EPISODE 4

1888 Words
Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay sinimulan na namin ang party! "CHEERS!" sigaw ko sa kanila sabay taas ng baso ko. Sumabay naman sila sa akin at itinaas din ang kanila mga baso. "KANPAI!" sigaw ni Angelo. "KANPAI!" sigaw naming lahat. Sinimulan sa paisa-isang shot hanggang sa inilabas na yung order naming pang malakasan. (TEQUILA WITH LEMON AND SALT) paboritong alak ni Lucifer. "Boring!" sigaw ni Lucifer habang kumakanta yung entertainer namin. "Umayos ka nga Luci," galit kong sambit sa kanya. "Sorry Ms. Kulang lang sa alak tong kasama namin. Ok lang ba na umorder kami ulit ng isa pang tequila?" singit ni Angelo. Agad na lumabas yung entertainer para kumuha ng alak. "Napaka kupal mo talaga Lucio," galit na sambit ko sa kanya. "Totoo naman boring! Wala pa sa tono kung kumanta," sambit niya. "So? Akala mo magaling kang kumanta? Napaka epal mo talaga eeh noh!" Tumayo si Lucio sa kinauupuan niya at kinuha yung wallet niya sabay hagis sa akin ng credit card niya. "Ooh! Hawakan mong mabuti yan. Aalis na ako!" sambit niya sabay alis. "Hoy!" sigaw ko sa kanya. Tatayo na sana ako para pigilan siyang umalis pero hinawakan ako ni Angelo. "Hayaan mo na yun masyado na talagang matigas ang mukha niyang kupal na yan" sambit ni Angelo sa akin. Itinuon ko nalang yung atensyon ko sa videoke at kumanta nalang ako. "PARTY! PARTY!" sigaw ko habang sumasayaw. *Author's Narration (First Meeting of Gianna and Lucio) Masarap ang tulog ni Gianna ng dumaong na ang bus na sinasakyan niya malapit sa terminal ng bus. Trapik na sa kahabaan ng edsa ng mga oras na ito kaya ang mga sasakyan dito ay bumper to bumper na. Nakatigil ang bus na sinasakyan ni Gianna ng saktong tumigil din sa kabilang lane ang kotseng sinasakyan ni Lucio. Lumingat-lingat si Lucio sa daan at natunton niya ang direksyon kung nasaan si Gianna. Masarap ang tulog ng dalaga sa mga oras na ito ng bigla itong tinapik ng konduktor ng bus. Iminulat ni Gianna ang mga mata niya at tumingin kung saan naroon si Lucio. Napansin ni Gianna na nakatitig sa kanya si Lucio kaya agad siyang umusog sa kabilang upuan. Lumipas ang ilang minuto ay unti-unti ng umandar ang mga sasakyan. (SWITCHING SCENES) Gianna's POV Ilang oras na akong nasa biyahe piling ko malapit ng umapoy ang tumbong ko dahil sa tagal ng biyahe. Tulog - Tingin sa daan - Kain lang ang ginawa ko sa biyahe.  Natulog muli ako sa daan sapagkat wala naman akong ibang gagawin kung hindi ang matulog lang talaga. Habang nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko ay bigla akong tinapik ng konduktor ng bus. "Ms. Ayusin mo na ang mga gamit mo at malapit na tayo sa terminal ng bus," sambit sa akin. Nakapikit pa ang mga mata ko noong kinakausap ako nung konduktor pero gising na ang diwa ko noon. Iminulat ko yung mata ko sabay tingin sa kabilang linya ng daan at nakita ko ang isang lalaki na nakasakay sa isang magandang kotse na nakatitig sa akin. Kinabahan ako sa titig na yun parang may masamang gagawin. Agad akong lumipat ng pwesto ko para mawala ang tingin ko sa lalaki na nakatingin sa akin. Lumipat ako sa kabilang upuan at pagkaraan ng ilang minuto ay gumalaw na ang trapiko. "Ganto ba dito sa maynila? Sobrang trapik?" tanong ko sa nakatabi kong babae. "Oo ganto talaga dito. Trapik na nga polluted pa ang paligid." sambit nito sa akin. "PAKIAYOS NA PO ANG MGA GAMIT NYO! NANDITO NA PO TAYO SA TERMINAL!" sigaw nung konduktor sa amin. Agad kong chineck yung mga gamit na dala ko at salamat naman kahit na puro tulog ang ginawa ko sa biyahe ay wala namang nangyari sa akin. Kinuha ko agad yung papel na sinulatan ni Inay ng address ni Tiya Marites. May telephone number din na nakalagay dito. Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na nga kaming nakababa ng bus. Gabing-gabi na ng nakarating ako sa terminal ng bus at hindi ko pa alam kung saan ang tirahan nila Tiya Marites. Pag kababa ko sa bus ay tila ba'y para akong nasa kawalan hindi ko alam kung saan ako mag tatanong kung nasaan na ako at kung saan ako sasakay papunta sa tirahan ng tiya ko. Mapag kakatiwalaan ko ba ang mga tao dito o hindi? Habang nakatayo ako sa gilid at binabasa ang papel na binigay sa akin ni Inay ay may dalawang lalaking lumapit sa akin. "Ms. May masasakyan ka na ba?" tanong ng isang lalaki. "Aaahh wala pa po. Alam nyo po ba kung saan ang manila?" tanong ko sa kanila. "Aaah alam namin yan. Patingin nga ng papel mo baka alam namin yung lugar na yan," sambit ng isa ang lalaki. Iniabot ko yung papel na hawak ko sa kanila. "Aaah.. Medyo may kalayuan yung lugar na ito. Ok na ba sayo ang isang libo? Medyo malayo kasi ito ilang lungsod din ang dadaanan natin para makarating dito," sambit ng lalaki sa akin. "Aaah ganun po ba? sige po ok lang po sa akin. Asan po yung sasakyan nyo?" tanong ko sa kanila. "Wait lang Ms. kukunin lang namin." sambit niya sabay alis. Nag hintay ako ng mga sampung minuto bago bumalik yung dalawang lalaki sa akin. Binubuhat na nila yung mga gamit ko ng dumating ang isang matandang lalaki. Galit na galit ito at tila ba'y binubugaw yung mga lalaki. "Hoy! Anong ginagawa nyo?" galit na sambit ng matanda. "Ihahatid lang po namin si ate sa bahay niya," sambit nila. "Anong ihahatid! Ibaba nyo yang gamit niya o tatawag ako ng pulis!" galit na sambit niya sa dalawa. Agad namang binaba nung mga lalaki yung mga gamit ko at kumaripas ng takbo. "Nako wag ka masyadong magtiwala sa mga tao dito sa maynila. Madaming mapanglaman na tao dito! Mga mandaraya!" galit niyang sambit. "Pasensya na po, Wala po kasi akong alam dito sa maynila. Bagong salta lang po kasi ako dito. Hindi ko pa po alam ang mga pasikot-sikot," "Paroroon ka ba iha?" tanong niya sa akin. "Papunta po ako sa address na ito," sabay abot ng maliit na papel sa kanya. "Nako! Napakalapit lang niyan dito," sambit niya sa akin. "Ganun po ba? sabi po kasi nung mga lalaki kanina maraming lungsod pa po ang dadaanan namin para makarating sa address na iyan," "Magkano ang singil nila sayo?" "Isang libo po," "Kita mo! Kung hindi ko kayo napansin edi sana nalaslasan kana agad ng libo. Kelapit-lapit lang ng lugar na yan tapos isang libo? Mga demonyo talaga ang mga taong yun," "Paano po ako makakapunta diyan sa address na iyan Manong?" tanong ko sa kanya. "Ihatid na kita. Taxi Driver ako dito sa maynila at alam ko na ang pasikot-sikot dito," "Salamat po." Binuhat na ni Manong yung mga gamit ko sa taxi niya at sumakay na ako. "Mag iingat ka dito iha aah. Wag kang mag tiwala agad sa mga nakakausap mo o nakakasalamuha nagkalat na kasi ang mga taong halang ang bituka," babala sa akin ni Manong. Hindi na ako nagsalita pang muli at itinuon ko nalang sa daan ang paningin ko. Sa probinsya ang nag sisibilhing ilaw namin sa daan ay ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan ngunit dito sa maynila napakadaming ilaw sa daan. Yung mga tao dito kahit dis-oras na ng gabi gising pa rin sila at nasa labas pa rin ng mga bahay nila samantalang doon sa amin alas otso palang ng gabi tulog na kami dahil maaga na naman sa bukid ang mga tao doon. Isang oras din ang biyahe namin ni Manong sa daan. Trapik pala talaga sa maynila gaya ng mga sinasabi ng mga kapitbahay namin. "Ooh! Iha nandito na tayo sa address nakalagay sa papel mo," sambit ni Manong sa akin. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang mga bahay dito ay hindi din kalakihan at dikit-dikit sila. Bumaba na ako sa taxi ni Manong at binayaran ko nalang siya ng sobra sa metro ng taxi niya pampalubag loob na din sa tulong niya sa akin kanina. "Salamat iha! Mag iingat ka," sambit ni Manong sa akin sabay alis. Tiningnan ko muli yung kapirasong papel na hawak ko at binasa ko ang numerong nakalagay sa papel habang nakatitig sa isang bahay na dalawa ang palapag. Lumapit ako sa bahay na ito at sinubukan kong tawagin ang pangalan ni Tiya Marites. Nakailang tawag ako sa pangalan niya ngunit walang lumalabas sa bahay kaya kinatok ko ang bakal nilang gate at doon na naglabasan ang mga alaga nilang aso. "Tiya Marites!" tawag kong muli sa pangalan niya. "Tiya Marites!" Bumukas ang pinto nila at lumabas ang isang babae mukang kaidaran ko lang ito. "Sino ka?" magaspang na tanong niya sa akin. "Nandyan po ba si Tiya Marites?" tanong ko sa kanya. "Sinong Marites?" tanong niya sa akin. "Si Marites M. Velasco po?" "Aaahh wait lang." sabay pasok niya sa loob ng bahay nila. "MA!" sigaw ng babae mula sa loob. "MA!" "MA! may naghahanap sayo sa labas!" Nakatayo lang ako sa labas ng gate nila ng ilang minuto at sa wakas ay lumabas na si Tiya Marites. "Hello po Tiya! Ako po si Gianna yung anak po nila Ernesto at Genny," masayang sambit ko sa kanya. "Ikaw na pala yan Gianna ang laki mo na aah?" sambit niya. , "Halika pasok ka sa loob," "Ella! Halika nga dito at tumulong kang magbuhat ng gamit ng pinsan mo!" galit na sambit ni Tiya Marites sa kanyang anak. "Ano bayan!" sigaw niya habang nagdadabog. "Pasensya na po kayo Tiya sa abala," "Abala talaga!" galit na sambit ni Ella habang buhat-buhat ang dala kong mga pagkain. "Pumasok kana sa loob Gia ng makapag pahinga ka," sambit ni Tiya Marites sa akin. Pumasok na ako dala-dala ang dalawa kong malaking bag. Maliit lang din ang bahay nila Tiya ngunit napaka linis nito. "Upo ka muna diyan," sigaw ni Tiya habang pinapapasok yung dalawang kaban ng bigas. , "Ang dami pala ng dala mong pagkain! Salamat!" Habang busy sila mag pasok ng mga dala ko ay busy din ako kakatingin sa mga litrato na naka display sa kanilang sala. Maganda yung anak ni Tiya Marites pang labanan din ng pageant. Sana maging mag kaibigan kaming dalawa habang nandito ako sa maynila. "Hayy! Salamat at naipasok na lahat ng dala mo. Ang bait talaga ng kuyang," nakangiting sambit ni Tiya sa akin. "Opo," nakangiting tugon ko naman sa kanya. "Diba mag nu-nursing ka? Galing na bata naman pala ito. Si Ella naman mag stewardess daw siya kaya ang kukunin niyang kurso ay... Ano nga yun Ella!" tanong ni Tiya kay Ella. "Tourism!" sigaw nito mula sa taas. "Aaah ayun! Tourism nga! Mabigat man sa bulsa pero kakayanin namin para sa pangarap niya," "Bagay po sa kanya ang maging flight attendant kasi napaka ganda po niya," "Oo naman! Yung anak ko sumasali ng pageant yan lagi nga siyang nananalo eeh," pamamalaki ni Tiya. "Galing naman po!" "Ooh siya tama na ang kwentuhan at madaling araw na. Halika sa taas! Kasama mo sa kwarto si Ella," Umakyat kami ni Tiya sa kwarto ni Ella at tumambad sa amin ang napaka kalat nitong silid. "Jusko naman Anak! pupugaran na ng sawa itong kwarto mo!" galit na sambit ni Tiya kay Ella. "Ano ba naman yan Ma!" galit na sambit ni Ella. "Hala maglinis ka bukas at nakakahiya sa pinsan mo!" ngaw-ngaw ni Tiya. "Oo na!" "Pasok kana sa loob Gia," . "Bigyan mo ng unan si Gia at magtabi kayo sa pagtulog ngayong gabi!" sambit ni Tiya sabay sara ng pinto. Umurong si Ella sa gilid at padabog na nagbigay sa akin ng unan niya. Nakakasura at hindi kaaya-aya ang amoy ng kwarto ni Ella. Maganda nga siya dugyot naman. "Bukas tulungan kitang maglinis ng kwarto mo," nakangiting sambit ko sa kanya. "Wag na! Baka mamaya may mawala pa sa mga gamit ko," "Ok sige," sambit ko sa kanya. Kinuha ko ang bag ko na may lamang mga gamit ko at kinuha ko ang isang pares ng pangtulog ko at nagpalit ako ng pantulog ko. Pagkatapos ay natulog na ako sa tabi ni Ella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD