"Sh*t! Why did I end up like this? What happened to me?" Galit at hiyang-hiya na wika ni Haneline. Nakasuot pa siya ng isang makinang na mahabang gown na kulay lavender na baby blue. Kumpiyansa pa siyang ngumiti sa mga bisita. Ngunit bigla, habang nakataas ang kanyang wine glass para mag-toast sa kasama niya sa table ay isang matinding kirot ang sumiklab sa kanyang tiyan. Parang may humatak na bakal na sinantabi ang lahat ng aliw—ang sakit ay napakabilis at napakalakas. Sumubsob siya sa upuan, namumutla, at sinubukan niyang kalmahin ang sarili. "Kaya ko 'to... konting lakad lang papunta sa CR," bulong pa nito sa sarili. Nang siya'y tumayo, ang kanyang mga tuhod ay nanginig, at ang kanyang kamay ay kumapit sa lamesa para magbalanse. Tatlong hakay pa lang ang kanyang nagagawa, biglang.

