" H'wag niyo po akong biruin, Sir. Kung nagbibiro po kayo. Nagbibiro lang din po ako. Sige na po, parang awa niyo na puntahan niyo na si Ma'am Anikah." Ang sabi naman ni Lailyn dito na muling sumeryoso.
Sa isip niya'y biniro lang s'ya nito.
" Ano bang sinabi ko? diba sabi ko, pakibigay muna ng address at name mo bago ko puntahan ang amo mo? I'm serious, gusto ko ng dinner date with you tomorrow." Nakangiting wika nito sabay kindat sa kanya.
Mukhang niloloko lang s'ya at biniro nito. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito. Di pa naman n'ya kilala ito. Kinuha niya ang papel at ballpen niya at ibinigay rito ang maling address niya ngunit pangalan talaga niya ang ibinigay rito.
Halata naman sa mukha nitong binibiro lang
siya ng binatang bilyonaryo. Eh, sino ba kasi ang papatol at magkagusto sa tulad niya? napaka imposibleng type s'ya nito.
" 'Yan na po, Sir." Aniya sabay binigay ang maling address.
Saglit naman nitong binasa.
" Hmm, ikaw pala si Lailyn Santiago. Okay, thank you. Nice meeting you, Lailyn. Sige, pupuntahan ko na ang amo mo, pagkatapos ko sa comfort room." Anito sa kanya.
Iniwan agad s'ya nito. Gusto niyang tumili sa kilig. Ngunit nagpipigil lang s'ya dahil alam niyang imposibleng type s'ya nito. Para lang s'yang asong tumatahol sa buwan kapag maniwala s'yang puntahan at i-date nga s'ya nito. Baka kung ano pa ang balak nito kaya mas mabuti nang mali ang address.
" Ngeeh, sa tulad ko talaga magka interes ang tulad niya kaguwapo at kayaman ? assuming ka, Lailyn!" Kantiyaw pa niya sa kanyang sarili.
____
Hindi naman maiwasang matawa parin si Marcus nang maisipan ang alalay ng kanyang ex girlfriend habang sya'y papalabas na s'ya sa comfort room. Pupuntahan na niya si Anikah. Inis na inis s'ya sa totoo lang sa kanyang ex girlfriend.
Nakipaghiwalay s'ya rito dahil sa ugali nitong hindi niya nagustohan. Ginawa pa nitong tanga at kawawa ang alalay nito ngayon. Nagpapa challenge na naman ito. Sakit na parang di na mawawala. Pa challenge lagi ng mga walang kuwentang bagay.
Haharapin niya ito at ipamukha niya rito na hindi nakakatuwa ang ginawa nito. At gagalitin niya ito sa pamamagitan ng pakikipag date niya sa alalay nito upang matauhan si Anikah.
____
Natuwa naman si Anikah kay Lailyn dahil nagawa nitong papuntahin si Marcus sa private bar kung saan ito nahihintay. Kaya natupad naman ang pangako ni Anikah na magbigay ito ng bonus sa kanya.
Kaya kinabukasan ng hapon ay bago s'ya umuwi sa kanilang bahay ay bumili muna s'ya ng mga kakailanganin sa kanilang bahay at pati na ang mga gamot Maintenance ng kanyang Tatay.
Samantalang si Marcus Gavin Monteverde ay hindi lang sa ex girlfriend ito naiinis kundi pati na sa alalay ng ex. Binigyan ba naman siya ng hindi tamang address nito? gusto lang niyang makipag date talaga sa alalay ni Anikah upang galitin Ang ex girlfriend. Pati girl friend niyang si Alicia ngayon ay tinatawagan ni Anikah para lang awayin.
Balak niyang ipamukha rito na mas gusto pa niya ang isang tulad ng alalay nito kaysa rito. Upang maiinis ito sa kanya at pagtawanan ito ng mga kakilala nito.
But...
Parang nakaramdam din si Marcus ng kakaiba sa alalay ng ex girlfriend. Hindi nga ito maganda ngunit parang gusto niya ang ugali at dating nito. Babaeng babae ito sa paningin niya.
Nasa living room ng mga Oras na iyon si Marcus. At nasa harap niya ang isang mamahaling vintage red wine at itinigis iyon sa Kristal na kopita. Dahan-dahan niyang inamoy ang alak bago uminom ng kaunting maliit na lagok. Pinagmamasdan niya ang kulay at kinikilala ang aroma at lasa nito. Hindi niya ito iniiinom ng mabilisan, kundi tinatamasa ang bawat lagok nito. Iyun ang pamparelax niya bago matulog ng gabing iyon.
____
Akala ni Lailyn na iyon lang ang pa challenge sa kanya ng kanyang among dalaga. Hindi niya akalain na iba pala talaga ang utak nito.
"Lailyn, good news! magkakapera ka na naman!" Panimula pa nito.
Natuwa naman s'ya sa narinig mula sa amo. Siyempre, matagal pa ang sahod niya rito kaya matutuwa talaga s'ya kung bakit magkakapera na naman siya.
" Bakit po, Ma'am?" Tanong naman niya rito.
"Nakita mo ito?" Sabi pa nito na itinaas ang pulang underwear nito.
Nagulat pa s'ya nang makita ang pulang p@nty nito.
" Naku, Ma'am? anong connection sa red mong p@nty at sa pagkakapera ko?" Nagtatakang tanong pa niya.
"Ibigay ko sa'yo ang address ng office ni Marcus. Kunwari magdala ka doon ng gift ko para sa kanya dahil birthday niya bukas. At pagkatapos ay sekreto mong iiwan ang p@nty kong ito sa office niya. Gets mo?" Sabi pa nito na mas lalo niyang ikinagulat.
" Ano po!? bakit mo ipapaiwan ang p@nty niyo po doon?" Nanlaki ang mga matang tanong niya rito.
" Basta, iiwan mo doon." Sabi nito.
" Paano kung mahuli ako ng Ex niyo Ma'am? nakakahiya! p@nty po yan! at pula pa. Pagkakaalam ko eh, malas ang pulang p@nty at baka mamalasin pa ako ." Sabi niyang napangiwi.
"Naniniwala ka naman sa mga ganyan? hindi 'to malas, de buenas to! at dapat madiskarti ka, pag magawa mo ito ay meron kang ten thousand pesos sa akin." Napataas ang kilay na wika ni Anikah sa kanya.
" Ten thousand pesos!? ang laki na niyan para sa akin, Ma'am!" Namilog ang mga matang sabi niya rito.
" Idi gawin mo agad para makuha mo ang halagang iyan sa akin. Madali lang naman. Pupunta ka lang sa office at ibibigay ang gift ko kay Marcus at pasimpleng iiwan mo ang p@nty kong ito roon para mapaniwala ko ang girl friend niya ngayon na nagpunta ako doon at may nangyari sa amin. Maniniwala ang girl friend niya kapag makitang nando'n nga ang underwear ko. Ano? game ba?" Tanong pa nito.
Hindi agad nakasagot si Lailyn. Ngunit nang maisip niyang gipit talaga sila at malaking tulong na sa kanila ang Ten thousand pesos kaya lakas-loob nalang n'yang tinanggap ang pa challenge kanya ni Ma'am Anikah.
" Sige po! payag na po ako." Kinabahan niyang sabi rito.
" That's good!" Nakangiting tugon naman sa kanya ni Ma'am Anikah.
____
Kinabukasan nga ay maaga pa s'yang nagpunta sa office ng bilyonaryong ex boyfriend ng kanyang amo. Madali lang naman tuntunin ang office nito kaya nakarating naman s'ya agad roon. Umakyat pa s'ya gamit ang elevator upang makarating sa office nito sa gusali ng kompanya ni Mr. Marcus Gavin Monteverde.
Tiningnan niya ang suot na relong pambisog. Nalaman niyang nasa 9:00 am na ang umagang iyon. Secretary naman ni Mr. Marcus Gavin Monteverde ang kanyang nasalubong sa pintuan ng office nito.
" G-good morning po, Miss Secretary!" Kinabahan pa niyang bati sa secretary ni Mr. Marcus Gavin Monteverde.
" Good morning din. May kailangan po kayo kay Sir?" Tanong naman nito na napatingin sa bitbit niyang gift na nasa loob ng paper bag niyang dala.
" Ahh, opo! importante po, inutusan ako ni Ma'am Anikah. Ibibigay ko ito kay Sir." Sabi naman niyang nanginginig sa kaba.
" Sandali, at
sabihin ko muna na may bisita s'ya." Anang secretary at muling pumasok sa loob ng office ni Sir Marcus.
Siya naman ay todo ang kabang naramdaman. Nasa bulsa niya ang p@nty ni Ma'am Anikah.
Di naman nagtagal ay muling bumukas ang pintuan ng office ni Sir Marcus.
" Tuloy daw kayo sa loob. Hinihintay kayo ni Sir Marcus." Ang sabi sa kanya ng secretary.
" S-sige, salamat po." Sabi pa niya rito at tuloyan nang pumasok agad.
" Good morning po, Sir!" Bati niya rito at paggalang.
Nakasamdal ito sa swivel chair nito habang nakatingin sa kanya. Umayos naman agad ito ng pagkakaupo habang nakatingin parin sa kanya at sa dala niya.
"Good to see you again. The address you gave me was wrong. Are you trying to trick me?" Galit ang mga tinging sumbat knito sa kanya.
" S-sorry po, Sir!" Nabigla niyang sagot agad.
Hindi niya akalaing sumbatan s'ya sa address na ibinigay niya. So, totoo sigurong nagpunta pala ito.
Nakita niya ang pag-iling nito.
" Sorry po talaga." Segundang wika niya rito.
"Hindi ako natutuwa sa'yo. Ano na namang kailangan mo? or ng amo mo?" Tanong nito na parang nahuhulaan na nito na si Ma'am Anikah ang nagpapunta sa kanya sa office nito.
" Sir, pinabigay niya po ito. Birthday gift po n'ya sa'yo." Ang sabi niya rito sabay bigay rito sa kanyang dala.
Napabuntong-hininga pa ito bago tinanggap ang gift nito mula sa kanya na galing kay Ma'am Anikah.
Kinabahan naman s'ya nang kinapa na niya ang p@nty ni Ma'am Anikah sa kanyang bulsa! dudukutin na niya iyon upang lihim na ihulog iyon sa sahig!
" Pakisabi sa kanya na hindi na sana s'ya nag abala." Hindi Natuwang wika ni Marcus.
" Ahh Sige po, Sir. Sabihin ko lang po sa kanya." Aniyang
hinulog na ng lihim Ang p@nty ng kanyang amo.
Nang maihulog na niya ay mas lumakas pa ang kanyang kaba kaya nagpaalam na agad s'ya rito para aalis na. Lihim pa n'yang itinulak sa kanyang paa papuntang ilalim ng desk nito ang underwear upang di agad makita at mapansin.
" Sige po, aalis na po ako, happy birthday nalang din po sa inyo!" Kinabahang paalam niya rito.
"Thank you!" Tila nasorpresa pang tugon nito sa kanya nang pag greet niya rito.
Nagmamadali naman agad siyang humakbang paalis. Ngunit di pa siya nakalabas ng pinto ay bigla itong nagsalita sa galit na tinig.
" What are you doing!? kaninong p@nty ito, Lailyn!?"
" Ay kabayo!" Gulat naman niyang sambit.
Lagot, nakita agad nito ang p@nty!