EPISODE 2

1694 Words
Kinabukasan Tinanghali na ako ng gising ako. "Ang sakit ng ulo ko!" habang hipo-hipo ang ulo ko. , "Hayyst! Di pala ako nakapasok ng kwarto ko gaano ba kadami ang nainom ko?" Tumayo na ako sa hinihigaan ko at lumabas na ako sa kubo na tinulugan ko. Dumiretso na ako sa kusina pagkatapos kong humikab-hikab para kumain ng almusal ko. "Ang bait talaga ng Inay hindi ako kinalimutang handaan ng almusal," nakangiti kong sambit habang binubuklat ang nakatakip na pagkain sa la mesa. "Naghanda kaya si Inay ng tanghalian nila ni Itay?" tanong ko. Kumuha na ako ng plato at kutsara para makakain na ako ng almusal-tanghalian ko. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay nag impake na ako ng mga damit kong gagamitin sa maynila. Habang nagaayos ako ay nakita ko ang isang napaka gandang dress na matagal ko ng iniingat-ingatan. "Hala nandito ka pa pala! Kailan ba kita ginamit?" habang nag iisip. , "Tama! Noong Mutya ng Payapa 2017 pala. Naaalala ko pa noon kung paano ako nanalo. Haayyyy mamimiss ko itong lugar na 'to! sa susunod na pagbalik ko dito mayaman na dapat ako para hindi na kawawa sila Inay at Itay," Inilagay ko yung dress na nakita ko sa bag na dadalhin ko pa maynila. Mabilis lang akong nakapag impake ng gamit sapagkat kakaunti lang naman ang mga gamit ko. Pagkatapos kong mag impake ay agad akong tumungo sa bukid upang tumulong kila Inay at Itay sa pag aani ng palay. Patakbo akong lumapit kila Inay. "Inay! Itay!" masayang sigaw ko sa kanila. "Ooh? Bakit pumunta ka pa dito Gia? Mag ayos ka nalang ng mga gamit mo papunta ng maynila," sambit ni Itay sa akin. "Tapos na po ako mag ayos ng mga gamit ko Itay gusto ko po sana tumulong man lang sa inyo kahit hanggang ngayon lang. Aalis na po ako bukas ilang taon ko din kayo hindi makikita," "Ooh siya sige kunin mo si Ronald sa tabi ng puno ng mangga at idadala na natin kay Aling Rosya yan," sambit ni Itay sa akin. "Kawawang Ronald! Di bale Itay kapag nakapag trabaho ako sa maynila ibibili kita ng bagong kalabaw. Mag asawa pa!" nakangisi kong sambit sa kanila. "Nako ikaw Gia! Pag aaral ang pupuntahan mo doon hindi trabaho! mag aral ka ng mabuti para may maganda kang kinabukasan hindi katulad namin ng Inay mo elementarya lang ang tinapos kaya hanggang bukid lang ang kaya ng aming utak," panenermon ni Itay sa akin. "Opo Itay! Mag aaral po ako ng mabuti at pag nakapag tapos na ako kukunin ko na kayo sa maynila para doon manirahan," "Aasahan namin yan anak. Ooh siya kunin mo na si Ronald at ibebenta na natin siya kay Aling Rosya." Umalis ako kung saan naroroon sila Inay at Itay at tumungo ako sa puno ng mangga kung nasaan si Ronald ang alaga naming kalabaw. "Ronald!" tawag ko sa alaga naming kalabaw. "Pasensya na Ronald kailangang-kailangan ko lang talaga ng pera pang pamasahe ko sa maynila. Hayaan mo babalikan kita kay Aling Rosya pag yumaman na ako tapos bibigyan kita ng asawa mo! pero sa ngayon kay Aling Rosya ka muna huh?" Tinanggal ko ang mahigpit na pagkakatali kay Ronald at hinila ko siya papalapit sa pinag aanihan nila Inay at Itay ng biglang dumating si Aeron. "Gia," malumanay na tawag niya sa pangalan ko. "Ooh? Bakit nandito ka na naman?" galit na tanong ko kay Aeron. "Gia," habang hawak-hawak ang kamay ko. , "Papayagan na kitang umalis! Hindi ako galit. Basta wag mo lang ako iwan, Please!" pag mamakaawa niya sa akin. Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko sabay sambit ng "Aeron, Hindi muna mababago ang isip ko. Kahit pa ok na sayo na umalis ako. Wala na tayo. Tapos na ang lahat sa atin Aeron. Siguro mabuti na ang ganto ang nangyari tutal di naman boto sa akin ang pamilya mo at iba't ibang babae din naman ang kinakasama mo kaya tama na din ang desisyon kong makipag hiwalay sayo," sambit ko sa kanya. "Gia! Please! Give me another chance! hindi na ako mangbabae o magagalit sayo!  basta wag mo lang akong iwan please Gianna!" "Wala na talaga Aeron. Hindi ko na kaya pang makipag relasyon sa isang Mama's boy na kagaya mo. Mataas ang pangarap ko sa sarili ko at sa pamilya ko kaya please lang Aeron wag mo na akong guluhin pa." Iniwan kong lumuluha si Aeron sa tabi ng puno ng mangga. Sa pag lalakad ko hindi ko na siya muling tinanaw pang muli lumakad ako pahakbang kasabay ng paglimot ko sa kanya. Iniwan ko ang matatamis at mapapait naming memorya sa isa't isa kasabay ng pag agos ng luha ko sa mga mata ko. Mahal ko si Aeron, Mahal na mahal ko siya kahit ano pa estado niya sa buhay. Oo mayaman siya at mahirap lang kami pero hindi ito naging hadlang sa pag mamahalan naming dalawa ngunit dumating ang mga pagsubok sa buhay namin na ang mismong pamilya niya ang gumawa. Gusto kong lumaban ngunit wala akong sapat na bala para sa gyera na lalaban ko kaya umatras na lang ako. Hindi man kami biniyayaan ng yaman ay mayaman naman ako sa pag mamahal ng magulang ko na walang humpay sa pag suporta sa pangarap ko. Habang papalapit ako kila Inay at Itay ay mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata. Matanda na ang magulang ko at ako nalang ang pag asa nila sa buhay. Kaba at saya ang nararamdaman ko para sa bagong yugto ng buhay ko sa maynila. Sisiguraduhin kong aayon kami sa putikan at mamumuhay kami ng maayos pagkatapos kong mag aral at makahanap ako ng trabaho sa maynila. Agad akong sinalubong ni Inay habang hila-hila ko ang si Ronald palapit sa kanila. "Bakit ka umiiyak prinsesa ko?" malungkot na tanong ni Inay sa akin. "Kasi-kasi," hagulgol ko kay Inay. "Tahan na anak. Kailangan mong maging matatag lalo na sa mga parating na problema sayo. Tandaan mo anak! kapag malungkot ka tumingin ka lang sa langit at makikita mo kami ni Itay mo. Mag iingat ka sa maynila anak aah," maluha-luhang sambit sakin ni Inay. "Hala sige mag iyakan kayong dalawa diyan, Tara na at baka gabihin tayo sa daan." sambit ni Itay sa amin. Kinuha ni Itay ang tali ni Ronald sa akin at sinakyan niya ito. Nag simula na kaming maglakad ni Inay patungo kay Aling Rosya. Medyo may kalayuan din ang tirahin ni Aling Rosya kaya noong dumating kami sa kanila ay medyo nag tatakip silim na. "Rosya!" tawag ni Itay habang kumakatok sa kahoy na pinto nila Aling Rosya. Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na si Aling Rosya dala-dala ang maliit niyang bag. "Ooh? Erning!" tawag ni Aling Rosya. "Ito na si Ronald yung kalabaw na sinasabi ko sayo. Bata pa yan at malakas kaya niyang mag buhat ng malaki kariton na puno ng palay," nakangiting sambit ni Itay. "Aah ito na ba? Ang laki niya! Sige saglit lang," habang kumukuha ng pera sa bag niya. , "Kinsemil to Erning," "Diba bentemil ang usapan natin Rosya?" "Erning, madami ang nagbebenta ng kalabaw sa akin. Gusto mo bang kunin ko pa o wag na?" tanong niya kay Itay. "dise-syetemil Rosya deal na," pamamakaawa ni Itay kay Aling Rosya. "Kunin na natin Ning," malungkot na sambit ni Inay. "Ooh sige dise-syete na Erning," abot-abot ang pera kay Itay. Agad na kinuha ni Itay yung pera kay Aling Rosya sabay abot ng tali ni Ronald. Pagkatapos naming ibenta si Ronald ay umalis na kaming tatlo. Habang naglalakad kami pauwi nila Inay at Itay ay hindi ko maiwasang malungkot kung anong klaseng pamumuhay ang meron kami. Parang nakakaawa lang makita ang magulang ko na hirap na hirap sa pag aalaga sa akin. Matanda na sila pero nag tatanim pa sila ng palay. Paano? Wala kaming choice kung hindi mag trabaho nalang. Lagi akong sumasali sa paligsahan pandagdag sa pang gastos namin sa bahay at sa awa naman ng Diyos ay nanalo ako paminsan-minsan kaya minsan masarap ang aming hapunan. "Bakit hinayaan nyong dayain kayo ni Aling Rosya?" galit na tanong ko kila Itay at Inay. "Wala tayong magagawa anak. Kung hindi niya kukunin si Ronald wala kang ipapamasahe papunta ng maynila," sambit ni Itay sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Inay at Itay. Pisil-pisil ko ito habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Pagbubutihan ko ang pag aaral ko. Pinapangako ko sa inyo na wala ng tatapak sa ating pamilya. Hindi na nila kayo maloloko pang muli." sambit ko habang nakatingin sa kanila ng matalim. Ngumiti lang sila Inay at Itay sa akin. Iniabot sa akin ni Itay ang sobre na may laman ng pera. "Itabi mo ito pang gastos mo sa pag aaral mo sa maynila. Wag mo kaming intindihin ng Inay mo mabubuhay kami sa asin at kanin lang. Alagaan mo ang sarili mo anak huh at tuparin ang pangarap mo," nakangiting sambit ni Itay sa akin. "Pangako ko po sa inyo." sambit ko sa kanila. Madilim na ang paligid ng dumating kami sa bahay ngunit maaga pa kung titingnan mo ang orasan. Tinulungan ko nang magluto si Inay ng makakain namin upang mapabilis ito at pagkatapos ay ako na ang naglinis ng bahay hanggang sa maghugas ng mga pinggan. Payak na pamumuhay lang meron kami. Hindi kami katulad ng mga kapitbahay namin na may pangbili ng magagandang barung-barong at mga kung ano-ano pa. Namuhay ako na may contentment sa kung anong meron ako. Yung mga kaklase ko noon sa High School meron na silang mga cellphone nila tapos maaari pang kumuha ng litrato doon samantalang ako ay wala. Sana'y din ako sa pinag lumaang gamit lang halos lahat ng gamit ko bigay lang sa akin kaya noong binilhan ako ni Inay ng dress para sa sinalihan kong paligsahan ay sobrang saya ko na noon. Hindi ako naiinggit sa kung anong meron ang ibang taon masaya na ako kung anong meron ako sa buhay. May magarang kasuotan man sila ako naman may mapagmahal na Ama at Ina. May mga sarili man silang cellphone o gadget may magulang naman ako na laging kong kausap umaga man hanggang sa gabi. May sasakyan man silang masasakyan meron naman kaming Ronald na makakasama namin sa bukid. May malalaking bahay sila meron naman kaming malaking puso para sa mga taong nangangailangan. Alas Diyes na ng gabi ako humiga sa kama ko. Tapos ko na lahat ng gawaing bahay at tapos na ako sa pag impake ng mga gamit ko ito na ang huling araw ko sa kamang ito. Mabilis akong dinapuan ng antok kaya kinabukasan na ako nagising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD