Bakla Ka?

2215 Words
[Leigh's POV] Hindi ko talaga makakalimutan yung lalaking nambastos sakin noong isang araw. I hate him! Dinadasal ko na sana never ko na siyang makita ulit. Nakakairita kasi siya! Parang babae kung umasta. Babae ba siya?! Kung magalit sakin kahapon wagas. "Hoy, tama na yan. Alam kong pinapatay mo nanaman sa isip mo yung lalaki kahapon na taga Southridge." sabi naman ni Laureen sakin "Oo, pinapatay ko na talaga siya sa isip ko." sabi ko naman sakanilang tatlo Nandito kami ngayon sa mall kasi saturday ngayon and napagdesisyunan namin na umalis at magcelebrate dahil naging successful ang booths ng bawat isa samin. "Nandito tayo para magcelebrate hindi para isipin ang bwiset na lalaking yun kaya tara na't magsaya nalang." sabi naman ni Fiona tsaka hinigop ang milk tea niya Nasa happy lemon kami ngayon at tumatambay lang kami para mag-usap usap. Wala lang, ganun lang naman kasi talaga kami kapag lumalabas kami. It's either mamimili ng mga gusto namin or tatambay sa isang milk tea place or coffee shop at mag-uusap usap. "Guys, may bibilhin ako ngayon sa department store so dito muna kayo tapos babalikan ko nalang kayo." sabi ko naman sakanila "Okay, pero bilisan mo ah." sabi naman ni Trish So ayun kinuha ko na ang gamit ko and pumuntang mag-isa sa department store. Titingin kasi ako ng bag, kasi nakita ko yung bagong release na bag and nagustuhan ko yung design so titignan ko kung meron ba rito. Bingo! Nakita ko na ang hinahanap ko. Kukuhanin ko na sana pero may nakasabay ako sa paghawak dito kaya't napatingin ako sakanya. "IKAW?!" sigaw naming dalawa Siya lang naman yung lalaking taga southridge na binastos ako. "Nauna akong kumuha nito." sabi ko naman sakanya "Ako ang nauna na humawak dito." pagprotesta naman niya sakin "No! Ako." sabi ko naman tsaka pinilit na hinila ang bag papunta sakin Napatakip ako sa bibig ko ng may marealize ako! Okay! Kaya pala! "Kaya pala!" sigaw ko naman "Anong kaya pala?" naguguluhan niyang tanong sakin "Kaya pala ganun ka makareact sakin nung isang araw, kaya pala kung makainsulto ka sakin wagas. Kaya pala! Now I understand. Now I get it.." Halata sa muka niyang naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ko? Nagmamaang maangan pa siya eh huli na nga siya. Ayaw pa niya sabihin! HAHAHA. "Ano ka ba girl! Okay lang yan. HAHA! Ngayon ko lang naisip yun ah. Sister ka pala eh! Siguro kaya ka nagalit kasi hiyang hiya ka dahil nadumihan ang damit mo. Ahh, problem nga sating mga babae yan. Nakakahiya nga tignan pag ganun, kasi muka tayong dugyot pag ganun. Hindi mo naman sinabi sakin na babae ka at heart." Napansin kong nanlaki ang mata niya sa mga pinagsasabi ko. Did I say something wrong? Or nagulat siya dahil nalaman ko? Nako! Hindi naman niya kailangan pang itago! Hindi rin niya yun kaya itago sa sarili niya. "Alam ba ng friends mo na bading ka?" tanong ko sakanya "Gay? Me?! Are you kidding me? Hindi ako bading! Okay?" "Ha? Mali ba ako? Wag mo na ideny! Okay lang yan." sabi ko naman sakanya at tinap pa ang balikat niya "I'm. Not. Gay. Understand?" seryoso ang muka niya ng sabihin niya yan kaya natakot ako Napatango ako bigla, ang dilim kasi ng aura niya. Nakakatakot. "Hindi ako bading, tandaan