Maaga pa lang ay gumising na si Laila upang ipaghanda ng almusal ang kaniyang asawa. Ngayon din niya balak na magpasama sa lalaki para magpacheck-up sa isang OB doctor. Nakapaglagay na siya ng mga plato sa table nang bumangon si Vincent. Kinukusot ang mga mata na tila antok na antok pa nang pumasok ito sa kusina. Messy rin ang medyo mahaba nitong buhok. "Magandang umaga, Asawa! Nakapagluto na ako para sa almusal natin! Halika na, kumain na tayo!" Hindi tumugon ang lalaki. Nilagpasan siya nito at dumiretso sa banyo. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya kahit na magkakaroon na sila ng supling. Wala pa rin itong imik nang lumabas mula sa banyo. Dumiretso na ito sa table para umupo at kumain nang wala man lang pagbati sa kaniya. Pinilit pa rin na ngumiti ni Laila para hindi masi

