin? You're too loud." Hindi ko nalang siya pinansin atsaka tinuloy ang pag-inom sa frappe ko. Siya naman, kinuha na niya yung order niyang frappe. Pagkatapos kong inumin yung frappe ko ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. "Where are you going? We're not done with our meeting." "Meeting adjourned." sabi ko naman sakanya atsaka siya binigyan ng death glare "Weird person." bumulong pa siya eh narinig ko naman! Kainis talaga! [Leigh's POV] Hindi ba talaga to titigil sa pagsunod sakin? Naiirita kasi ako eh! Simula kasi nung nagmeeting ang SCO ng Southridge at Northbridge ay lagi na akong tinetext ng lalaking to! Napakakulit. Naiirita na ako, minsan naman ay tinatawagan pa ako at kapag sinagot ko naman ang sasabihin lang ay "Hi panget." tapos ieend call na niya. Minsan naman nagtetext sakin ng kung ano anong walang kakwenta kwenta. Pinagtitripan ako! Ngayon naman ay sinusundan ako pauwi sa bahay. Bwiset naman eh! Pauwi na kasi ako kanina tapos nakita niya ako, naka motor siya nun tapos bigla siyang bumaba and naglakad kasabay ko. "Bakit ka ba sunod ng sunod? Nakakairita ka na!"sigaw ko sakanya "Wala lang. Masama ba? Wala kang pake sa gusto ko gawin." sabi niya atsaka tumawa "Sasapakin na kita." "Wag naman! Kawawa naman mga fans ko kung sakali." "Yabang!" "May ipagyayabang naman eh." Tell me guys! Bakit ba kailangan ko pang mameet ang lalaking to?! Bakit ko pa siya kailangan makilala? Biruin niyo nung umpisa galit na galit siya sakin dahil sa nadulas siya ng dahil sa dress ko tapos ngayon buntot ng buntot sakin para mangulit. Baliw ba to? Siguro ay may sayad siya! "Masama na ang saltik mo. Mukang lumalala na." "Wala akong saltik noh! Mahiya ka naman sa mga sinasabi. Manghinayang ka naman sakin kung may saltik ako." "Walang manghihinayang sayo. Okay lang kahit baliw ka, muka ka namang ganun eh." Muka namang nainis siya sa sinabi ko kasi inirapan niya ako. Tsk! Lakas kasi ng bilib sa sarili. Feeling pogi talaga yun eh. Tapos inirapan niya pa ako! Parang baliw. "Ang sungit mo." puna niya sakin "Ang daldal mo." Napatingin naman siya sakin atsaka umirap ulit. Seriously?! Bading ba siya?! "Irap ka ng irap, dudukutin ko yang mata mo eh! Tsaka layuan mo nga ako, wag ka na sumunod sakin." tinulak ko siya palayo sakin "Bakit ka nanunulak? Tsaka it's a free country you can do what you want!" "Hay! Nakakabwiset naman eh. Ano ba kailangan mo sakin?" naiirita kong tanong sakanya "Puso mo." Anong pinagsasabi nito?! Bad trip! Hindi ko malaman ang trip nito sa buhay. "Joke lang. Nadala ka naman." sabi niya tsaka tumawa ng tumawa "Sapakin kaya kita diyan!" inamba ko naman na sakanya yung kamay ko at ready ko na sana siyang suntukin kaya lang hinawakan niya agad ang kamay ko 'Wala namang sakitan! Marunong din kaya akong manuntok." sabi niya tsaka nagsususuntok dun sa ere Iniwan ko siyang mag-isa dun. Seriously, muka siyang tanga dun. Nakakahiya siyang kasama. "Intayin mo naman ako!" "Alam mo, hindi ko alam kung bakit ako ang natripan mo eh! Hindi kita magets." "Ewan ko rin eh, hindi ko rin alam eh." Tinignan ko naman siya and this time ako yung umirap sakanya. "Seryoso, hindi ko alam." tumawa pa ang loko "Pwes alamin mo ng matahimik ka na." "Sungit mo talaga." Sa wakas nakarating na rin ako sa bahay namin! Salamat naman! "Eto na ba yung bahay mo?" tinignan ko lang siya na parang sinasabing 'di ba obvious?' Tumango naman siya "Pwede ka ng umalis." Ngumiti naman siya atsaka nagwave sakin ng babye. Hay! Payapa na ang buhay! Sa wakas! HAHAHAHA! Umakyat ako sa kwarto ko at nagbibihis na ng damit pambahay ng biglang nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang caller, akala ko si Jace ang tumatawag pero hindi pala. Unknown number. At yung caller id ay hindi sa Pilipinas. "Hello?" [Leigh.] Napatigil ako ng biglang magsalita ang nasa kabilang linya [Leigh, I miss you.] Anong sasabihin ko?! Anong sasabihin ko? Hindi ko alam! [I know you're mad, pero God knows that I miss you so much. I miss your voice. I miss everything about you.] "Kyle." yan lang ang tanging nasabi ko Sobrang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mahal ko pa rin ata siya. I thought nakamove on na ako, pero ngayong narinig ko ang boses niya parang lahat ng sakit bumalik. [Leigh, I'm sorry.] after that narinig ko nalang na humihikbi na siya sa kabilang linya Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong magsalita. Gusto kong itanong sakanya ang rason kung bakit niya ako iniwan dati, kung bakit niya ako pinabayaan, at kung bakit niya ako pinaasa. [Leigh, alam kong galit ka. Alam kong maraming tanong ang kinimkim mo, but I'm here. I'm back. I'm coming for you. Lahat ng tanong mo sasagutin ko pag dating ko diyan sa Pinas. I'll be there. I promise I'm coming back for you. Ito na ang promise ko, tinupad ko na. Medyo natagalan nga lang.] "Shut up Kyle. You've abandoned me. Iniwan mo na ako. Pinaasa mo na rin ako noon na babalikan mo ako, na you'll never leave me whatever happens. Pero nagawa mo. Hinintay kita, nagmuka akong tanga kasi umaasa akong babalik ka, but you never did. I know we're young that time. 3rd yr highschool ako at 4th yr ka naman. We've been together for 1 yr and 5 months but kailangan mong magpunta diyan sa Australia for your college. Ang sakit para sakin pero para sa relasyon natin kinaya ko. Pero pag dating mo diyan unti unti mo akong iniwan. Nagsimula sa hindi mo na ako masyadong chinachat at nirereplyan hanggang sa nawala na talaga. Kaya Kyle, wag mo na ulit akong paasahin." I ended the call after I said those words. Ang sakit sakit. Nandito pa rin pala yung sakit, yung akala kong magaling na hindi pa pala. Parang yung sugat na akala mo tuyo na pero hindi pa pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD