Matamis ang ngiti sa maputlang labi ni Laila nang pumasok siya sa silid nito. "Asawa! Buntis ako!" masayang pagbabalita nito. Wala siyang ipinakita na kahit na anong emosyon. Hindi niya magawa na maging masaya, hindi dahil ayaw niya sa bata na nasa sinapupunan nito kundi dahil sa uri ng pamilyang kabibilangan ng kaniyang magiging anak. Hindi na niya mahal si Laila ngunit mapagbiro talaga ang tadhana, biniyayaan pa sila ng anak. "H-Hindi ka ba masaya na magkakababy na tayo?" Nabura ang ngiti sa labi ng babae. Tahimik na naupo siya sa sopa na naroon at napahilamos na lang sa mukha. "Base sa reaksyon mo ay hindi ka masaya na buntis ako! Ano, Vincent?! Galit ka ba dahil nagbunga ang mga ginawa natin?!" Matalim ang kaniyang mga mata nang mag-angat siya ng tingin sa babae. "Tumahimik

