[Trish's POV]
Nandito pala siya eh. Buti at kasama siya sa SCO kasi ibabalik ko sakanya yung t-shirt niya. Hindi kasi ako tumuloy kahapon eh. Actually nandun na ako sa labas ng Southridge, pinagtitinginan na nga rin ako ng mga estudyante kasi bakit naman pupunta ang estudyante ng Northbridge sa teritoryo nila. So ayun nga! Imbes na pumasok ako sa loob ay napagpasyahan ko nalang na umalis na, kasi nakakahiya rin naman.
Pagkatapos ng meeting at kumakain na ang lahat ay lumapit ako sakanya at inabot ko yung paper bag kung san nakalagay yung t-shirt niya.
"Ito oh."
Napatingin siya sakin na parang nagtataka. Tinignan niya rin yung paper bag na iniabot ko sakanya.
Dahan dahan niyang kinuha yung iniabot ko.
"Thanks diyan." nahihiyang sabi ko. Hindi ko alam pero nahihiya nalang ako bigla sakanya. Siguro dahil that time nakita niyang nakabra ako.
Tumango lang siya sakin kaya naman bumalik na rin ako sa upuan ko. Siguro hindi ko na dapat binalik pa sakanya yung t-shirt niya. Pero wala eh, naibalik ko na naman.
After ng meeting namin ay umalis na rin ang lahat isa isa. Napatingin ako sa gawi ni Clyde. Bakit ganun? Lagi ko nalang siyang hinahanap simula nung insidenteng yun? Para bang may something sakin na gusto ko siyang makikita. Ganun. Bakit ganun?
Kung nagkacrush man ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagligtas sakin ay nakakainis naman! Kasi hindi ako pwede magkacrush sa lalaking tulad niya!
"Hoy, dito ka lang ba Trish?" napabalik ako sa katinuan ng magtanong sakin si Leigh
"Ahh, ehh. Eto na."
Sumunod naman ako sakanila. Naglalakad silang tatlo sa unahan ko habang ako naman ay naiwan sa may likod nila. Iniisip ko kasi na pano nga kung nagustuhan ko si Clyde? Ang babaw ko naman! Ang bilis ko naman mafall. Wala pa ngang salita yun eh. Pero action speaks louder than words nga raw eh. WAAAAHHH!
[Clyde's POV]
Nagulat ako kanina nung binalik sakin ni Trish yung t-shirt. Hindi ko naman kasi inexpect na ibabalik niya pa yun sakin.
Pero swerte na rin siya at nandun ako at nakita ko siya. Kung hindi baka wala na siya sa mundong ibabaw.
*flashback
Naglalakad ako sa may park ng subdivision namin. Natripan ko lang. Hindi ko rin alam kung bakit, or siguro dahil naiinitan ako. Or emo ako? Aish! Hindi ko alam, pero basta trip ko maglakad sa may subdivision namin. Iikutin ko to hanggang sa mapagod ako.
Nagsimula na akong maglakad. Wow! Marami palang mga magagandang babae rito sa subdivision namin. Sa tagal ko kasing nakatira rito bihira lang ako lumabas at mag-ikot ikot.
Nakarating na rin ako sa park ng subdivision namin. Onti nalang din ang tao kasi medyo madilim na rin naman eh. Tinuloy ko ang paglalakad ko pero napansin kong may tao dun sa madilim na part. Nakikita ko kahit madilim, hindi nga lang yung muka nila.
Nagulat ako sa next scene na ginawa, nakahiga na yung girl habang nakapatong yung lalaki. Nagme-make love ba sila sa may park? Pwede naman sa motel ah?
Babalewalain ko nalang sana ng marinig ko ang sigaw nung babae na humihingi siya ng tulong. So hindi sila nagmemake love kasi nirerape siya?! Yun ba yun?
Unti unti akong lumapit, at ng makalapit ako ay namukaan ko yung babae. Hindi ko siya kilala pero naaalala ko lang yung muka niya.
Hinila ko yung lalaki tsaka ko siya sinuntok ng sinuntok hanggang siya na yung kusang tumakbo paalis sa lugar namin.
Napayakap pa siya sakin at halatang takot na takot siya. Napansin kong wala na siyang suot na pantaas kaya hinubad ko na yung t-shirt ko at ipinasuot sakanya pagkatapos nun ay sinabihan ko na siyang umuwi na dahil gabi na.
Naglakad na rin ako pauwi sa bahay, ang lamig lamig nga eh! Ikaw ba naman maglakad ng nakatopless eh.
Pagkadating ko sa bahay ay nagtaka si mama kung bakit wala na akong pantaas, sabi ko nalang na natapunan ko kasi ng tubig tapos hinubad ko lang kaya lang biglang nawala. Naniwala naman si mama.
*end of flashback
Sana nga naging okay siya nun eh. Kasi malaking trauma kaya yun para sa babae noh. Tinignan ko yung paper bag na nasa passenger seat ko ngayon. Sinuot ko na rin ang seat belt ko at naghanda ng umalis. Bumalik pa kasi kami sa school namin eh, syempre nandito yung kotse ko. May service kasi kami papunta dun sa Northbridge.
Nagdrive na ako at saktong pagliko ko dun sa may kanto ay napansin ko ang isang babae.
Si Trish. Mag-isa lang siya at naglalakad lang siya. Isasakay ko ba o isasakay ko?
[Trish's POV]
Naglalakad na ako pauwi ngayon, medyo malapit lang naman ang bahay namin sa school namin and wala akong kotse noh. Hindi tulad nung iba. So ayan.
*beep beep
Napalingon ako sa kotseng bumusina sakin atsaka ako tumabi sa may sidewalk habang naglalakad. Pero nagulat ako ng ibinaba niya ang window ng kotse niya.
"San ka? Hatid na kita." sabi niya sakin
"Ha? Ah eh! Diyan ako sa subdivision, yung unang subdivision. Wag na. Sige na. Salamat." Umiwas ka na agad Trish! Umiwas ka na. Casanova yan! Ganyan talaga yan kasi gusto niyang mafall ka sakanya.
Nagsimula na akong maglakad palayo sakanya pero inandar niya rin ang kotse niya at sinusundan ako.
"Sakay ka na. Dun din naman ang punta ko."
Hindi ako sumagot sakanya. Pero syempre hindi na ako naglalakad niyan. Nakayuko lang ako at iniintay kong mauna na siyang umalis.
Kaya lang, bumaba siya sa kotse niya at hinila na ako papasok sa kotse niya, kaya ayun wala na akong nagawa pa.
"Ang kulit mo naman, sabi kong sumakay ka na. Hindi ko alam na makulit ka pala Trish."
Alam niya ang pangalan ko?!
"Alam ko ang pangalan mo kasi kanina sa meeting, nagpakilala naman ang bawat isa diba?" Nabasa niya ata ang isip ko. Ahh oo nga pala! Nakalimutan ko yun ah!
Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam pero nahihiya kasi ako.
"Ah, so dito ka rin pala nakatira sa subdivision namin. Pero bakit kaya nung time lang na yun kita nakita? Ah siguro dahil hindi naman ako palalabas ng bahay dati, pero nung time na muntik ka ng marape bigla ko nalang naisipan lumabas nun, hindi mo ba naisip na baka dahil may purpose yun? Para maligtas kita." sabi niya sabay wink sakin
Umiwas naman ako ng tingin sakanya. Bakit ba siya ganun? Bakit ba gusto niya magpafall ng babae.
Natanaw ko naman na ang bahay namin.
"Diyan nalang ako sa red na gate."
Inihinto niya naman ang kotse dun sa tapat ng bahay namin.
"Thanks." sabi ko bago ko isara ang pinto ng kotse niya
Waah. Grabe naman siya eh! Grabe talaga siya! Wag naman siyang ganun eh!!
Pumasok na rin naman ako sa loob ng bahay namin. Pinuntahan ko si mama na nasa kitchen at niyakap ko siya.
"Ma, bakit ka po mahihiya sa isang tao?" hindi ko alam pero bigla ko nalang naitanong
"Dahil may nangyaring hindi maganda or may nagawa ka sigurong kasalanan or dahil gusto mo. Bakit?"
"Ah wala lang po. Siguro dahil nga sa may nangyaring hindi maganda."
"Anong pinagsasabi mo?"
Napangiti naman ako sakanya tsaka nagsign na wala lang yun.
Umakyat na ako sa kwarto ko atsaka humiga sa kama ko. Tinitigan ko lang ang kisame.
Hindi ko siya gusto noh! Ang bilis ko naman mafall. Halos kakakilala ko lang tapos dahil iniligtas lang ako gusto ko na siya kaagad? Anong kahibangan yun?!
[Clyde's POV]
Nakakatuwa siya ah. Hindi siya mahilig magsalita pero halatang naiilang siya sakin. Bakit kaya? Dahil ba crush niya ako?
Well, syempre naman! Gwapo kaya ako at maraming naghahabol na girls sakin noh. Nung una na nagpakilala ako sakanya sa happy lemon hindi man lang niya ako pinansin pero biglang after ko syang iligtas parang nahihiya siya sakin.
AHH! Siguro nakonsensya siya dahil niligtas ko siya, or siguro naflatter siya dahil niligtas siya ng isang Jason Clyde Ramirez!
HAHAHA! What if ligawan ko siya? Pero may pag-asa kaya ako dun? Kasi mukang di naman siya interesado sa boyfriend boyfriend. Muka lang, sa tingin ko lang.
Pero let's give it a try. Wala namang masama. Malay mo siya na ang next sa collections ko. HAHAHAHA. Cute rin naman siya and mukang anghel ang muka, muka pang inosente.