"Hmm . . . Masarap ang steak nila rito! We should eat here often," saad ni Tristan habang magana na kumakain kabaligtaran sa mga kilos ni Romana. Kahit ang kubyertos ay hindi man lang niya ginalaw. "C'mon, Tristan. Ilang oras mo pa ba ako balak paghintayin? Gusto ko nang mapanood ang video kaya ibigay mo na sa akin. Kaya kitang bayaran ng sampung milyon katulad ng napag-usapan natin!" Tristan dropped his fork and knife saka pinasadahan siya ng tingin sa mukha. Tingin na tila binabasa ang tumatakbo sa kaniyang isip. "Ano ba talaga ang plano mo, Romana? Bakit si Vincent? Ano ba ang mayroon sa kaniya? Ang daming single rito sa mundo pero mas pinili mo ang maging kabit?!" Patay-emosyon na sinalubong niya ng tingin ang mapanghusga nitong mga mata. "It's none of your business, Tristan. Aka

