Natigil s'ya sa paghakbang at hindi natuloy sa paglabas. Paglingon naman niya rito ay nakita niyang tumayo ito at humakbang
papunta sa kanya na may matiim na mga tingin sa kanya.
Nanginig naman s'ya lalo na nang makitang bitbit nito ang pulang panty ni Ma'am Anikah.
" What is this? bakit nagdala ka nito at bakit mo ito hinulog, Miss Lailyn? kanino tong p@nty , ha?" Galit na tanong nito sa kanya.
" S-sorry po talaga, Sir!nagpapa challenge na naman kasi si -"
" Si Anikah na naman!? gusto mo bang mahawaan sa pagkasiraulo ng amo mo? ayoko nang maulit ito, naiintindihan mo ba? kaya nga nakipaghiwalay ako sa kanya dahil sawang-sawa ako sa mga walang kuwentang pa challenge n'ya!" Malakas na sigaw nito dahil sa galit nito.
Mas lalo naman s'yang nanginig sa takot at pati labi niya ay nanginig din nang makitang galit na galit ito.
" S-sorry po talaga, Sir. Napilitan nalang din po akong sundin siya kasi 10k po kasi ang bigay niya sa akin. Gipit kasi talaga ako eh. Nagkasakit kasi ang tatay ko. Kaya sa isip ko ay malaki na rin na tulong sa akin ang ten thousand po." Sabi naman niya na parang maiiyak sa harap rito.
"Gano'n ba? kunin mo itong underwear niya at ihagis mo sa mukha niya. At pakibigay mo yung totoong address mo sa akin para mapuntahan at mabisita ko kayo kung totoo nga bang nagkasakit ang tatay mo. I want to help you. H'wag sa ganitong paraan na susundin mo ang mga hindi magandang ipapagawa sa'yo ni Anikah." Ang sabi nito na kumalma ang galit nang marinig nito ang sinasabi niya tungkol sa tatay niyang may sakit. At napansin din siya nitong natatakot.
"T-talaga po, Sir? totoo ba talagang mabuti ang sadya niyo? baka kasi ay hindi po." Aniyang sinasabi talaga ang nilalaman ng kanyang isipan.
"Why? do you think I'm a bad person? gusto nga kitang tulongan. At kung maari ay h'wag kanang magpatuloy sa pagtatrabaho kay Anikah. Baka mapapahamak ka sa mga ipapagawa n'ya sa'yo." Ang sabi nito sa kanya.
"Kailangan ko po ng trabaho, Sir eh." Nagbaba ng tingin na tugon niya rito.
Para s'yang napapaso sa mga matiim na tingin nito sa kanya.
"Okay. Pakibigay nalang ng address mo. Yung tamang address ha. Magagalit na talaga ako sa'yo kapag niloloko mo pa ako." Pamimilit nito sa kanya.
Kaya wala na s'yang magagawa kundi ibigay na lang talaga niya ang kanilang address baka totoong tulongan nga sila ng isang tulad nito.
Pag-uwi ni Lailyn sa kanyang among si Anikah ay galit na galit pa ito nang hindi s'ya nagtagumpay sa ipinagawa nito.
" D@mn it! paano na 'to, Lailyn!? nasabi ko na sa girl friend ni Marcus na nagpunta ako kanina kay Marcus sa office niya at pinaniwala ko s'yang naiwan pa 'yung underwear ko pagkatapos kaming magkabembangan! tapos hindi mo naman pala nagawa ang pinapagawa ko, nakakainis ka naman!" Galit na wika nito sa kanya.
"Ma'am Anikah. Wala po akong magawa diyan. Dahil kahit anong ginawang pag-iingat ko ay napansin niya parin " Sabi naman niya rito.
" Ahh, sh*t! boba ka lang kaya hindi ka nag-iingat!"
____
Hindi naman akalain ni Lailyn isang hapon nang pag-uwi niya galing sa trabaho'y nakita niya ang isang magarang kotseng nakatambay sa kanilang bakuran.
At laking gulat n'ya nang pagpasok niya sa loob ng bahay nila ay makitang kausap ng kanyang Ina si Mr. Marcus Gavin Monteverde!
Ito pala ang nagmamay-ari ng magarang kotse sa kanilang bakuran!
Sobrang gwapo nito ngayon sa ayos at porma nito. Isang larawan ng kagandahang lalaki at kagalang-galang na mayaman. Matikas ang tindig nito, at ang damit nito ay nagsasalita ng simpleng karangyaan. Suot nito ang isang bespoke na navy blue suit na perpekto sa pangangatawan nito at gawa pa iyon sa pinong Italian wool. Isang puting linen shirt naman ang nasa ilalim, na may discreet na French cuffs na pinagdugtong ng gold cufflinks. Ang necktie naman nito ay isang simpleng silk tie na may subtle na pattern, na nagbibigay ng kaunting kulay sa klasikal na porma nito. Napansin naman niya ang isang mamahaling relong suot nito, isang understated masterpiece iyon na gawa sa platinum na nagsisilbing subtle na simbolo ng tagumpay nito. At idagdag pa ang sapatos nito na may Italian leather shoes na makintab at maayos. Halatang galing pa ito sa isang meeting conference. Grabe, wala na s'yang masasabi pa.
Nang nasalubong niya ang mga mata nito ay makikita at mababasa naman niya ang tiwala nito sa sarili ngunit hindi kayabangan. Ngumiti ito sa kanya na ewan ba niya kung bakit nagpapagaan iyon ng kanyang loob.
" Lailyn, anak! mabuti naman at dumating ka na agad!" Pansin at pukaw pa sa kanya ng kanyang Ina.
Natulala kasi s'yang napatingin kay Mr. Marcus Gavin Monteverde. Parang nahipnotized din s'ya sa mabait na mga ngiti nitong iginawad sa kanya.
"M-magandang hapon po, Nay at Mr. Monteverde. Pasensya na po, nabigla lang po ako sa presensya niyo. Hindi ko kasi akalaing pupunta po talaga kayo ngayon sa bahay namin, Sir." Nahihiya pa niyang wika rito.
" Ako nga'y nagulat din anak na may bisita tayo na tulad ni Mr. Monteverde or Sir Marcus." Sabi naman ng kanyang Inang si Aling Sita.
" Sinabi ko naman sa'yo na pupuntahan ko kayo dito, hindi ba? kailangang ipagamot natin ang tatay mo, Lailyn. Kailangan s'yang ma-admit. Nakita ko na ang kalagayan niya." Ang sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.
Bakit gano'n nalang ang pagtulong na gagawin nito sa kanila?
" S-salamat po, Sir. Napakabuti po ng kalooban niyo." Sabi naman niya rito na tila nahihiyang nagbaba ng tingin.
_____
Hindi talaga inaasahan ni Lailyn na gano'n nalang kadali na tinulongan agad sila nito. Isang colon kanser ang sakit ng kanyang ama at nasa Stage 2 ito. Pina operahan ni Mr. Marcus ang kanyang ama at ito ang gumastos lahat.
At hindi lang yun, may cash pa itong ibinigay sa kanya para daw sa mga gamot Maintenance ng tatay niya.
" Sobra-sobra na po itong natulong niyo sa amin, Sir. Di ko na po alam kung paano kayo mababayaran." Nahihiya na namang sabi niya rito nang dumalaw ito sa kanila sa hospital.
Success ang operasyon ng kanyang tatay Juanito. At siya lang ngayon ang nagbabantay. Umuwi kasi saglit ang kanyang ina sa bahay nila dahil may kinuha itong importanteng gamit ng kanyang tatay.
"Isa lang naman ang gusto ko, Lailyn." Sabi nitong nakatitig sa kanya.
Kinabahan naman siya sa sinabi nito at sa mga tingin nito ngayon sa kanya. Para pa s'yang matutunaw sa mga titig nito sa kanya. Napakaguwapo talaga ni Sir Marcus!
" A-ano po 'yun, Sir?" Tanong naman niya rito.
"Ikaw ang gusto ko, Lailyn." Deretsong sagot nito sa kanya.
Labis naman niyang ikinagulat ang sinabi nito. Hindi niya inaasahan na iyon ang isasagot sa kanya nito.
" Ano po!?" Sambit niyang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Nakakagulat ba na ikaw ang gusto ko? simple lang naman ang ibabayad mo. Liligawan kita at sasagutin mo lang ako ay bayad kana lahat." Nakangiting wika nito sa kanya.
" Naku, Sir! hindi po pwedi, sorry po talaga. Baka pagdududahan pa akong gjnayuma ko po kayo! sa guwapo niyo pong yan at sa katayuan niyo sa buhay ay magkakainteres lang kayo sa tulad ko? maawa po kayo sa sarili niyo." Di naman niya napigilang sabi dahil hindi talaga s'ya makapaniwala. O baka binibiro lang s'ya nito.
Hindi siya nito hiniwalayan ng pagkakatingin. At biglang naging pormal ang hitsura nito.
" Ganyan kababa ang tingin mo sa sarili mo? bakit mo naman questionin ang pagkakagusto ko sa'yo? kusa ko lang naramdaman na gusto kita. At gusto kitang maging girl friend." Seryosong wika nito sa kanya.
" Jusko! hindi po ako maganda, Sir. At isa pa, wala po akong gayuma! manalangin po kayo baka po anong nangyari sa'yo. Hindi po ako nababagay sa inyo. Nakakaawa po kayo dahil hindi ako deserve-"
" Shut up. Hindi nakakatuwa ang mga sinasabi mo." Biglang pagpapatigil nito sa kanya na halatang nagalit.
" Pero totoo nam-"
" I said, shut up, Miss Lailyn. Ang baba ng tingin mo sa sarili mo. Kung hindi ka maganda para sa iba at kung hindi ka maganda para sa'yo ay maganda ka para sa akin. Gusto kita, sana naman pagbalik ko ay makamit ko na ang matamis mong 'oo'.
Think carefully about everything. If you say yes, I'll marry you right away." Sabi nitong tumayo na upang aalis.
Natameme s'ya at di na alam kung anong sasabihin rito.
"I have to go. I have an important meeting to attend. Babalik nalang ako bukas." Paalam pa nito sa kanya.
" S-sige po, Sir. Salamat po talaga." Tanging nasabi na lang niya.
Pagkaalis nito ay sobrang kinilig naman s'ya dahil di niya akalaing nagkagusto pala sa kanya si Sir Marcus!
"Hala, anong nakita niya sa'yo memang ka?" Sabi pa niyang tinapik pa ang kanyang mukha.
Tumayo talaga s'ya at lumapit sa salamin sa loob ng private room na iyon ng kanyang tatay at tiningnan ang sarili. No! hindi talaga s'ya maganda!
Napa smile pa s'ya ng ilang beses ngunit sa huli ay napasimangot na rin. Kahit anong gagawin niya ay di talaga s'ya maganda kahit nagpapa cute pa s'ya sa salamin. Kaloka!!