EPISODE 3

1864 Words
Pasikat na ang araw ng nagising ako. Sa kusina nakita kong nagluluto ng agahan si Inay. "Nay, Tulungan na po kita," nakangiting sambit ko sa kanya. "Anong oras ang alis mo?" tanong sa akin ni Inay. "Ang sabi ni Mang Toto sunduin niya daw ako dito ng mag tatanghali," "Aba! teka at tapusin ko na itong niluluto ko sunduin mo na nga ang Itay mo sa bukid ng makaligo na," sambit ni Inay sa akin. "Opo Inay." Agad akong umalis sa aming bahay upang tumungo sa bukid para sunduin si Itay. Hingal akong nakarating sa bukid sapagkat tinakbo ko muli bahay hanggang kay Itay. "Itay! Uwi na raw sabi ni Itay at dadating na si Mang Toto!" sigaw ko. Tumayo na si Itay sa pagtatanim at lumapit na sa akin. Mabilis kaming lumakad pauwi. Pagdating na pagdating namin ay agad akong pumasok sa banyo upang maligo. Ilang oras nalang ang nalalabi at dadating na si Mang Toto. Nakaligo na din ang Inay at Itay ng mga oras na ito. Nakaupo ako sa kubo at nag hihintay nalang ng pagdating ni Mang Toto ng lumapit si Inay sa akin. "Para sayo," habang may abot-abot na purselas. "Napaka ganda naman nito Inay!" masayang sambit ko sa kanya. "Para sa maganda kong anak yan, Ingatan mo yan anak aah yan lang ang pamamana ko sayo," nakangiting sambit niya sa akin. "Opo." sambit ko sa kanya habang nakayakap. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na nga si Mang Toto ang kaibigang ni Itay. Dala-dala nito ang pamasada niyang tricycle. Sumakay ako dito dala ang mga bagahe ko at mga pasalubong para kila Tiya Marites ang nakababatang kapatid ni Itay. "Inay! Itay! Mag iingat po kayo dito sa aah. Wag nyo po akong kakalimutan ipagdasal. Pag balik ko po dito pangako sa inyo hindi na kayo mag uulam pa ng asin." Masayang sambit ko sa kanila. Sumakay na ako sa tricycle. Nakatingin lang ako kila Inay at Itay na lumuluha habang tinitingnan akong papalayo sa kanila. Hindi ko din maiwasan ang sarili ko kaya pinahinto ko muna si Mang Toto sa pagmamaneho at bumababa ako sa kanyang tricycle. Patakbo akong lumapit kila Inay at Itay at niyakap ko sila ng sobrang higpit. "Paalam na po Inay! Itay." sambit ko sa kanila sabay takbo pabalik sa tricycle. "Ok ka na ba Gia?" tanong ni Mang Toto sa akin. "Ok na po ako." Binuhay na niya ang makina at umalis na kami ng tuluyan sa aming baryo. Baon-baon ko ang pangarap ko na maging Nurse at yakap-yakap ko ang pangakong maitatawid ko sa kahirapan ang pamilya ko. Isang oras at kalahati din ang inilaan namin ni Mang Toto sa daan papunta sa terminal ng Bus. Pagdating namin sa terminal ay sumakay na ako sa loob. Pag kaupo ko sa upuan ng bus ay agad kong chineck ang pitaka na binigay sa akin ni Inay. May kapirasong papel din siyang ibinigay sa akin kung saan nakasulat ang address ni Tiya Marites. Masaya na malungkot ang pakiramdam ko ngayon. Habang nag aantay pa ng pasahero ay umidlip na muna ako. Mag gagabi na din at wala naman akong magawa kaya natulog nalang ako. (SWITCHING SCENES) Emily's POV "Papasukin nyo ang mga aplikante para sa secretarial position." sambit ko kay Manong Guard. Pumasok ang isang candidate. "Pangalan?" tanong ko sa kanya. "Catherine po," "Vital statistics?" "Tulog lang po," naguguluhang sambit nito sa akin. "Jusko! LABAS!" galit kong sambit sa kanya. "Napaka BOBA! Vital Statistics hindi alam!" galit na sambit ko. "NEXT!" Pumasok naman ang isang medyo chubby na babae. "Alam mo ba ang requirements namin dito ate?" galit na sambit ko. "Yes! Chubby is the NEW SEXY ngayon!" paliwanag ng babae sakin. "Labas! NEXT!" Pumasok naman ang isang babae na naka sexy dress, makinis ito at maganda. "Mukang pwede na to?" sambit ko sa sarili ko. "Pangalan?" "Honey pero you can call me Bee," sambit nito. "Urghhh!" pang iirap ko. "Anong alam mo sa position na inaapplyan mo?" tanong ko dito. "Ahmm... Ang alam ko po sa secretary position ay..." , "Taga timpla po ng kape ng boss," nakangiting sambit nito sa akin. "Anong bang inaapplyan mo? Taga timpla ng kape? Edi mag barista ka nalang sa mga coffee shops! your wasting my time!" LABAS!" Hindi na ako natutuwa sa mga aplikante kaya tumayo ako sa upuan ko at lumabas ako ng silid upang silipin ang mga aplikante. "Umalis na sa pila ang mga MATATABA, MAPAPAYAT, BOBITA, AANGA-ANGA AT CHAKA!" galit kong sigaw sa kanila. Hindi ko inaasahan na ang lahat ng aplikante ay aalis dahil sa sinabi ko sa kanila. "I might be harsh to them pero ito ang gusto ni Luci!" Umakyat na ako sa opisina ni Lucio para balitaan siya tungkol sa mga nag aapply. "Walang pumasa sa mga aplicante," sambit ko kay Lucio. Nagalit ito sa akin at pinagbabato sa akin ang mga papel sa la mesa niya. "Anong sabi ko? Gusto ko NOW! Mahirap pa intindihin yon Emily?" galit na tanong sa akin ni Lucio. "Wala akong napili sa kanila mas bobo pa sila sa akin! Ok na? kung gusto mo akong i-fire sa trabaho bahala ka! Ang hirap mong pakisamahan Lucio! Hindi mo ako trabahador lang dito kung di kaibigan mo ako! Letche kang uhugin ka!" galit kong sambit sa kanya habang hampas-hampas ang hawak-hawak kong mga resume. "LABAS! Doon ka lumapit kay Celine ako ng bahalang maghanap ng sekretarya ko yung hindi bansot katulad mo!" sigaw niya sa akin. "Aba! Tandaan mo Lucifer ako ang tumagal na sekretarya mong hayup ka! Hampas ko sayo yang plaque mo eeh!" bawi ko sa kanya. "Subukan mo ng mag kaalaman tayo!" seryoso niyang sambit sa akin. Hindi na ako bumawi sa kanya. Umalis nalang ako bigla sa harap niya at pumunta na ako sa department ni Celine ang Ex-fiancee ni Lucifer. Habang naglalakad ako papalapit sa opisina ni Celine ay medyo may kaba sa dibdib ko hindi ko alam pero may something. Kumatok ako at agad kong binuksan ang pinto ng kanyang opisina at hindi ko inaasahan na nandito pala si... "Angelo?" sambit ko. "Ui! Kamusta na Emily!" ngiti niya sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko at nanghina ang mga tuhod ko ng nakita ang napaka gwapong si Angelo. "Derek! Anong ginagawa mo dito?" nahihiyang tanong ko sa kanya. "Napadaan lang ako dito. Kamusta pala yung kambal ko?" tanong niya sa akin. "Ok naman yung demonyo mong kapatid," nakangiti kong sambit sa kanya. "Ano na naman ginawa niya sayo at mukang stress ka na naman diyan?" nakangisi niyang sambit sa akin. "Napaka babaero kasi ng kapatid mo!" sigaw ko. "Ahemmm hmmm," sabat ni Celine. "Ayy sorry nandyan ka nga pala. Anyway Celine sabi ni Luci dito na ako sa opisina mo. Lumayas na ako sa kanya," nakangiting sambit ko sa kanya. "Hayyy... Whatever!" iritang sambit niya sa akin. "Direk! Free ka ba mamaya?" tanong ko sa kanya. "Hmmm... Sige kain tayo libre mo huh!" nakangiting sambit niya sa akin. "Sure!" sambit ko sa kanya. "Ikaw ba Celine? Free ka?" tanong ni Angelo kay Celine. "Ok lang naman," "Ok good! Sama nyo na si Lucio para libre na niya ang pagkain natin," natatawang sambit ni Angelo. "Kung mapapasama mo yun? Eeh ang init ng ulo nun at wala pa rin akong kapalit sa secretary pos," "Nako! Akong bahala meron akong alam na bar na madaming magagandang babae," natatawa niyang sambit. "Mga babaero talaga kayong magkapatid!" galit na sambit ni Celine. "Totoo yan." pandagdag ko. Hindi nagsalita si Angelo at tumitig lang ito sa akin. "Ugh! Shet! nakakatunaw Bebe Angelo!" sambit ko sa sarili ko. Tumayo si Angelo sa kinauupuan niya at umalis na sa silid. "Yare ka Celine! Nagalit ata si Angelo. Pasmado kasi ng bunganga mo!" sambit ko sa kanya. "Ok lang!" pag iinarte niya. "Anyway Celine! I mean Ma'am Celine magiging parte na ako ng department mo. Maging maganda sana ang pagsasama natin dito." sambit ko sa kanya habang pinipisil ang pisngi nito. Pagkatapos ko sa silid ni Celine ay pumunta na muna ako sa creative departments para kamustahin ang nangyaring photoshoot kamakailan. Pagkadating ko doon ay agad kong kinausap yung tao na naka toka sa shooting. "Sir Alfred!" habang kumakaway-kaway. , "Kamusta yung photoshoot? Nagawa nyo na yung cover photo ng October yung kay Cindy?" tanong ko sa kanya. "Tapos na po Ms. Emily," sambit nito sa akin. "Patingin naman ako para isesend ko na kay Luci," Nagustuhan ko naman yung cover photo ng October mukang magugustuhan din naman ni Lucifer 'to kaya pinicturan ko na ito at sinend sa kanya agad. Mabilis na nag response si Lucio sa message ko sa kanya. "Grabe yung LIKE emoticon mo hayup ka!" inis na sambit ko. "Ok sige. Send mo na sa publishing yang photo para ma print na nila at makapag release na tayo ng october issue. Salamat sa pag papagal nyo ng team mo! Asahan mong may photoshoot ulit na magaganap sa susunod na araw," sambit ko kay Alfred. Umalis na ako agad at bumalik na ako sa opisina ni Lucifer. Pag akyat ko doon ay pumasok ako agad sa opisina ni Lucifer. "Nakita mo yung sinend ko sayo? Ok na yan?" tanong ko kay Lucio. "Send it to the publishing department," "Tapos na!" sambit ko sa kanya. Lumingon ako sa gilid at nakita ko si Angelo na nakaupo doon. "Nasabi mo na ba sa kanya?" tanong ko kay Angelo. "Tapos na," sambit niya sa akin. "K!" Umupo na ako sa desk ko at ginawa ko na ang clerical works ko. Hindi ko alam bakit parang hindi naman secretarial ang trabaho ko more on field! Parang naging runner ako ng hayup na Lucifer na to. Lumipas ang ilang oras at UWIAN NA! ang paboritong oras ng mga nag tatrabaho. Pagkatapos ng trabaho ay pumunta na kami sa KTV BAR na sinasabi ni Angelo. Hindi ko inexpect na ganto pala dito akala ko bahay aliwan o madaming babaeng nakahubad. Napaka desente ng lugar dito ang ganda ng lugar parang okada hotel. May mga babae din dito entertainer ang tawag sa kanila pero imbis na mahahalay na damit ang suot nila ay mga naka sexy dress sila. Ang gaganda ng mga babae dito parang yung mga trabahador namin sa kumpanya. Pumasok kami sa isang room doon. KTV nga. Bale may kantahan tapos inuman tapos bawat kwarto merong entertainer na mag aasikaso sa amin. "Ms!" tawag ko doon sa babaeng nag eentertain sa amin. Lumapit ito agad sa akin at ngumiti. "Awww... Nakakatunaw yung dimple si ate," nakangiti kong sambit sa sarili ko. , "Ahmm... Ms. Paano ang galawan dito? I mean anong work mo dito bukod sa entertainer?" tanong ko sa kanya. "Bale po Ma'am parang waitress din po kami dito, Ito po ang mga menu namin," sabay abot niya sa akin ng menu book. Iniabot ko agad yung menu book kay Angelo para mamili sila ng makakain at sabay balik ulit ako sa babaeng kausap ko. "Meron ba kayong take out dito?" tanong ko sa kanya. "Ano pong take out? ng food po ba?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Yung alam mo na girl for take out, take home?" "Aahh... Para pong isasama kami sa labas ng customer? ganun po ba Ma'am?" tanong niya sa akin. "Yes! Exactly!" "Bawal po yung ganun dito Ma'am," ngiti niya sa akin. , "Plain waitress/entertainer lang po kami dito. Meron po kaming do's and don'ts dito. Pakibasa nalang po," sabay abot niya ng rules and regulations ng company. "Ooh! para sa inyong mga babaero na manyak! BAWAL I-TAKE OUT ANG MGA ENTERTAINER DITO! , BAWAL MANGHIPO! , BAWAL ANG BASTOS! kaya kayo diyan ayusin nyo lang ang buhay nyo kung ayaw nyong makasuhan kayo," sambit ko sa kanila. , "PWEDE naman daw makiinom si ate kung trip nyo siyang lasingin at pwede din siyang mag foodtrip at kumanta para sa atin," nakangiting sambit ko muli sa kanila. "Ok!" sambit ni Angelo. At as usual si Lucifer walang pakelam. Umorder na kami ng makakain namin at sinimulan na namin ang party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD