SCO

1687 Words
[Laureen's POV] Pauwi na sana ako ng biglang may humilang lalaki sakin. Waah! Sino to?! "Siya ba?" tanong nung babae na nasa harap namin sabay turo sakin. Ako? Anong ako? Napatingin ako dun sa lalaking humila sakin. Ahh, I know him. Sino nga ba to? Isa siya dun sa Happy Lemon. Keith? Oo, siya nga. Yun ang pagkakatanda ko. Hindi siya sumagot dun sa babae, pero hindi rin siya gumagalaw at nakakapit lang sa braso ko. Hindi ko magets kung ano ang nangyayari. Umiyak yung babae atsaka ako sinampal at tumakbo paalis sa pwesto namin. WHAT THE HECK?! Napahawak ako sa muka ko. Ang sakit nun ah! Putek! Wala naman akong ginagawa sakanya. Kainis naman! "BAKIT NIYA AKO SINAMPAL?!" galit na tanong ko sakanya tsaka siya pinalo sa braso Hindi siya sumagot at sa halip ay nilagay niya ang earphones sa tenga niya. ABA'T! "HOY! Tinatanong kita! Bat ka tumatalikod sakin?" Pero hindi pa rin niya ako nilingon kaya no choice ako kung hindi ang batukan siya. Sumosobra na siya ah! Tumakbo ako papunta sakanya atsaka siya binatukan. "Aray! Why did you do that?" Pero imbes na sagutin ko siya ay tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo. "Hey! I'm talking to you!" sigaw niya pero hindi pa rin ako lumilingon Maya maya ay naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagkapit niya sakin. "WHY.DID.YOU.DO.THAT?" "Alam mo nakakapikon ka rin eh noh? Nananahimik ako diba? Tapos bigla kang kakapit sakin tapos dadating yung babae at tatanungin kung ako ba na wala naman akong kaalam alam tapos iiyak siya tapos sasampalin ako! How dare you?! Wala akong kaalam alam tapos bigla akong sasampalin ng babaeng 1st unang beses ko palang nakilala!" sigaw ko sakanya Hindi siya nagsalita at ipinakita niya ang bored niyang expression. NAKAKAINIS! Sa sobrang inis ko ay sinipa ko siya tuhod niya, kaya namilipit siya sakit. "Ang sama mo! Hindi ka marunong magsorry!" sigaw ko sabay takbo paalis sa lugar na yun "I'm not yet done with you!" narinig kong sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon Bakit ba kailangan ko pang makilala ang lalaking tulad niya. Ang lalaking tulad niya na walang kwenta! May magkakagusto kaya dun? Tsk! Sungit sungit naman! Nakakainis! Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko upang gumawa ng mga homeworks. Syempre! Running for valedictorian ako tapos hindi ko gagalingan sa assignment. Syempre kailangan kong galingan. Pero naalala ko nanaman yung pagsampal sakin. Kakaiba yun ah! Sarap bangasan ah! Kainis! Promise! Pagkatapos kong gawin ang mga assignment ko ay nagdrawing ako ng lalaking kamuka nung Keith na yun tapos pinagtutusok ko yung papel na yun, iniimagine ko na siya yun! I really want to kill that guy! "Ayan! Mamatay ka na! Yan! Ang panget mo! Whooh!" sabi ko habang patuloy na tinutusok yung papel "Okay ka lang ba ate?" tanong sakin ni Hans, kapatid kong mas bata sakin ng 3 yrs Napatingin ako sakanya atsaka ngumiti ng nakakaloka. "Okay lang ako, may tao lang akong gustong patayin sa ngayon." sabi ko naman sakanya, napamake face siya tsaka tumakbo pababa. Sigurado akong nagsusumbong na siya sa nanay namin. Ganun naman yun eh. Sumbungero, parang bading. Tinuloy ko na ang ginagawa kong pangmumurder dun sa drawing ko, hanggang sa napunit na talaga ng tuluyan. Hay nako! Nasestress ako. Matutulog na nga lang muna ako kasi bukas mamimeet na namin ang SCO sa Southridge Academy. Pagkagising ko kinabukasan ay inihanda ko na ang mga gamit ko atsaka dumiretso sa CR upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay kumain na ako atsaka nagpaalam na aalis na ako. Pagkadating ko sa school ay dumiretso na ako sa SCO room kasi dun yung napag-usapan na meeting place. Kumpleto na kami pagdating ko dun pero wala pa yung taga Southridge kaya naghintay pa kami ng konti, pero maya maya ay dumating na rin sila. Isa isang pumasok sa room ang mga officers, puro babae? 4 na babae na kasi ang pumapasok eh, tapos nakataas pa mga kilay nila. Ang arte! NAKAKAIRITA! Ang tagal naman pumasok nung iba. Maya maya ay bumukas na ang pinto ulit at pumasok si Jace, Clyde, Dexter, at si KEITH! Yung lalaki kahapon na dahilan upang masampal ako kahapon. "SCO KA?!" sigaw ko sakanya sabay turo sakanya "So loud! Irritating." puna niya sakin "Ako pa ang nakakairita pagkatapos akong masampal kahapon dahil sa kasalanang hindi ko alam." "Stop your non-sense. Nakaganti ka nanaman diba? You kicked me, remember?" Napatingin sakin yung mga officer ng Southridge na babae tsaka ako inirapan. WOW ah! Hindi ako tulad niyo na landi lang ang alam! Ako marunong ako mag-aral. Matalino ako, hindi tulad nila! "Makairap naman." puna ni Fiona "Baka nakakalimutan nilang nasa teritoryo natin sila." puna ni Iza, isa sa mga officers ng SCO "Hindi kami nandito para makipag-away. Okay? We're here to talk with you kasi yun ang utos samin." sabi nung Dexter. Wait! Siya ba ang president? Siguro panget ang SCO nila kasi panget ugali ng President nila "Makapagyabang ka na bastos ang taga Northbridge eh mukang mas bastos pa yung inyo." puna ni Leigh "Hoy, wala kaming ginagawa sainyo ah." imik nung isang babae dun, isa siya sa officers syempre "Ang arte naman. Pabebe much? Or Pababa? HAHAHA! Kasi humahaba baba mo sa pagpapabebe mo." sabi naman ni Trish. WOW! Sobrang level up na pambabara ni Trish ah. "Aba't sumosobra na kayo ah." sigaw nung babae tapos susugurin na sana kami ng biglang bumukas ang pinto kaya napatigil kami Siya yung principal namin. Si Mrs. Lee. "Everything's fine here?" tanong niya Tumango naman kaming lahat kasi baka madiscipline pa kami kapag nalaman na nag-aaway away lang kami rito. "So if you need anything else don't hesitate to ask me, okay? The food will be serve later." sabi niya tsaka umalis Pagkasarang pagkasara ng pinto ay tumingin ulit samin ang taga southridge. "Okay, so hindi tayo nandito para mag-away. Kaya mag-usap usap na tayo." sabi nung Dexter ulit "So, ano ba ang plano?" tanong ni Fiona Ang lahat ay naging busy sa pagpaplano about sa magiging pasabog ng bandang ipanlalaban namin pero halos lahat ng ideas ay nagcocontrast sa isa't isa. Paano may personal na issues kasi sa bawat isa. Yung mga maaarteng babae ng Southridge ay nag-iinarte rito sa teritoryo namin. NAKAKAINIS! "Isa pang pagpapabebe mo! Malilintikan ka na." sabi ko naman dun sa babae na kanina pa pabebe kung magsalita Tumingin siya sakin tsaka ako inirapan. "Pwede bang mamaya na ang comments." sabi naman ni Keith "Blah blah blah. Kainis." bulong ko naman na mukang narinig niya kasi tumingin siya sakin atsaka ako sinamaan ng tingin After nung meeting na muka namang naging debate eh napagdesisyunan ng lahat na kumain muna dahil dumating na rin naman yung pagkain na pinadala para samin at sa bisita. So it means sabay sabay kaming kakain dito sa loob ng room. Nakita kong lumapit si Jace kay Leigh kaya naman nainis lalo si Leigh. Si Trish naman ay nakita kong lumapit kay Clyde at parang may inabot dito. Ano yun? Gusto ni Trish si Clyde? SI Dexter naman ay kumakain lang sa sulok at tahimik lang kasama niya rin si Keith. Sus! Ang susungit kala naman kung sinong gwapo. Okay fine! Gwapo na sila pero, mayabang naman kaya wala akong pake sakanila. Lalabas sana ako sa room pero napatid ako dahil sa paa na nakaspread out. "ANO BA? BAKIT BA NAKAHARANG YANG PAA MO?!" sigaw ko "Hindi ka ba pwedeng hindi sumigaw? Nakakairita na eh." sabi naman ni keith sakin "Wala kang pake okay? Yang paa mo dapat binabali yan! Nakaharang kasi!" sigaw ko sabay tapak sa paa niya na halos mabali na sa sobrang diin ng pag-apak ko "ARAY KO!" sigaw niya Pero tumakbo na ako palabas ng room, kaya lang kung minamalas ka nga naman hinabol niya pala ako. "Bitawan mo nga ako." sabi ko sakanya kasi nahawakan niya ako Pero hindi niya ako binitawan at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso ko "ARAY!" sigaw ko "Kung pumapatol lang ako sa babae kanina ka pa siguro naospital." bulong niya sakin pero halatang naiinis siya at nakakatakot ang boses niya Napaiyak naman ako dahil ang higpit na talaga ng hawak niya sa braso ko. "Aray." bulong ko pero nangingiyak na ang boses ko "Sorry." sabi niya sabay bitaw sa braso ko Tinignan ko naman iyon at nakita kong namumula na yun at nagkasugat ng dahil sa kuko niya. Medyo dumugo rin. Tinignan ko siya atsaka ako umalis papunta sa clinic. Nakakatakot siya. Siya naman ang may pasimuno ng lahat ah. Tapos siya pa ang nagagalit sakin. "Tara, pumunta tayo sa clinic." sabi niya. Sinundan niya pala ako. "Okay lang." Kasalanan ko naman eh. Kung hindi ko sana siya ginalit diba? Hahawakan niya sana ako ulit pero napaiwas agad ako, reflexes siguro. Ang sakit kasi talaga nung pagkakapisil niya sakin. "Kaya ko na. Sorry kasi inapakan kita. Tara magclinic ka na rin." sabi ko sakanya pero hindi siya umimik Kaya ayun naglakad na ako papunta sa clinic, pero sumunod din naman siya. Hihingi lang naman ako ng band aid eh. "Nurse, pahingi po ng band aid." sabi ko pagkapasok ko "Bakit anong nangyari?" tanong ni Nurse sakin Napatingin ako sakanya bago sumagot, nakatingin din siya sakin. "Ahh sumabit po kasi ako dun eh, di ko napansin na may nakausli palang alambre." sabi ko naman sakanya Binigyan naman niya ako ng band aid at betadine na rin. "Yung kasama ko po pala, nagkapilay ata. Inapakan ko po kasi siya. HAHAHA. Nainis po kasi ako sakanya eh." sabi ko naman tsaka hinila papunta sakanya si Keith Oo, may kasalanan din naman ako kaya niya nagawa sakin to. Kaya ayun dinala ko na rin siya sa clinic. Napansin ko kasing iika ika rin siya nung naglakad papunta sakin kanina eh. "Tara rito. Umupo ka." sabi ni Nurse na sinunod naman niya "O sige ah, iwan na kita." sabi ko sakanya atsaka lumabas ng room Siguro iiwasan ko nalang siya at hindi ko na siya lalapitan pa. Masama pala talaga ang ugali nun, pero okay lang nagsorry din naman siya. Pero baka nga next time sa inis niya sakin ay masuntok nalang niya ako bigla! HAHAHAHA. Nakakatakot na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD