bc

The Billionaire's Ex-wife's Revenge

book_age18+
906
FOLLOW
14.2K
READ
HE
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Siya si Lailyn Santiago, simpleng babae at walang maipagmamalaking ganda. Ngunit di niya inaasahan na magustohan s'ya ng isang bilyonaryong binata na si Mr. Marcus Gavin Monteverde. At ex boy friend pa ng kanyang among dalaga.

Una'y di s'ya naniniwala rito dahil bukod sa di s'ya maganda ay mahirap lang din s'ya kaya imposibleng magkagusto ito sa kanya. Subalit pilit nitong idinikit ang sarili sa kanya. Kaya natagpuan nalang niya ang sariling sinagot ito dahil sino ba kasi ang babaeng aayaw sa tulad ng guwapo at bilyonaryong binata? hangga't pinatunayan pa nito sa kanya na talagang mahal siya nito dahil pinakasalan talaga s'ya ni Marcus.

Ngunit hindi s'ya tanggap ng pamilya nito at marami s'yang negative na naririnig na isang araw ay ipagpapalit din s'ya ng asawa sa iba.

Hindi naman niya napigilan ang sariling ma-insecure sa mga magagandang babaeng minsan makasalamuha ng kanyang asawa lalo na't di s'ya maganda at malayo lang ang kanyang hitsura sa mga magagandang dalagang minsang nakakaharap ng asawa.

" Bakit ka nagdududa sa pagmamahal ko, Lyn, darling? hindi pa ba sapat sa'yo na pinakasalan kita at binigyan ng time? hindi kita pakakasalan kung hindi kita mahal, kaya h'wag kang makikinig sa mga negative na narinig mo. I love you so much darling. Ikaw lang talaga." Matamis na wika nito at pangako pa ng asawa na pinanghahawakan naman niya.

Para sa kanya ay s'ya na ang pinaka swerteng babae sa buong mundo dahil pag-aari niya si Marcus at asawa s'ya nito. Subalit minsan ay mapapahiya pa s'ya sa tuwing ipakilala siya nitong asawa sa mga party na dadaluhan nila. Hindi s'ya nito itinago sa bahay kundi proud talaga itong dalhin siya kapag may mga importanteng party itong daluhan.

"Oh my goodness, why did she become your wife, Mr. Monteverde? Are you blind?" Walang prenong wika pa ng isang magandang babaeng isa sa mga guest sa party'ng iyon.

Natigilan naman si Marcus sa sinabi ng magandang babae at nakatingin sa kanya. Mahigpit s'yang hinawakan ng asawa at pinisil iyon na ibig sabihin ay h'wag niyang pansinin ang sinabi ng babaeng kaharap nila.

" Ay! sorry. Nadulas tuloy ang dila ko." Nakangiti pang wika nito sa kanila at lalo na sa kanya.

Hiyang-hiya siya ngunit ayaw naman n'yang mang away dahil mas lalong mapahiya pa si Marcus kung maging palaaway pa s'ya.

Wala nang mahihiling pa si Lailyn. Basta kasama lang n'ya ang asawa ay okay na ang lahat para sa kanya. Ngunit lumipas ang tatlong taon na pagsasama nila ay hindi s'ya nabuntis. Nagpa check up naman sila ngunit nagulat s'ya nang malaman na s'ya ang may diperensya at di daw niya kayang bigyan ng anak ang kanyang asawa.

Mula noon ay nagsimula na ang kalbaryo sa buhay ni Lailyn. Napansin na n'yang naging malamig na sa kanya si Marcus at tila nagbago ang pakikitungo ng asawa sa kanya. At minsan ay dalawang araw na itong hindi umuuwi.

Nasaktan s'ya ngunit tiniis lang niya ang lahat.

Hangga't nagimbal nalang s'ya isang araw nang umuwi si Marcus na dala ang isang magandang babaeng buntis!

" M-marcus!? a-anong ibig sabihin nito?" Umiiyak niyang tanong sa asawa at parang sinaksak ang kanyang dibdib ng patalim ang sa mga sandaling iyon!

"Lailyn, I hope you understand me. She is Haneline. I paid her to get pregnant with my child. Hindi ko na sinabi sa'yo ang tungkol dito dahil nahirapan ako. At ngayong malapit na s'yang manganak ay kailangan ko s'yang dalhin dito upang maalagaan ng isang Doctor ng obstetrician-gynecologist or OB-GYN. Upang healthy ang anak ko." Ang sabi ng asawang si Marcus habang nang-uuyam namang nakangiti sa kanya ang magandang babaeng buntis.

Parang dinaganan ng buong mundo si Lailyn sa kanyang nalaman at narinig mula sa asawa. Talong-talo s'ya sa babae. Bukod sa maganda ito ay buntis na ito sa anak ng kanyang asawang si Marcus!

"At ako Marcus!? paano ang naramdaman ko? hindi mo ba iniisip na sobrang sakit ito sa akin?! niloloko mo ako at iniinsulto! porke't ganito lang ako, hindi mo nirerespeto ang naramdaman ko bilang asawa mo!" Malakas n'yang iyak sa harap ng asawa at ng babaeng buntis.

"Sawang-sawa na ako, Lailyn! gusto ko na ng anak! kaya h'wag mo akong sisihin. Kung hindi mo kaya ang ginawa ko, you're free to leave my territory!" Malakas na sigaw ng kanyang asawa.

Nanlumo si Lailyn at tila nawalan s'ya ng lakas at pag-asa sa buhay.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Kinuha niya ang make- up set ng kanyang among dalaga at inabot niya rito. Nasa party sila ngayon, kung saan ito dumadalo. Assistant kasi s'ya nito. Mabuti nalang at nagkaroon na s'ya ng trabaho, iyon ay magiging assistant ng isang anak ng mayaman. Nang una s'yang nakita nito ay ayaw sana s'yang tanggapin nito. With pleasing personality kasi na assistant ang hinahanap nito. Hindi naman kasi s'ya maganda. Ngunit nagmamakaawa si Lailyn na tanggapin s'ya nito bilang assistant nito. Kailangan kasi talaga niya ang trabaho ngayon. Stay out lang s'ya, pag sumapit ang hapon ay umuwi siya sa bahay nila. Ngunit kapag may party ito sa gabi ay matatawag na niyang over time iyon bilang assistant nito. Nangako pa s'yang susundin lahat ng iuutos nito sa kanya kapag tatanggapin s'ya nito bilang alalay nito. Nasa loob sila ngayon ng comfort room ng hotel dahil nag retouch ito ng make up sa mukha. Habang pinagmasdan niya ang kanyang among dalaga na nagretetouch ay gandang-ganda siya rito. Kung s'ya lang ang nasa lugar nito ay di na s'ya magmake-up ng makapal dahil maganda na siya. Si Ma'am Anikah Alvarez ang kanyang amo, ang bunsong anak ng mga Alvarez. Hindi naman ito mabait sa kanya ngunit di rin naman naman masyadong pangit ang ugali. Makakaya lang ni Lailyn ang ugali nito. Bahala na kung pangit ugali basta malaki naman ang sahod niya at isa pa kailangan niya ng Pera upang makatulong sa kanyang mga magulang lalo na't may sakit ang kanyang Tatay. "Sobrang ganda ko na ba, Lailyn?" Nakangiti pang tanong nito sa kanya. " Ay oo, Ma'am, napakaganda po ninyo." Matamis ang ngiting tugon niya sa amo. " Hindi pa dumating ang ex-boy friend ko. Invited s'ya ngayon sa party'ng ito. Tiyak kong maaakit s'yang muli sa ganda ko." Kinikilig pang sabi nito. " Talaga po, ma'am? naku, sa ganda niyo pong iyan ay siguradong maiinlove s'yang muli sa'yo, ma'am." Nakangiting wika niya rito. "Yes. At akin lang si Marcus, babawiin ko s'yang muli mula sa girl friend niya ngayon. Kung ganda lang ang pagbabasehan ay mas hamak na maganda at sexy ako sa kanyang girl friend ngayon." Nakataas pa ang kilay na wika nito. Kinuha na nito ang sling bag nito. " Let's go, Lailyn. Lalabas na tayo at babalik sa party. Baka nandito na siya." Sabi pa nito. " Ahh okay po, Ma'am." Aniyang nakasunod agad rito. " Sabihin mo sa akin kung medyo nagulo yung hair style ko, para suklayin mo agad at ayusin. At sabihin mo rin sa akin kapag medyo nabura na yung make up ko. Ayokong maging pangit sa paningin ni Marcus, gusto kong maging maganda lagi at fresh sa paningin niya." Sabi pa nito sa kanya bago sila tuloyang lumabas ng comfort room ng hotel na iyon. Ang birthday celebrant ay ang dating kaklase nina Ma'am Anikah at ng ex-boy friend nitong bilyonaryo na si Mr. Marcus Gavin Monteverde. Kaya pareho ang mga itong invited sa party. Kahanga-hanga ang mga mamahalin at magandang gown ng mga dalagang mayaman. Pati na ang mga binatang mayaman na invited sa nasabing party ng dating kaklase ng amo na si Miss Cheska Golez. Mga mapoporma din ang mga ito. Si Lailyn lang ang naiiba roon. Naka simpleng dress lang s'ya at siya lang yata ang di maganda roon at wala ding make up, tanging polbo lang kanyang nilagay sa mukha. Okay lang naman iyon dahil alalay lang naman siya ni Ma'am Anikah. At hindi naman siya nangangarap na mapansin pa ang isang tulad niya. Sanay na s'ya na di s'ya maganda kaya di s'ya pinapansin ng mga binata. Iyon din ang dahilan na wala s'yang conscious sa sarili niya. Inshort, wala siyang pakialam sa paligid niya at trabaho lang ang kanyang iniisip. Basta makasahod lang s'ya ay sobrang saya na niya. Makakatulong lang siya sa hirap ng mga magulang niya ay maligaya na s'ya. Bumalik silang dalawa ni Ma'am Anikah sa pag-upo sa kanilang inookopang table sa party'ng iyon. At nabigla pa s'ya nang lihim s'yang kinurot ni Ma'am Anikah. "Aray ko po." Sambit niya. " Ssshh, ano ka ba? di mo ba nakita? nandito na s'ya, Lailyn. Kaya kita kinurot dahil kinikilig ako, agad s'yang nakatingin sa akin. Nandito na ang ex-boy friend kong si Marcus." Anitong kilig na kilig. " Ay sorry po, nagulat lang po ako, Ma'am. Pasensya na po kayo." Sabi pa ni Lailyn. Tiningnan naman n'ya kung saan nakatingin ang kanyang among dalaga. Kaya nakita niya agad ang isang gwapong lalaki na may eleganteng pananamit at halatang isang mayaman at bilyonaryo nga ang porma nito! "Ang gwapo naman niya, Ma'am. Bagay na bagay po kayo." Aniya sa amo. " Really? thank you, Lailyn!" Mas kinikilig pang wika nito. Ngunit nawaglit bigla ang ngiti ni Anikah nang makitang saglit lang pala s'yang tinapunan ng tingin ng dating boy friend at hindi s'ya nito nilapitan. Hinintay muna nito ng ilang minuto, baka lalapit din ito. Subalit lumipas nalang ang dalawang oras ay hindi talaga ito lumapit kay Anikah. " Sh*t!! nakakasira ng mood! grrr." Inis na inis pang sambit ni Anikah. " Hindi man lang kayo nilapitan at kinumusta, Ma'am. Grabe naman po yung ex niyo." Sabi pa niya. "Shut up! isa ka pa, anong halaga ng pagsasahod ko sa'yo kung wala kang ginawa? bilang alalay ko ay dapat may maitulong ka rin sa akin, bwes*t." Inis na inis nitong wika sa kanya sa mahinang boses. " A-ano pong magagawa ko tungkol diyan, Ma'am? personal niyo po 'yan eh." Sagot naman niya. Napalibot ang tingin ni Anikah sa buong party. Nakikita niyang enjoy na enjoy at nagkakatuwaan lang ang lahat pati na si Marcus. Samantalang s'ya ay inis na inis. At bigla itong may naiisip. " Wait, may iuutos ako Sa'yo, Lailyn. May ballpen ka bang dala diyan sa bag mo at note book?" Tanong nito sa kanya. " Meron po." Sagot niya. Di naman kasi s'ya mawawalan ng ballpen at notebook sa bag dahil ginawa niya itong listahan ng mga gamot maintenance ng kanyang tatay at ang kanyang mga dapat bilhin na pangangailangan sa kanilang bahay ay nakalista din roon. Kinuha niya agad ang notebook at ballpen niya. " Challenge ko ito sa'yo. May isulat ako, ibibigay mo kay Marcus, iimbitahin ko s'ya sa private bar sa hotel na 'to at kapag pupunta s'ya ay may malaking bonus ka sa akin, Lailyn. Depinde na sa diskarte mo, bahala ka na." Sabi nito sa kanya at kinuha ang kanyang note book at ballpen. Nagsulat doon ng message invitation para kay Marcus sa private bar ng hotel na iyon. Napanganga s'ya. Malaking bonus ang narinig niya mula rito! ang problema lang sa mukha niyang ito ay mapapayag kaya niya ang ex- boy friend nitong bilyonaryo? ang pagbibigay ng sulat ay madali lang, iaabot lang niya ito pero paano kung di papayag? idi sayang ang malaking bonus ni Ma'am Anikah. " Oh, bakit nakatunganga ka diyan, Lailyn? papatunayan mo ngayon sa akin na magaling kang dumiskarte bilang alalay ko, kahit na di ka maganda. Alam mo naman sigurong di sana kita tatanggapin bilang assistant ko diba? so, ngayon, patutunayan mo sa akin na di nga ako nagkamaling tanggapin ka. Ibigay mo ito sa ex- boyfriend ko at kung aayaw, ikaw na ang bahalang mamilit sa kanya para sisiputin niya ako doon sa private bar. Subukan ko ang guts mo, kung meron ba. At kapag magawa mo s'yang papuntahin ay belib na ako sa'yo, Dagdagan ko ng kunti ang sahod mo at may malaking bonus ka pang matatanggap!" Ang sabi ni Ma'am Anikah. Malakas ang kabang kinuha niya ang papel na may message invite nito. Bago s'ya pumasok bilang assistant nito ay may mga nagsasabi na sa kanya na mag-iingat daw s'ya kay Ma'am Anikah dahil mahilig daw ito sa pa-games at challenge. At ito na nga! tatlong araw pa nga lang s'ya bilang assistant nito ay may pa-games na ito sa kanya. " S-sige po, Ma'am. Subukan ko po." Aniya ritong sobrang kinabahan. " Anong subukan? gawin mo talaga! para bumilib ako sa'yo at may bonus ka pa." Irap nito sa kanya. At tumayo na ito. " Maghihintay ako ha. Mauna na ako sa kanya doon." Ang sabi nito. Gusto ni Anikah na maging easy lang ang lahat para sa kanya kaya anong mahalaga ng yaman nila kung di pera ang pakikilusin n'ya sa lahat ng gusto niya? Tinalikuran na si Lailyn sa kanyang amo. At napahiya pa s'ya nang may iilang bisita malapit sa kanilang kinauupuan ang nakatingin ngayon sa kanya. Wala s'yang magagawa kundi kukuha ng pagkakataon na malapitan ang ex- boyfriend nitong bilyonaryo. Kung titingnan palang niya ang mukha ng lalaki ay parang nanginginig na s'ya kahit di pa s'ya nakakalapit dito. Napalunok pa siya ng laway ng makitang ngumiti ito sa mga kausap nito. Sobrang nakaka attract ang pagkagwapong lalaki nito. Kaya pala patay na patay si Ma'am Anikah at todo make up pa at pagpapaganda ang ginawa kanina sa comfort room at yun pala'y denedma lang ito ng ex nito. Lumakas pa ang kabog ng kanyang dibdib nang makitang tumayo ito at sinundan naman niya ito ng tingin. Papuntang Comfort room ito! Ito na ang pagkakataon niyang lapitan ito. Nagmamadali s'yang humakbang upang sundan ito. Lakad takbo ang ginawa niya para lang maabutan ito habang di pa ito makapasok sa Comfort room. " Sir!! sir!! sandali lang po!" Humihingal na tawag at sambit niya rito. Napatigil ito sa paghakbang at nilingon s'ya nito. Wala s'yang pakialam kung anong mukha meron s'ya kung di s'ya maganda, di rin naman s'ya nangarap na pansinin at magustohan ng mga tulad nito. Kaya kailangang di s'ya mahihiya rito. Nilingon siya nito at hinintay ang pagdating niya. Nagsalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya. " Why?" Simple at maiksing tanong nito ngunit grabe na ang kaba niya. Mas lalo pa itong gwapo sa malapitan, grabe, sobrang lakas ng karisma at s*x-appeal nito! para s'yang nahipnotized na nakatingin sa mga mata nito habang napanganga. "Miss?" Untag pa nito sa kanya. Miss! ang tawag nito sa kanya! Juskolord, babae din pala tingin nito sa kanya! " Ayy sorry po, Sir! may ibibigay po ako sa inyo. Heto po, message invitation, sa papel lang nakalagay, galing sa amo ko. Kay Ma'am Anikah Alvarez po!" Aniyang ibinigay agad rito ang papel. Biglang nainis ang mukha nito at tinanggap ang papel na ibinigay niya. Tinapunan pa siya ng tingin nito bago binasa ang nasa papel. At nabigla nalang s'ya nang pinunit nito ang papel. " Wala akong time sa amo mo. Pakisabi sa kanya." Inis na sabi nito at tatalikod na sana. " Ay h'wag naman po, Sir! parang awa niyo na po, pumunta nalang po kayo! please!" Aniyang humarang rito. Nagulat pa ito sa ginawa niyang pagharang. " What are you doing? don't you understand what I'm saying? I don't have time for her." Mahina at kalmado lang na sabi nito subalit halatang inis ito sa kanya. "Pakiusap po, Sir. Maawa po kayo, nagpa challenge po siya sa akin. Gusto kong may tiwala na siya kapag mapapunta kita doon sa private bar. Ayaw sana niya akong tanggapin bilang assistant niya dahil di daw po ako maganda para maging assistant niya. Ayoko pong mawalan siya ng gana sa akin." Patuloy na pakikiusap niya. Mas lalong nagsalpukan ang mga kilay nito sa narinig mula sa kanya. "Sinabi niya pang hindi ka maganda? at pinapagawa ka ng ganitong challenge? kaya nga ayoko sa ugali niya. Mas maganda ka pa sa kanya para sa akin." Biglang sabi nito habang tiningnan s'ya mula ulo hanggang talampakan. " Ano po!? h'wag po kayong duling, Sir." Nabiglang sabi pa niya at sabay napa krus s'ya sa kanyang sarili. Imbis na magalit ito ay natawa ito sa kanyang reaksyon. "Yes, mas maganda ka pa sa kanya para sa akin. Sige, pupunta nalang ako sa kanya. Pero pahingi muna ng address mo at pangalan mo? Iimbitahin kita ng dinner date tomorrow, pwide?" Malapad ang ngiting wika nito sa kanya. "Jusko po! tulong baka bigla nalang po akong mag collapse sa kinatatayuan ko, Sir!" Di napigilang wika niya. " What?" Tawang-tawa na wika nitong nakatingin sa kanya na kitang-kita ang malilinis na mga ngipin na mas lalong nakadagdag ng kaguwapohan nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
103.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook