[Trish's POV]
Grabe. Hindi ko kinakaya na nakasama ko ang isang playboy sa isang table kahapon nung nagpunta kami sa Happy Lemon, pano ba naman kasi yung Jace na yun! NAKAKAINIS talaga siya. Nadamay pa kami, ayan tuloy! Ako pa ang natripan nung Clyde na yun! Wala ba siyang ibang nakita kundi ako?
Ayoko nga sa mga tulad niya, sa mga playboy na lalaking katulad niya. Wala naman kasi silang kwenta! NAKAKAIRITA! At syempre nakita ko kung paano masaktan si Laureen dahil dun sa ex niyang casanova!
"Ma, pupunta lang ako sa may park ah." sabi ko kay mama
Pumayag naman siya since matagal ko na rin naman tong ginagawa na tatambay ako sa park para magpahangin.
"Wag ka lang masyadong magpaggabi ah." sabi ni mama sakin
Tumango naman ako tsaka nagsuot ng tsinelas at nagsimula ng maglakad papunta ng park. I think mga around 7 ako pumunta sa park, madilim na rin at onti nalang ang tao. Pero ang sarap ng simoy ng hangin dito. Malamig, payapa, at masarap pagtambayan lalo na pag nag-iisip ako.
Naiisip ko lang na ako nalang pala ang walang naging boyfriend samin. Masyado kasi akong naging ilap sa lalaki. Dati nagkakaroon ako ng crush at meron ding mga nanliligaw sakin, yung iba gusto ko ng sagutin pero parang ayaw din, parang di kasi ako sigurado sa nararamdaman ko. Pero nung 3rd yr hs kami dapat sasagutin ko na yung manliligaw ko kasi that time gustong gusto ko na siya, sigurado na akong gusto niya ako, almost 1 yr niya rin akong niligawan kaya't nafall na ako sakanya, hindi kami naging MU, kahit na gusto ko na siya hindi ko pinapakita na gusto ko siya, hindi ko ipinapahalata. Pero he never fails to amaze me everyday, lagi niyang pinapafeel sakin na mahal na mahal niya ako. As I was saying dapat sasagutin ko na siya, kaya lang the day before ko siyang sagutin nagkaroon ng problema with my friend na si Laureen and his boyfriend, nalaman niyang yung boyfriend niya niloko siya, so ayun umiyak siya samin.
That time, natakot ako ng sobra, na baka pati sakin ay mangyari yun na baka pati ako umiyak lang din in the end. Natakot ako na baka casanova rin pala siya so I told him to stop courting me kasi never ko siyang magugustuhan, pinigilan niya ako pero I insisted, after that hindi na siya masyadong nagpaparamdam sakin. He even transferred school, siguro nahiya siya. I don't know but it hurts. Hindi man naging kami pero feeling ko nawalan ako ng boyfriend, nakisabay yung puso ko sa puso ni Laureen that time. And then after that natakot na ulit akong mafall, at ayokong mafall sa casanovang tulad nung ex ni Laureen, that's why lumalayo ako sa mga casanova, alam ko kasing mafafall ako sa mga sweet words nila, alam kong madali akong mafall sa ganung mga lalaki. So ayun, kaya nung una palang na nakilala ko si Clyde, ayoko na sakanya, I know he's a casanova.
Naputol ang pag-iisip ko ng maramdaman kong may umupo sa gilid ko.
"Mag-isa ka lang?" tanong nung lalaki sakin
Hindi ko siya pinansin at tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Nakakatakot siya. Hindi naman siya ganun kapanget pero ang weird niya.
"Teka lang, san ka pupunta? May boyfriend ka ba?" weird! Nakakatakot. Tatawagan ko na nga lang sila Laureen
Tatawagan ko na sana siya kaya lang naalala kong wala nga pala akong dalang phone. Why so stupid Trish?
"Masyado ka namang nagmamadali eh. Nakikipagkilala lang naman ako."
"Ang weird mo kuya alam mo yun? At wala naman akong pake kung sino ka, kaya please lubayan mo ako." sabi ko sakanya pero hinigpitan niya ang hawak niya sakin at kinaladkad ako
Sisigaw na sana ako ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Adik ba to?! Rerape-in niya ako!
Dinala niya ako sa walang taong lugar at inihiga sa mga damuhan dun.
"Waah. Tulungan niyo ko." naiiyak kong sigaw
Pero walang dumadating na tulong. Masyadong malayo ito sa tao at madilim pa. Katapusan ko na to. Naiiyak na talaga ako.
Sisigaw sana ako ulit pero tinutukan niya ng kutsilyo ang tagiliran ko kaya't wala akong ibang nagawa kundi ang mapahagulgol nalang. Inuumpisahan na niya akong hubaran, sinira niya ang damit ko kaya bra ko nalang ang suot ko, tatanggalin na sana niya ang bra ko ng biglang may humila sakanya mula sakin atsaka siya pinagsusuntok ng paulit ulit.
Clyde, siya to diba? Siya si Clyde? Yung kasama ni Jace nung isang araw sa happy lemon?
Tumakbo paalis yung lalaki. Pagkaalis nung lalaki ay automatic na napayakap ako sakanya ng dahil sa takot. Napatingin sakin si Clyde tsaka niya hinubad ang kanyang t-shirt at isinuot sakin.
"Umuwi ka na. Gabing gabi na kasi nandito ka pa sa may park. Okay ka lang ba?" tanong niya sakin
Tumango naman ako biglang pagsagot sakanya.
"O sige, umuwi ka na ah. Mag-ingat ka na. Uuwi na rin ako." sabi niya tsaka naglakad paalis
Salamat Clyde, kasi kung di ka dumating baka wala na ako sa mundong ito. Salamat kasi nailigtas mo ako. Pero san kaya siya galing? Bakit kaya siya nandito? Pero kahit ano pa man yun ang mahalaga sa lahat ay dumating siya at ligtas ako.
Nang makauwi ako ay nagtanong ang nanay ko kung bakit ibang damit na ang suot ko, sabi ko naman sakanya ay dumating yung kaibigan ko tapos kumain kami ng ice cream eh natapunan ako kaya ipinahiram niya sakin yung baon niyang damit, buti naman at naniwala si mama. Ayoko kasi sabihin sakanya kasi siguradong hindi na ako papayagan niyan sa susunod.
Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay naisip ko nanaman si Clyde, kung paano niya ako iniligtas kanina. HALA! Okay! Casanova pa rin siya kahit anong mangyari! Simple lang yung ginawa niya sayo Trish! Syempre kailangan ka niyang iligtas dahil nakita niyang mapapahamak ka. Hay nako! Binibigyan ko kaagad ng meaning!!
Nagulat ako ng magvibrate ang phone ko sa may side table ko. Sinagot ko kaagad ang tawag.
[Hoy Trish. Anong ginagawa mo ngayon?]
"Wala nasa kwarto lang. Bakit?"
[Kasi kanina pa ako tumatawag sayo! Hindi ka naman sumasagot, kala ko naman may masama ng nangyari sayo.]
"Ah kasi pumunta ako sa park kanina naiwan ko yung phone ko. Bakit ba? Ano bang sasabihin mo?"
[Wala lang naman, pasok tayo bukas ah. Bye.]
Loka yun ah! Syempre papasok kami bukas. Parang baliw naman yun!
Napatingin ako ulit sa suot kong t-shirt. Siguro pupuntahan ko nalang sa Southridge si Clyde bukas para maisauli ito. Hinubad ko na ang damit atsaka sinampay dun sa may cabinet ko.
Inayos ko na ang gamit ko atsaka humiga sa kama ko at pumikit na upang matulog.
Maaga akong nagising kinabukasan kaya't inayos ko na ang mga dadalhin ko at naligo na rin ako. Inayos ko na ang buhok ko at kinuha ko na ang t-shirt ni Clyde.
"Ma, aalis na po ako." sabi ko sakanya tsaka humalik sa pisnge niya
"Mag-ingat ka anak." sabi niya sakin
Nagsimula na akong maglakad papunta sa school namin. Pagkadating ko sa room namin ay sinabihan ako ng mga kaklase ko na mayroong meeting ang SCO, kaya't pumunta na agad ako dun sa SCO room, oo may sariling room ang SCO noh, para pag may meeting or kung ano man ay dun kami pumupunta. Kahit naman yung ibang clubs dito sa school ay may sariling rooms eh. Syempre dun sila naghahanda at nagmimeeting.
Isa ako sa SCO ng school namin. Ako yung Secretary. Nakalimutan kong sabihin na 4th yr hs na kaming magkakaibigan. So ayun, and kaming 4 din ay nasa SCO ng school. Sumali kasi kaming 4 then ayun napili rin naman kami ng teachers.
"Sorry late ako." sabi ko pagkapasok. Pero hindi pa rin naman nagsastart ang meeting. Kulang pa rin naman kasi kami.
"Okay lang. Biglaan lang din naman kasi." sabi ni Fiona sakin, siya kasi ang president
Umupo na ako sa assigned seat ko at inilabas ko na ang ballpen at papel ko. Ready na akong magsulat sa mapagmimeetingan.
Nang dumating ang kulang na officers ay nagsimula na ang meeting.
"So ang sabi sakin ng principal ay makikipagcooperate raw tayo sa taga Southridge, ang school na mahigpit nating kalaban." sabi ni Fiona
"Why? Anong gagawin?" pagprotesta ng iba
"Meron daw kasing magiging battle of the bands and sa NCR ang school natin ang napili. Ang school ng southridge at tayong Northbridge ang napili. Pero yung dalawang school ay magmemerge. Sa bawat regions ay may pipiliin na dalawang school and sila yung magmemerge and lalaban sa ibang schools from other regions na nagmerge rin. So ayun." pag-eexplain ni Fiona
Nagtaas ng kamay si Leigh
"So, kailan naman magmimeet ang bawat isa?" tanong niya
"Hmm? I think bukas daw ay pupunta ang mga taga southridge na SCO and yung band na imemerge satin ay isasama na rin nila, then tayong mga SCO ang dapat na mag-ayos sa magiging event na to. Dapat ay alam natin ang mga nangyayari kasi parang tayo ang coordinator between 2 schools. Pero hindi nung mismong event. Dapat lang iplano natin yung magiging magandang pakulo. So gets niyo?" pagpapaliwanag ni Fiona
Tumango naman ang lahat.
Halatang yung iba sa SCO ay ayaw na mameet yung SCO sa southridge kasi nga bali balita na maaarte ang mga taga southridge na girls so ayun. Kahit ako ayoko rin naman sila mameet. Pero okay na rin.
Bukas ko nalang din ibabalik to kay Clyde. Pero paano pala kung hindi naman siya SCO officer diba? Ay bahala na nga! Ay nako! Sige na nga, ngayon na. After class.