bc

I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL - PROBINSYANA I (SPG)

book_age18+
3.3K
FOLLOW
23.5K
READ
possessive
sex
sadistic
badboy
CEO
bxg
cheating
love at the first sight
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila.

Hindi ko lubos maisip na ang pagpunta ko pala sa maynila ang siyang maglulubog sa akin at magpapatikim sa akin ng KAPIT SA PATALIM.

Habang nag aaral ako ay pinasok ko ang buhay entertainment. Isang entertainer sa club mabigyan man lang ng kaunting ganasya ang pamilya ko sa probinsya at makatulong sa pagbabayad ng matrikula ko.

Isang malamig na gabi habang busy akong nag aaral sa club ay biglang napukaw ng atensyon ko ang isang lalaki. Nakatitig ito sa akin! Malagkit! Sobrang lagkit! para akong binuhusan ng malamig na tubig habang hindi nawawala ang tingin ko sa kanya. Mas lalong nanglambot ang mga buto ng lumapit siya sa akin at pinili akong sumama sa kanya sa kwarto.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
Gianna’s POV “Tulong! Tulungan niyo ako!” Sigaw ko nang paulit-ulit umaasang may tulong na dadating. Ilang minuto rin akong nagsisisigaw hanggang sa panghinaan na ako ng loob dahil lumalaki na rin ang apoy sa loob ng silid na ‘to. “Ito na ba ang katapusan ko?” Umiiyak na tanong ko sa sarili ko. Hindi pa ko handa sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko pero heto at tinatapos na ako. Umiiyak na ako sa takot nito. Nananalangin na sana ay iligtas niya ako pero… Kahit anino niya ay wala. Nandito ako sa banyo ngayon binabasa ang katawan ko ng tubig. Hindi na talaga kayang makaalis pa. Kaunti na lang at mamatay na ako. Pagpikit ko ng aking mga mata… Napabalikwas ako bigla sa lakas ng tunog sa tabi ko. “Haaah!” Sigaw ko habang habol-habol ang hininga ko. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko ang puno ng kahoy sa paligid. “Nasaan ako?” Kinakabahang tanong ko. Habang palinga-linga ako sa paligid ko ay nakita ko ang isang litrato na nakasiksik sa salamin. Tinitigan ko ito at maya-maya pa’y naalala ko na lang na nasa bahay nga pala ako. Guminhawa ang pakiramdam ko nito at marahan pa’y dahan-dahan akong tumayo sa kinahihigaan ko at pagkatapos ay inunat ko ang katawan ko. “Hayyy… Masamang panaginip lang pala.” sabi ko. Pagkatapos kong sambitin ‘to ay naalala ko na masama pala itong pamahiin kaya dali-dali akong kumagat sa kahoy sa pintuan para itaboy ang masamang panaginip na ‘to. “Ayoko pang mamatay.” Malungkot na sabi ko habang punas-punas ang kaunting luha na dumaloy sa pisngi ko. Kahit pa masama ang panaginip ko na ‘to ay sinubukan ko pa ring maging maganda at positibo ang araw ko. Ilang sandali pa’y tiningnan ko ang orasan sa tabi ko at nakita kong alas syete na ng umaga kaya nag madali na akong bumaba para magluto ng agahan namin ng inay at itay. Katulad ng dati, Ang inay at itay ay pumupunta ng bukid para mag tanim ng palay. Panahon pa ng pagtatatanim ngayon kaya panigurado ay puro putik na naman ang lalabhan ko. Tumungo muna ako sa kusina upang silipin ang aming hanging ref kung may makakain ba o may mailuluto ba doon pero sa kasamaang palad ay wala pa. Hindi pa nakapag ani ng gulay ang inay. Kinuha ko ang basket ni Inay at tumungo na ako sa aming hardin. Pinitas ko ang mga gulay doon na maaari ko nang iluto at pagkatapos n’un ay tumungo na ako sa manukan ni itay at doon ay kinuha ko na rin ang mga itlog ng mga manok. Kaunti pa lang ang mga itlog ng mga oras na ‘to kasi masyado pang maaga kaya pagkatapos kong kumuha nang mga itlog ay nilagyan ko na ng inumin ang mga manok at pinakain ang mga ito. Pagkatapos kong pakainin ang mga manok ay bumalik na ako sa bahay para magluto naman ng mga kakainin namin ngayong umaga. Nagluto lang ako ng mga inensaladang gulay at prinitong itlog. Pagkatapos kong magluto ay bumalik muli ako sa kulungan ng mga manok ni itay at nilinisan ko naman ang mga kalat at dumi dito. Hindi kasi pwedeng matambakan ng dumi ang ilalim ng mga kulungan ng manok dahil mabaho rin ang mga dumi nila. Kuskos dito kuskos doon. Nakakapagod din ang ganitong trabaho ngunit hindi pa dito natatapos ang trabaho ko dahil may dalawang baboy naman ang inay. Pinakain ko na rin ang mga ‘to, pinaliguan at nilinis ang kulungan. Pagkatapos kong gawin ang mga trabaho na ‘to nakaramdam ako nang pagod. “Hayyy… Nakakapagod din mag linis nang mag linis ng mababahong kulungan na ‘to pero Gianna tiis lang kasi kapag nakapag-aral ka na sa kolehiyo at nakapag tapos ka na yayaman na tayo tapos isasama na natin sila itay at inay sa Maynila tapos doon na kami titira.” Kinikilig na sabi ko sa sarili ko. Napakataas talaga ng pangarap kong ‘to at sinisigurado ko sa sarili ko na tutuparin ko ‘to. Ito ang tanging pag-asa naming pamilya para guminhawa ang buhay namin. Mag-aaral akong mabuti at ako naman ang bubuhay sa magulang ko. Pagkatapos ng nakakapagod na trabaho sa bahay ay umupo muna ako sa mahabang upuan namin sa labas ng bahay. Nakatanaw ako sa malayo habang nag-iisip ng mga bagay-bagay. Mga bagay na maaaring mangyari sa akin kapag nakatapos na ako ng pag-aaral, mga gamit na bibilhin ko kapag yumaman na kami at kung paano ko mapapatayo ang barong-baro na ito. Pangiti-ngiti pa ako nito ng bigla kong naalala ang cellphone ko. May importanteng text akong hinihintay. “Oo nga pala!” Tarantang sabi ko habang patakbong tumungo sa kwarto ko. Sa gilid ng kama ko nakita ko yung cellphone ko na de keypad kaya agad ko itong kinuha. “4 messages?” Kinakabahang tanong ko habang binubuksan ang mga text. Lahat ng text na ito ay text lang galing sa isang network ng sim. Paalala lang na mag load ako ulit dahil expire na daw ang load ko. Nalungkot ako kasi akala ko ito na ‘yung hinihintay kong text. “Hindi ako pumasa?” malungkot na tanong ko sa sarili ko. Humiga ako sa upuan sa sala namin at tinakpan ng braso ang mata ko. Nakakapanghina lang. Parang hindi ko kaya na hindi ako papasa sa school na ‘yun dahil ginawa ko talaga ang lahat ng makakaya ko para mapasa ko ‘yung entrance exam nila. Ilang oras pa ang lumipas ay naka-idlip ako sa kinahihigaan ko. Isang malakas na tunog ang narinig ko sa tabi ko. Pagmulat ng mga mata ko ay agad ko ‘tong hinanap at nakita ko ang cellphone ko na nag ri-ring. “Unknown number?” tanong ko. Nakatingin lang ako dito nag dadalawang isip na sagutin ng bigla kong naalala. “Ito na kaya ‘yun?” Kinakabahang tanong ko. Sinagot ko ang tawag na ito. “Hello po?” “Is this Gianna Blaire Morales? This is Elena Cortez, admin assistant from Universidad De Dios; we would like to congratulate you for passing the entrance exam and you have been chosen to be a full scholarship of our school. Please be here on July 1, 2024 to process your documents. Bring your form 137, good morals, and diploma for the requirements.” sabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ng mga oras na ‘to. I was too stunned at the moment. Parang lumilipad ako ngayon sa tuwa. Abot langit ang ngiti ko ng mga oras na ‘to. “Hello? Are you still there?” tanong niya. “Ahmm… Yes! Yes! Still here po ma’am. Thank you for giving me the opportunity to study there. I will be there on July 1. Thank you! Thank you, Lord!” Masayang sabi ko. “You deserve it, Gianna. Okay, then I will see you on July 1. Bye.” Pinatay na niya ang tawag niya sa akin at pagkatapos ay tiningnan ko ang message sa cellphone ko. Nakalagay dito ang mga details at congratulatory note nila para sa akin. “Thank you, Lord!” Sigaw ko. Everything you do trust in the Lord talaga. Kahit na nagkaroon ako ng doubt kanina ay napawi naman ito agad ng kagalakan sa puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dahil sa tuwa ko. Patakbo na sana ako kina inay at itay nito pero naalala ko na dapat pala mag pasalamat muna ako sa Diyos dahil sa biyayang binigay niya sa akin ngayon. Pumasok ako sa silid ko nito at taimtim akong nag-dasal at pagkatapos nito ay tumakbo na akong lumabas ng bahay namin at tumungo na ako kila inay at itay. "Inay! Itay!" sigaw ko habang umiiyak sa tuwa. Agad na tumayo sina Inay at Itay sa pagtatanim ng palay sa harapan nila at madaling lumapit sa akin. "Anong meron anak ko?" naguguluhang tanong sa akin ni inay. "Nakapasa po ako sa entrance exam! Makakapag aral na po ako ng college!" sabik kong sambit sa kanila. Naluha si inay sa sinabi ko at agad akong niyakap ng mahigpit. "Magkakaroon na ako ng nurse na anak!" Sigaw ni inay sa mga kasamahan nila. "Opo nay magkakaroon ka na ng nurse na anak! Pangako ko kapag nakapagtapos na ako sa nursing school hindi na kayo mag tatrabaho pa," masaya kong sambit sa kanila. "Kailan daw punta mo sa Maynila, anak?" tanong ni itay sa akin. "Sa July 1 po tay ang sinabi sa akin na kailangan ako sa school para sa requirements ko,” “Ganoon ba? Kailan ba ang July 1?” tanong niya ulit. “Sa Miyerkules na po agad tay,” “Huh?" gulat na sabi ni itay, "Nako paano ito? Sige gagawa ng paraan ang itay,” nakangiting sabi niya sa akin. “Paano nga pala ang pera?” malungkot na tanong ko sa sarili ko. Inakay ako ni inay at itay paalis ng bukid. Habang naglalakad kami pauwi sa bahay ay napapaisip ako. “Paano nga ang pera? Wala pala kaming pera. Anong gagawin ko ngayon?” paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. “Ooh bakit bigla kang nalungkot diyan?” tanong ni itay sa akin., “Wag mo isipin ‘yung pera anak, Si tatay na ang bahala diyan,” “Nandyan naman si Ronald, Siya na muna ang tutulong sa atin,” singit ni inay. “Okay lang po ba sa inyo na ibenta si Ronald? Parang kapatid ko na po ‘yan eeh,” “Maiintindihan naman ni Ronald ‘yun anak,” “Eeh kayo po itay? Okay lang ba sa inyo?” “Oo naman! Mas importante ka sa amin anak. Gusto ko matupad ang pangarap mo,” “Basta galingan mo anak sa school aah,” sabi ni inay. “Opo nay.” sabi ko sabay yakap sa kanila ng mahigpit. Akay-akay ni itay si Ronald pauwi ng bahay habang kami naman ni itay ay magkahawak ng hawak habang naglalakad. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay at nakita ko ang kotse ni Aeron na nakaparada sa labas ng tarangkahan namin. “Ooh? Si Aeron ba ‘to?” tanong ni itay sa akin. “Opo tay siya ‘yan,” tugon ko. “Akala ko ba?” nagtatakang tanong niya. “Anong gusto mong mangyari anak? Pauwiin ko na lang ‘tong si Aeron?” tanong naman ni inay sa akin. “Wag na po inay, itay ako na po ang bahala sa kanya,” “Sigurado ka ba?” “Opo,” “Sige kung ‘yan ang gusto mo,” “Opo.” Pumasok na sina inay at itay sa gate namin at naiwan akong nakatayo sa labas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook