Pagkalipas ng dalawang araw ay malapit nang ikasal sina Haneline at Marcus. At super excited na si Haneline sa kasalang magaganap, siya na talaga ang maging asawa ni Marcus. " Atlast, matatawag na talaga akong isang Mrs. Monteverde at nababagay talaga sa akin ang apilyido niyong iyan, Mommy, Florenda." Sabi naman ni Haneline sa kanyang magiging biyenan na niyang tunay na si Florenda. Napangiti naman ng matamis si Mrs. Florenda kay Haneline. " Iingatan mo ang anak ko, Haneline. Gawin mo ang lahat upang makakalimutan na niya ng tuloyan ang kanyang nawawalang hampas-lupang asawa. Sigurado naman talagang wala na ang babaeng yun. Kaya nagpapasalamat talaga ako. Akala ko pa naman ay habang buhay nang mapahiya ang pamilya namin dahil lang sa babaeng iyon." Sabi pa ni Mrs. Florenda habang na

