Tuwang-tuwa ang Ina ni Marcus nang tuloyang makapagdesisyon si Marcus na pakasalan nalang si Haneline. Pati si Haneline ay halos magtatalon sa tuwa na pakasalan siya ni Marcus. At hindi alam ni Haneline kung saan siya hihiling, sa Diyos ba o sa diablo? na sana'y hindi na talaga babalik si Lailyn at sana'y wala na talaga ito. Tuloyan na ring iisa na ang kanilang kuwarto ni Marcus. Pumayag na itong lilipat si Haneline sa kwarto nito. Habang nasa office naman ng araw na iyon si Marcus ay minanduhan naman ni Haneline ang mga katulong sa pagligpit sa lahat ng picture frame ni Lailyn sa loob ng kuwarto ni Marcus. Maging ang picture frame ng kasal nina Marcus at ng asawang si Lailyn ay pinaligpit na rin ni Haneline pati na ang mga album pictures ng mga ito sa kasal. "Iligpit niyo lahat yang