mo yan. Nakakainis lang talaga na napahiya ako dahil dun sa gown mo na kung makasayad sa lupa wagas, na naging dahilan ng pagkadapa ko. And itong bag, ay hindi para sakin. Para to sa kapatid kong babae na nagwawala ngayon para sa bag na to. Limited edition daw to kaya yun pinilit akong bumili. Pinasugod pa ako rito. Napakaisip bata kasi." pag-eexplain niya sakin "Ah ganun ba? O sige sakanya nalang yan. Baka may stock pa rin naman sila eh, magtatanong nalang ako." sabi ko naman sakanya Naiinis ako sakanya, inaamin ko yun. Nainis ako dahil sa ginawa niya sakin, pero para naman sa kapatid niya eh. Tsaka kung tutuusin baka mas matanda pa ako dun sa kapatid niya kaya ako nalang magpaparaya. Hindi na ako dapat makipagpatayan pa ng dahil sa bag. Tsaka hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob, siguro konting inis nalang kasi inalipusta niya pagkatao ko, yun ang nafeel ko nung panahon na yun. And yes, I feel bad nung malaman kong hindi pala siya bakla. HAHAHA! And natuwa ako sakanya ng konti dahil bibilhan niya talaga ng bag ang kapatid niya, tapos sobrang girly pa nung bag na aakalain mong bading ang lalaking titingin nun. HAHAHA! So ayun, sweet siguro siyang kuya. Pero konti lang ah, syempre naman hindi ko pa rin makakalimutan na medyo magaspang ang ugali niya, ay mali! Magaspang pala talaga! HAHAHA xD "Miss, may iba pa ba kayong stock ng bag na yan?" tanong ko dun sa saleslady "Ay mam, yung hawak ni Sir ay last stock na po." sabi naman nung saleslady SAYANG NAMAN! Pero sige hayaan na nga, okay lang naman yun! Bag lang naman yun atsaka hindi na ako makikipagpatayan lang para dun. Hindi naman ako isip bata na para lang sa bag ay papatulan ko pa yung mas bata sakin haha! "You can have it." sabi nung lalaking yun. Wow! May good side pala siya? "Wag na, sakanya nalang yan. Okay lang ako, bag lang naman yan. Sige na aalis na ako, babalikan ko pa mga kaibigan ko. Bye kuyang mapanginsulto." syempre kahit mabait siya hindi ko parin makakalimutan yung kasamaan niya sakin noh. Napahiya ako dahil dun, nasabunutan ko pa siya. Bago pa man ako tuluyang makaalis ay may sinigaw siya "Thanks and sorry." Okay! Atleast nagsorry siya sakin. HAHAHA. Yun lang naman ang gusto kong mangyari eh. Forgiven. Pero magaspang pa rin ugali niya. Pagkabalik ko sa may happy lemon ay nakita ko silang nagkekwentuhan pa rin. "Oh, nasan yung binili mo?" tanong sakin ni Trish "Out of stock." "Ahh ganun? Ano ba yun?" tanong ni Fiona "Bag na limited edition." sagot ko naman "Ahh yun lang pala. Pero ang tagal mo." "Kasi nakita ko yung lalaking ininsulto ako nung isang araw sa school eh." sabi ko naman sakanila Halatang nagulat sila dahil nanlaki ang mata nila. "Sinapak mo noh?" tanong ni Laureen "Anong ginawa mo? Baka naman napatay mo na! Ikaw pa, eh ang taray taray at ang suplada mo." kumento naman ni Trish "Anong ginawa mo? Baka nag-eskandalo ka pa. Baka makita nalang namin yung video mo sa youtube!" sabi naman ni Fiona "Relax guys. Walang nangyaring ganyan. Actually nagsorry siya sakin." sabi ko sakanila "WEH?!" And kinwento ko na sakanila ang buong pangyayari na naganap sa department store. Muka naman silang nagulat at hindi makapaniwala ng ikwento ko yun. "Siguro nga bad trip lang siya that time at saktong napahiya pa siya kaya naging ganun ang reaksyon niya." pagcocomment ni Laureen "Siguro nga." "Pero I like the part na akala mo bading siya." sabi ni Fiona habang natatawa pa "So okay na kayo ni Mr. Insulto?" tanong ni Trish "Kinda. Nagsorry nanaman eh. Pero syempre hindi ko pa rin makakalimutan. At habang naiisip ko yun naiinis pa rin ako." "Atleast okay na kayo diba? Pero ayoko nalang talaga makita yung lalaki na bastos talaga ang mga taga Northbridge. Hindi ata ako papayag sa ganun noh!" sabi ni Fiona "Yeah. Nakakainis nga siya." sabi naman ni Trish "Wait. Siya yung Mr. Insulto diba Leigh?" tanong ni Laureen sakin Napatingin naman ako dun sa may cashier kung san may apat na lalaki akong nakitang nakatayo at umoorder. "What a coincidence." sabi naman ni Trish Napalingon sa gawi namin si Mr. Insulto, kaya't lumingon ako sa ibang lugar. Nakita niya kaya ako? Ayokong makita niyang nakita ko siya noh, baka isipin niya crush ko siya. "Uy Ms. Judgemental nandito ka pala." sabi niya sakin "Ms. Judgemental?!" tanong ko sakanya! BAKIT AKO NAGING JUDGEMENTAL?! "Yeah! Jinudge mo kasi na bading ako dahil lang sa bag na to. HAHAHA." sabi niya sakin Binabawi ko na ang sinabi ko! Hindi kami okay! Talagang may saltik ang isang to! "Anong trip mo?" tanong ko sakanya "Asarin ka ulit? HAHAHA." sabi niya sakin tsaka humila ng upuan mula sa kabilang table Kanina nahihiya siya nung nagsorry siya tapos ngayon makadikit kala mo close kami. Umupo naman sa table sa likod namin yung tatlo niyang kasama. So parang ang dating nasa iisang table kami. Tapos siguro hindi nakatiis ang isang to, kaya't kinuha niya yung table nung mga kaibigan niya at idinikit samin atsaka sila pinalipat dun. "So? Anong trip to?" tanong naman ni Trish "Trip? Hindi kami nantitrip. Siguro gusto lang namin kayong mas makilala pa. Lalo ka na. Hindi ko alam na maganda ka pala. What's your name?" tanong nung isang kasama ni Mr. Insulto Hindi sumagot si Trish, siguro ay naiinis siya kaya't hindi niya pinansin. Ayaw niya kasi sa katulad ng ganung lalaki. Ayaw niya sa mga lalaking playboy, dahil ganun ang naging 1st boyfriend ni Laureen and ayaw niya na magaya siya kay Laureen, kaya't kapag nakakaencounter siya ng mga ganung klase ng lalaki ay hindi na niya pinapansin pa. Baka raw kasi mamaya mahulog siya. "Ikaw yung lalaki na nagsabing bastos ang mga taga Northbridge diba? Hmmpph! Kainis. Ano ba pangalan mo?! HA?!" tanong ni Fiona. Halata ngang naiinis na siya eh. "I'm Dexter. I don't care, kasi totoo naman." sabi niya at ininom ang milk tea niya "Aba't sumosobra ka na ah! Napakayabang mo! " sabi naman ni Fiona "Chill lang kayo guys." pag-awat naman ni Mr. Insulto "Hoy Mr. Insulto, ilayo mo yang kaibigan mo na yan samin. Okay? Baka hindi namin matansya." sabi ni Laureen na nakayukom na ang kamao "Ang pangalan ko ay Jace at hindi Mr. Insulto. Gets? Siya naman si Dexter, si Clyde, at si Keith." sabi niya habang tinuturo isa isa ang mga kaibigan niya "We're not interested." sabi ni Trish "Ang arte mo naman." kumento nung Clyde "K." "Hoy Mr. Insulto o kung sino ka man, ilayo mo nalang sila rito. Akala ko pa naman mabait ka na yun pala ang lakas ng sapak mo!" sabi ko sakanya "Wala akong sapak at JACE ang pangalan ko. Tandaan mo yan! JACE ang pangalan ko." sabi niya sakin tsaka tinuloy ang pag-inom niya ng milk tea niya "Hoy, hindi ka ba marunong magsalita? Bakit nakaipad ka lang?" tanong ni Laureen dun sa Keith Hindi siya sumagot kaya't nainis si Laureen at tinapat ang bibig niya sa tenga nung lalaki. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya nung lalaki. "Shut up and don't you dare. Ang ingay mo at nakakairita ka. Para kang nasa palengke kung umasta." sabi ni Keith Natameme naman si Laureen sa sinabi nung lalaking yun. "Hoy Jace, ilayo mo na yang mga kaibigan mo habang nagtitimpi pa ako." sabi ni Fiona "Wala naman kaming ginagawang masama. Kung ineenjoy niyo sana ang time na ito at hindi kayo nagrereklamo hindi kayo makakatanggap ng ganyang mga salita." natatawang sagot ni Jace "Arrrggghh! Kala ko mabait ka na talaga, natuwa pa man din ako sayo." sabi ko sakanya Pero parang wala siyang narinig at uminom lang siya ng milk tea. Maya maya pa ay hindi na talaga namin nakayanan ang kakapalan ng muka nila kaya't tumayo na kaming apat at handa ng umalis. Bigla naman tumayo si Jace. "San kayo pupunta? Tara kain tayo sa Mcdo." sabi niya tsaka ako hinawakan sa braso at hinila palabas sa happy lemon "HOY! Bitawan mo ko. Yung mga kaibigan ko." sabi ko naman sakanya, pero patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sakin Pero dahil naiirita na talaga ako sakanya ay binawi ko na ng sapilitan ang braso ko mula sakanya. "Ano bang problema mo? Ayaw namin sainyo. Gets niyo ba yun? Hindi ako komportableng nakikita ka at hindi ako komportableng kasama kayo. Ang susungit ng barkada mo at ang yayabang. Ganyan ba kayong taga Southridge? Bilib na bilib sa sarili? Nakakaasar! Makaalis na nga!" sigaw ko atsaka iniwan siya dung mag-isa Naabutan ko pa rin sa labas ng happy lemon ang mga kaibigan ko. "Tara na. Nakakairita. Dapat di nalang tayo rito nagpunta." sabi ko naman sakanila tsaka sila hinila paalis sa mall. Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si Ate Gee na nakaupo sa may sala. "Ate Gee! Kailan ka pa nandito?" tanong ko sakanya "Hmm, kahapon pa ako nakabalik ng Pinas. So how are you? Mukang galing ka sa labas ah." "Oo. Lumabas kasi kami nila Fiona." "Ahh ganun ba? HAHA. So nag-enjoy ka naman?" "Not really, nakakainis kasi yung mga boys from southridge ang yayabang." "Why?" So ayun, kinwento ko simula't sapul ang nangyari kay ate. "Yun mean? Kilala mo si Jace?" tanong niya sakin "Oo, ate yung taga southridge." "Jace Ashton Davis?" "Hindi ko alam full name niya ate." "OMygosh! Kakilala namin yun. Kaibigan ko yun eh. HAHAHA! Kasi kaibigan siya nung boyfriend kong si Adam "Grabe! Ang yabang nun ate! Tapos kaibigan mo siya! Nakakainis naman eh." "Hindi yun mayabang. HAHAHA. Joke niya lang yun, mabait yun super! Siguro minsan dapat magkasama tayong apat nila adam. HAHAH. Para maging friends mo rin siya at para mas makilala mo siya. Iba siya sa iniisip mo." sabi ni Ate Gee "Hmmph! Basta ganun pa rin siya. Hindi na siya magbabago pa sa isip ko." Napatawa nalang sa sagot ko si Ate gee. Pero totoo! Nakakainis silang apat lalo na yang Jace na yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD