"Bwisit!" Napaigtad si Laila sa kaniyang kinatatayuan nang biglang ibagsak ni Vincent ang kaniyang cellphone sa center table na nasa sala. Abala ang babae sa paglilinis ng bahay habang si Vincent naman ay panay ang tawag kay Romana ngunit hindi niya ito makontak. "M-May problema ba? N-Napansin ko na kanina ka pa nakatutok diyan sa phone mo," puna ni Laila sa kaniya. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin si Laila na kausapin ang asawa dahil sa naganap noong mga panahon na wala ito sa bahay. Natatakot siya na harapin ang lalaki dahil ngayon pa lang siya naglihim kay Vincent. Napakabigat na kasalan ang kaniyang nagawa. "Hindi sumasagot sa mga tawag ko si Boss," gusot ang mukhang tugon nito. Kita sa ekspresyon nito na wala ito sa mood makipag-usap. Nagtaka siya, bakit ganoon na lang ang

