Biglang nakaramdam ng kakaibang sigla si Marcus nang matapos niyang makausap si Emerald. Tila ba nagkaroon siya ng lakas pero hindi siya dapat magpadala kung ano man ang kanyang naramdaman dahil may anak na sila ni Haneline at nakapagdesisyon na talaga siya na ito ang maging pangalawa niyang asawa kapalit ni Lailyn. At higit sa lahat araw ngayon ng kanyang kasal at may asawa na si Emerald. Ayaw niyang makasira siya ng pamilya, tulad sa nangyaring pagkasira nila ng kanyang unang asawa. Tiningnan ni Marcus ang relong pambisig at nakita niyang 8:30 am pa lang naman. Malayo pa sa 10:00 am bago mag start ang kanilang kasal ni Haneline. Winaglit ni Marcus ang kakaibang naramdaman niya para kay Emerald. ___ Si Lailyn naman, habang naghihintay siya kay Marcus ay natutuwa siyang isipin na

