Papalapit pa lang ako sa kotse ni Aeron nito pero lumabas na siya kaya natigilan na ako sa paglalakad. Masaya niya akong nilapitan ngunit hindi ako masaya na nandito siya sa harapan ko ngayon.
“Gia!” Masayang tawag niya sa akin.
“Anong ginagawa mo dito?” Nakataray na tanong ko sa kanya.
“I miss you!” sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
“Hindi mo na ko mabobola Aeron,” malamyang sabi ko sa kanya.
“Ang sungit naman ng baby ko.” nakangiting sabi niya sa akin sabay bukas ng pintuan ng kotse niya.
Kinuha niya ang isang malaking bouquet ng bulaklak at isang basket ng mga tsokolate.
“Anong gagawin ko dito?” tanong ko sa kanya.
“Di ba paborito mo ‘tong mga ‘to?”
“Dati,”
“Galit ka pa rin ba sa akin?”
“I’m 100% sure na nakipag hiwalay na ako sayo last time ‘di ba?”
“I know, I know,”
“Alam mo naman pala, Aeron, why are making this to me? Guilt tripping ba ang trip mo ngayon?”
“No! That’s not what I thought. I- I- I want you, back,” utal na sabi niya.
“Stop na Aeron, tatlong beses na kitang binigyan ng pagkakataon para magbago. Hindi ka na talaga magbabago. Sakit na ‘yan Aeron, sakit na hindi mo na mapapagaling kaya pakiusap bigyan mo naman ako ng kaunting kahihiyan,”
“Kaya nga~ I’m trying to win you back kasi I know my mistakes. Mahal kita Gia! Fling lang naman ‘yun,”
“See?” nakataray na sabi ko. “Hindi ‘yan fling lang Aeron! Makati ka! Makati ka talaga! Did you know how much trauma you did to me? Sobra-sobra Aeron! You make me feel insecure and shame. Hindi ko kayang makipag sabayan sa status ng buhay mo Aeron kaya ganyan ka! Alam ko kung saan at kung kailan dapat tumigil kaya please lang. Please lang! Lubayan mo na ako,” Naluluha kong sabi sa kanya.
“Baby… Please.” malungkot na sabi niya sa akin habang papalapit sa akin.
Hindi ko hinayaang makalapit pa sa akin si Aeron kaya pumasok na ako sa loob at madaling sinara ang gate.
“Hindi na kita mahal! Mag hiwalay na tayo Aeron! kaya wag ka nang babalik dito!” pahabol kong sigaw sa kanya sabay talikod.
Iniwan kong nakatanga si Aeron sa labas ng bahay namin. Nasasaktan pa rin ako ngayon kasi mahal na mahal ko talaga si Aeron. Apat na taon din kaming magkasintahan legal both sides. Tanggap ng inay at itay si Aeron bilang nobyo ko pero kasalungat naman nito sa kanila.
We were like living in different world. Mayaman siya ako mahirap lang.
Umasa naman ako na dadating ang panahon na tatanggapin ako ng pamilya niya kasi matalino naman ako. Ako ang tumulong kay Aeron sa academic grades niya pero wala eeh. Hindi ako pasok sa standard nila.
They owned many businesses here in the province at kami we owned a little house in the middle of nowhere.
Mahirap at umaasa lang sa mga fresh goods na nasa bahay at farm namin.
Kahit ganito ang estado namin sa buhay never kong kinuwesyon ang magulang ko. Hindi sila naka-graduate ng high school kaya ngayon ako ang magtutuloy ng pangarap nila. Ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay.
“Gia! Gia! Gia!” paulit-ulit na sigaw ni Aeron sa labas.
Gusto ko siyang balikan pero p*ta sobrang b*b* ko na n’un kasi paulit-ulit na niya akong ginagago pero heto ako ngayon parang nililipad na naman ng hangin pabalik sa kanya.
Huminto ako saglit sa paglalakad ko nito at pumikit ako sa para manalangin at humingi ng sign kay Lord kung paano ako makakawala sa kay Aeron at kaagad ay binigyan niya ako ng sagot. Pag mulat na pag mulat ng mga mata ko ay nakita ko si inay at itay na nakadungaw sa bintana. Nakangiti sila sa akin at kinakawayan ako.
“Tama na.” Nakangiting sabi ko.
Naglakad muli ako nito at pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Sinara ko ang pintuan pati na rin ang mga bintana para hindi ko masyadong marinig ang tawag sa akin ni Aeron.
“Kumusta?” tanong ni inay sa akin.
“Okay naman po,” sabi ko sabay hagulgol.
“Sige lang anak ilabas mo lang ‘yan. Nandito ang inay at itay para samahan ka sa lungkot na dinadala mo.”
Bakit pumunta ka pa dito Aeron? Masaya na ako na wala ka. Nag mu-move on na ako. Bakit pinapabigat mo na naman ang puso ko? Mahal na mahal kita hindi minahal kita pero dahil sa sobrang sakit na. Kailangan ko nang bumitiw sayo. Hindi ko na kayang mabulag-bulagan sa mga kalaswaang ginagawa mo sa likod ko.
Tanggap ko na. Hindi talaga tayo para sa isa’t-isa dahil si Aeron ka at si Gianna lang ako.
Malayong-malayo ang agwat nating dalawa.
Sobrang tagal kong umiyak sa bisig ni inay. Sobrang sakit ng nararamdaman ko habang umiiyak kaming dalawa ng inay ay dumating ang itay na may dala-dalang plastik.
“Ano na naman ‘yang dala mo Erning?” galit na tanong ni inay kay itay.
“Ito? Ano baga ang tawag natin dito? Congratulation party ni Giyang kasi mag aaral siya sa Maynila o dahil break na talaga sila ni Aeron?” pakamot-kamot na tanong ni itay kay inay habang nakangiti.
“Ano ba ‘yan?”
“Alak.” Natatawang sabi ni itay.
“Hay nako ka talagang matanda ka!” inis na sabi ni inay.
‘Di ko alam bakit natawa ako kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ni itay. Oras ba ng alak ngayon? Alak ba talaga ang solusyon sa problema? Sabi nila kapag masaya ka uminom ka ng alak, kapag naman malungkot ka uminom ka ng alak at kapag naman umiiyak ka uminom ka ng alak. Alak na ba talaga ang solusyon ng problema ngayon?
Ngayon lang nag-aya nang inuman ang itay kaya siguro oras na din para makipag-inuman ako sa kanya. Hindi din naman kasi palainom ang itay dahil pagod lagi sa bukid.
Pinunasan ko ang luha ko at tinulungan ko ang itay na maghanda ng iinumin namin.
“Iinom ka din naman inay ‘di ba po?” nakangiting tanong ko kay inay.
“Aba’y…” sabay tingin kay itay. “Sige anak,” nakangiting tugon niya.
“Bakit may pag-paalam kay itay?” Panunutya ko sa kanila.
“Kung alam mo laang anak. Ang inay mo kapag-“ putol na sabi ni itay.
“Hindi ka pa nakakainom Erning ay lasing ka na,” Pamimigil ni inay.
“Ayy sige na at inumin na natin itong alak na binili ko. Mamaya wala na ang lamig nito sayang ang sarap niya,” natatawang sabi ni itay.
Nagluto ang inay ng itlog para sa pulutan namin at itong dala-dalang tsitsirya ni itay. Kainaman naman at nakainuman ko pa ang magulang ko bago ako umalis ng baryo. Nakakatuwa lang.
“Anak, mag iingat ka sa Maynila aah,” sabi sa akin ng inay.
“Pupunta kami ng bayan bukas para tawagan ang tiya Marites mo para doon ka na lang muna tumira sa kanila pansamantala,” sabi naman ni itay.
“Maraming salamat po inay at itay. Hayaan niyo po gagawin ko po ang lahat para makagraduate ako sa kolehiyo at iaahon ko ang pamilya natin sa kahirapan. Babawiin natin si Ronald,” nakangiti kong sabi.
“Matalino kang bata kaya alam naming makakamit mo ang lahat ng pangarap mo sa buhay.” sambit ng inay sabay yapos sa aking pisngi. “Ikaw ang dahilan kung bakit nagpapatuloy kami sa buhay anak, dahil ikaw ang binigay sa amin ng Diyos. Matagal din kami ng itay mo nangarap na magkaroon ng anak kaya noong dumating ka sa amin sobra na lang talaga ang pasalamat naming sa Diyos. Sobrang saya naming dalawa ng itay.”
Napapaluha na lang ako sa sinasabi ni inay sa akin sobrang ramdam ko ang hirap na dinanas nilang dalawa para lang mapalaki ako kaya ngayon sinisigurado ko sa sarili ko na mag tatapos muna ako ng pag-aaral tapos mag ta-trabaho ako sa magandang hospital at pagkatapos ay yayaman ako kukunin ko ang inay at itay sa Maynila para doon na lang manirahan.
“Wag ka nang umiyak diyan,” Pang-aasar ni itay sa akin. “Kaya dapat galingan mo sa school tapos mabuhay ka ng masagana doon. Kami na ang bahala ng inay mo sayo kapag nakadating ka na sa tiya mo. Basta anak mag papakabait ka doon aah… Maging masipag ka sa bahay at kung wag na wag kang makikipag-away sa pinsan mo,” Bilin ng itay sa akin.
“Opo itay, alam ko naman po kung saan lang ang hangganan ko. Magiging best cousin at best niece ako sa kanila para maging masaya lang ang buhay ko sa Maynila.”
Hinaplos ng itay ang buhok ko sabay ngiti sa akin. Kaya niyakap ko sila ng pabalik.
I’m blessed! Gianna namamataang lalaban sa buhay! Aja!